****48

5.4K 172 19
                                    

Nicoleen's POV
"Great plan right?" maangas kong pagkasabi

"Well, masasabi kong oo pero nadamay si Nikki rito. Can't you see? Nasaktan siya and it's all your fault" medyo galit na pagkasabi ni Jake. Sabi niya gumawa ako ng plano tapos ngayon magagalit siya?

"Don't point fingers on me. Sabi mo gumawa ako ng plano, oh ayan gumawa na ako tapos galit si Nikki sa kanya. Ano bang kinakagalit mo ha?" mukhang mag-aaway kaming dalawa nito.

"Kinagagalit? Nasaktan siya. Yeah! Inutusan kitang gumawa ng plano but sinabi ko rin sayo na huwag mong idadamay si Nikki. Tapos nakita niya kayong dalawa ni Daemon naghalikan. At yan ang ikinagagalit ko. Nasaktan siya! You hurt her!" ako na lang yata ang mag-aadjust sa lalaking to. As usual.

"Galit ka kasi gusto mo si Nikki. That's it"

"Oo gusto ko siya at ayaw kong makita siyang nasasaktan na alam kong ikaw ang dahilan nun. Aalis na lang ako. Magpapakalma" sabay labas niya sa condo ko

Natatawa pa rin ako sa nangyari last week sa condo ni Daemon.

Flashback

"Ba't ka nandito,Nicoleen" tanong ni Daemon sa akin.

"Wala lang, dinalaw ka" medyo sexy kong pagkasabi

"Kuha lang ako ng maiinom" sabi nito at iniwan ako sa sala.

Agad kong kinuha ang phone niya na nasa mesa at nagtext agad kay Nikki.

To: Miel
Nikki, punta ka sa condo ko. May sasabihin ako.

Sent

Agad kong dinelete ang sinend kong message kay Nikki at nilapag ang phone ni Daemon sa mesa ng marinig ko ang footsteps niya.

"Here" sabi nito at nilapag ang juice at brownies sa mesa.

"Gumagawa ka pa rin pala ng brownies? Naalala mo pa nga pala mga turo ko sayo. Ang sarap nito ha?" sabi ko ng makakagat ako ng konti sa brownies na ginawa niya.

"Apparently yes" sabi nito.

Tumahimik ang paligid at napaka awkward ng ambiance. Mga 3 minutes, bago ako nagsalita agad para mabasag ang katahimikan

"Naaalala mo pa ba yung pag- - - -"

"Stop reminiscing,Nicoleen. We're over at matagal ko ng kinalimutan iyon. Please, kalimutan mo na rin" sabi nito

"Ang dali lang sabihin na kalimutan Daemon pero hindi ko magawa. After all this time,ikaw pa rin" sabi ko sa kanya.

"Masaya na ako sa piling ni Nikki, kaya please"

"Sasaktan ka lang niya, Daemon. Ako na lang. Ako na lang ulit please, Daemon" pagmamakaawa ko sa kanya.

"Hindi ako sasaktan ni Nikki kagaya ng ginawa mo sa akin. Ibahin mo siya, Nicoleen" sabi ni Daemon at tumayo ito. Tumayo rin ako paara habulin siya.

"Mahal pa rin kita Daemon. I still damn love you. Mahal mo pa rin naman ako di ba? Di ba? Hindi pa rin yun nagbabago di ba? Ako pa rin ang nasa puso mo. Sabihin mong mahal mo pa rin ako Daemon" sabi ko. Nasa tapat kami ngayon sa nakabukas na pinto. Sinadya ko itong di isirado para makita agad ni Nikki pag nandito na siya and ViOLA! Nandito na nga siya.

"Oo mahal kita, Nicoleen - - -" hindi ko na pinatapos si Daemon sa sasabihin niya at agad ko na siyang hinalikan. Now my plan is working. Manuod ka lang diyan, Nikki. Magandang eksena di ba?

Nakita ng peripheral view ko na tumakbo si Nikki kaya tinapos ko na ang halik namin ni Daemon.

"Mahal mo pa rin ako Daemon at ramdam ko yun sa mga halik mo" sabi ko.

"Oo mahal kita pero noon yun, hindi na ngayon. Matagal na kitang nakalimutan at si Nikki na ang mahal ko kaya makakaalis ka na Nicoleen kung yan lang ang gusto mong marinig" sabi nito.

"S-sana may chance pa" sabi ko at lumabas na sa condo niya.

Mission complete. A job well done, Nicoleen. Mababalik na si Daemon sayo, ang pag-aari mo na kinuha nung Nikki na yun. Maghintay ka lang.

End of flashback

Well, ito naman talaga ang gusto ko na magalit si Nikki kay Daemon at magdecide si Nikki na hiwalayan si Daemon and wala nang magagawa si Jake nun! Akin lang si Daemon. His mine!

Daemon's POV
"Miel, kausapin mo naman ako oh" pagmamakaawa ko kay Nikki. Halos isang linggo na niya ako di pinapansin.

"Daemon, ilang beses ko na bang sinabi sayo wag ka munang lumapit sa akin, please. Please lang. Nandidiri ako sayo" teka! Ano bang  nagawa ko?

"Nikki, ano bang nagawa ko at binibigyan mo ako ng treatment nato?" tanong ko sa kanya.

"Nagtanong ka pa talaga, ha? Halos isang linggong iniiwasan kita tapos magtatanong ka anong nagawa mo? Nagmamaangan ka ba? Ah siguro ganun ka tapos ako itong si Tanga na- - - -"

"Ano bang pinagsasabi mo?" taka kong tanong sa kanya.

"Daemon, ayaw ko na. I'm breaking up with you" sabi nito at aakmang aalis

"Nikki, bakit? Bakit ka makikipaghiwalay sa akin? Ano bang nagawa ko?" mangiyak ngiyak kong pagkasaad.

"Ayaw ko ng magpakatanga, Daemon. Masakit na. Ayaw ko na"

"Bakit? Di ko maintindihan"

"Daemon, alam kong mahal mo pa rin si Nicoleen at wala akong lugar ssa puso mo at lalong lalo, di pala kita minahal"

Bakit? Anong nagawa ko?

"Ha? Ikaw ang mahal ko Nikki, hindi si Nicoleen, hindi sa kung sino. Ikaw" umiiyak na saad ko

"Ako? Kaya pala nagtext ka sa akin para makita ko ang kalandian niyo ni Nicoleen. Tigilan muna ako. Ayaw ko na. Ayaw ko nang masaktan. Kaya please lang" tumakbo ito papasok ng bahay at iniwan ako.

Bakit? Di man lang niya pinakinggan ang paliwanag ko. Ganun ba kadali para sa kanya na bitawan na lang ako ng ganun ganun lang? Nasaktan siya ng sobra? Sobra sobra na ba? Ang sakit. Ang ssakit isipin na wala na kami ni Nikki. Pero ba't niya na lamang naghalikan kami ni Nicoleen? Pumunta ba siya sa condo ko? Nakatulog siya nun nung umalis ako para umuwi sa condo. Papano?

Huwag kang bumitiw, Nikki. Hindi ako susuko. Huwag, pleaseeeeeee.

My Step-Brothers Are  Inlove With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon