****46

5.5K 163 28
                                    

Nikki's POV

"Bakit mo to nagawa, Courtney?" tanong ko sa kanya.

Nandito kasi kami sa presinto. Nahuli na raw daw nila Jake si Courtney. Hanggang ngayon, di pa rin ako makapaniwala.

"Bakit ko to nagawa? Dahil sinira mo buhay ko babae ka!!" susugurin na niya sana ako ng pigilan siya ng mga pulis.

"Ako? Di ko sinira buhay mo, Courtney. Tinuring kitang kaibigan at alam ng lahat yan" mangiyak ngiyak kong saad sa kanya habang hinihimas ni Daemon ang likuran ko.

"Huh! Kaibigan? Big word! Trinato mo akong kaibigan? Ay teka! Alam mo ba talaga kung ano ang ibig sabihin ng  kaibigan? Mukhang hindi eh!" sarkastikong saad niya. Bakit?! Ano bang nagawa ko?

"Ano bang nagawa ko? Yung pag transfer ko ba ng walang paalam? Kung yun nga, sorry. Sorry kung di ako nagpaalam sayo. Sorry kung iniwan kita sa ere. Sorry" sabi ko habang umiiyak. Ganito ba ako kahina para umiyak? Dapat nga maging masaya pa ako kasi di na malalagay sa panganib ang mga buhay namin pero di ko yun nararamdaman. Kahit konting saya, di ko maramdaman. Awa. Guilty. Awa ang nararamdaman ko sa kanya at nagiguilty ako.

"Sorry? Para saan pa yang sorry mo kung nasira na ang buhay ko. Sinira mo buhay ko! P*nyeta ka! At akala mo ba na ang pag-alis mo ang dahilan ng lahat ng to? Hindi! Mas natuwa pa ako nung umalis ka kasi wala ng Nikki Fortalejo sa buhay ko pero may iniwan ka naman. Iniwan mo akong sira-sira ang buhay. Alam mo ba kung anong pinagdaanan ko sa ginawa mo? Hindi! Hindi mo alam! Tapos ngayon, magsosorry ka? Akala mo ba na matatakpan ng SORRY mo ang sakit na naramdaman ko? Hindi! Kahit kailan hindi!" galit at umiiyak na Courtney ang nasa harapan ko ngayon. Bakit? Ano bang nagawa ko?

"Di mo pa rin ba alam kung anong ginawa mo?  O nagmamaangan ka lang? Sabagay ganyan ka naman eh! Nagmamaangan! Pabida! Bwesit ka!!!"

"Ipapasok na po namin si Ms. Courtney" at pinapasok na nila ito sa silda. Hindi ko kayang tignan si Courtney sa ganitong sitwasyon. Bakit? Di ko pa rin maintindihan kung bakit? Tanga ba ako o kung ano?

"Okay lang, Miel. Wala ng magtatangka sa buhay mo. Nakakulong na ngayon si Courtney. Taha na" pagcocomfort ni Daemon sa akin. Ngumiti lang ako ng pilit sa kanya.

Bakit? Bakit iba ang pagcomfort ni Daemon sa akin? Iba sa pagcomfort ni Christ. Mas gumagaan yung pakiramdam ko pagkinocomfort ako ni Christ. Iba talaga! Ba't ko pa ba siya iniisip? Hay! Aalis na rin naman siya.

"Mauna na ako, Nikki. Thank God at wala ng magtatangka sa buhay mo. Pero mag-ingat ka pa rin" sabi ni Jake at aakmang aalis na.

"Teka, sandali. Salamat ahh? Salamat kasi nahuli mo siya. I owe you a lot, Jake" sabi ko at ngumiti. This time di na ito pilit, it's a genuine smile.

"It's okay. Atlast, wala ng magtatangka sa buhay mo. Alis na ako, Nikki, Daemon" at lumabas na ito sa presinto. Kami lang kasi tatlo ang nandito.

Lumabas na rin kami pagkatapos mag-usap ni Daemon at yung hepe.

"Okay ka na ba?" tanong ni Daemon sa akin nang makapasok na siya sa sasakyan.

"Medyo. Di ko pa rin lubos maisip na magagawa ito ni Courtney" sabi ko habang nasa labas ng sasakyan ang atensyon ko.

"Matulog ka na muna, Miel. Gigisingin na lang kita. Kailangan mong magpahinga." sabay tap ni Daemon sa balikat ko.

As he said, pinikit ko na ang mga mata ko at umidlip.

*****
*kringggg! *kringgggg!

Napadilat ako ng tumunog ang phone ko. Teka! Ba't nasa kwarto nako? My room to be exact. Baka kinarga ako ni Daemon papunta rito.

My Step-Brothers Are  Inlove With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon