Nikki's POV
Dalawang linggo na kaming nandito sa ospital at finally nagising na Si Dhavid. Last sunday lang ito nagising and napaka thankful naming lahat dahil okay na siya at baka bukas or the next day i-makakalabas na siya.
"Miel, uwi muna tayo. Kahapon ka pa hindi umuuwi" sabi ni Daemon.
Tumango lang ako at nagpaalam na kina Mama at Tito.
Lumapit na ako sa natutulog na si Dhavid. Ayaw ko naman siyang gisingin.
"Alis na ako, Dhavid. Magpahinga ka para bukas maka uwi na tayo" bulong ko kay Dhavid at hinawakan ang kamay niya.
Lumabas na kami ni Daemon sa kwarto ni Dhavid at dumiretso na sa sasakyan niya.
Nakarating na kami sa sasakyan ni Daemon at pumasok agad ako sa front seat at gayun din si Daemon.
Pinaandar na ni Daemon ang sasakyan at nagmaneho na siya.
"Nikki, okay ka lang ba?" tanong ni Daemon kaya napatingin ako sa kanya.
"Ha? Oo naman. Ba't mo naitanong?"
"These past few days kasi, para kang wala sa sarili mo. May problema ba?"
"Wala naman. Okay lang talaga ako" sabi ko at ngumiti
"Mabuti naman. Matulog ka muna" sabi niya. Tumingin lang ako sa labas ng sasakyan.
Oo, these past few days, wala talaga ako sa sarili ko. Dahil yun sa araw na nag-usap kami ni Christ. Di na rin kami nag-uusap o di nagpapansinan at minsan ko na lang siya makita. Sabi naman ni Tito na nagsisimula na raw mag taping si Christ sa movie niya.
Sa totoo lang, apektado pa rin ako sa nangyari nung araw na nag-usap kami. Ganun ba ako ka manhid para di mapansin na nasasaktan na ng sobra si Christ? Kay Daemon nga lang ba talaga nakatuon lahat ng atensyon ko?
Mga katagang sinabi ni Christ nung araw na yun, di maalis sa isip ko at paulit ulit na tumatakbo. Pinipilit kong wag isipin ang araw na yun dahil nga aalis na rin siya at di na babalik. Kahit masakit, kailangan ko ng tanggapin na hindi na nga siya babalik. His leaving for good.
**************
Nagising ako ng may umaalog sa balikat ko. Si Daemon lang pala."Nandito na tayo sa bahay, Miel" sabi niya. Lumabas na siya ng sasakyan para pag buksan ako.
Naging okay na naman kami ni Daemon. Bumalik uli yung dating kami. Nagkapatawaran na rin kami and nagpaliwanag na rin naman siya sa akin.
Pumasok na kami sa bahay. Bumungad sa amin si Manang Sara.
"Kumain na ba kayo? Nag-luto ako" sabi ni Manang Sara
"Busog pa po ako Manang. Kakakain pa lang po namin" sabi ni Daemon.
"Akyat muna ako sa taas, Miel, Manang Sara. Magpapahinga muna ako" as I've said, umakyat na nga ako at pumasok na sa kwarto ko.
Naligo muna ako pagkatapos humiga na sa kama ko.
Mga ilang minuto ang nakakalipas, di parin ako nakakatulog. Pinipilit ko na ang sarili kong makaidlip pero di pa rin ako nakakatulog.
Lumabas muna ako sa kwarto at pumunta sa sala. Nanuod lang ako ng tv.
Makalipas ang ilang minuto naramdaman ko na ang pagkabagut kaya umakyat ako sa kwarto at nagbihis. Pupunta na lang muna ako sa mall para pampalipas oras.
Kinuha ko ang phone at ang susi ng kotse ko.
"Manang Sara, nasaan po si Daemon?" tanong ko kay Manang Sara habang papunta siya sa kusina.
"Kakaalis lang. Di ko alam kung saan. Di pa yata yun nakakalabas ng gate" sabi ni Manang Sara. San naman pupunta yun?
Nagpaalam na ako kay Manang at pumunta na ng garahe. Papalabas na nga ito ng gate. Nagmadali akong ipinaandar ang kotse. May gut feeling ako sa pag-alis ni Daemon. Di ko alam kung ano and I think I should find it out.
Nakalabas na ako ng gate at sinusundan ang sasakyan ni Daemon. I don't know if mapapansin ba niya ako. Di naman talaga magkasunod ang sasakyan ko sa sasakyan niya kaya baka hindi niya ako mapansin.
Ang plano kong mag mall eh nauwi lang sa pagsunod ko kay Daemon. May gut feeling talaga ako eh.
Lumiko ang sasakyan ni Daemon kaya sinundan ko rin ito. Medyo familiar ang lugar nato. Nakalimutan ko lang kung kailan ako naparito. Huminto ang sasakyan ni Daemon sa parking lot ng isang resto katapat ng isang condo. Medyo familiar rin ang condo'ng to.
Lumabas na si Daemon sa sasakyan niya at pumasok sa resto.
Susunod ba ako sa loob? Baka kaibigan niya lang ang nandiyan. Eh umaatake na naman ang kuryusidad ko. Tinignan ko lang ng mabuti si Daemon at umupo ito sa upuan hindi kalayuan sa pinto at sa cashier. Nakita ko kung sino ang nandito, si N-Nicoleen?
Hinanap ko kaagad ang cap ko na naiwan ko dito sa sasakyan and BINGO! Nakita ko na. Agad ko itong sinuot at lumabas na sa sasakyan. Di naman siguro ako mahahalataan nito.
Pumasok na ako sa resto. Doon ko lang natanto na Italian Restaurant pala to.
Tinanaw ko kung saang part ulit sina Daemon & Nicoleen and salamat at may vacant table na nandun. Umupo na ako dun at tinignan ang menu nila. Good thing dito eh mataas ang likuran ng upuan kaya di mapapansin na may naka occupy ba sa ibang table or may nagspaspy ba, di ka talaga mapapansin.
"Alam ba to ni Nikki?" tanong ni Nicoleen. I'm sure na siya yun dahil siya lang naman ang kausap na babae ni Daemon at halata sa boses niya.
"Hindi, hindi ko sinabi sa kanya" sabi ni Daemon.
Sinabi ang alin? Ano bang pinag-uusapan nila?
"Tama rin ang ginawa mo. Baka masaktan siya pag nalaman niya to" si Nicoleen.
Ang ano ba???? Ano bang pinag-uusapan nila? Ba't involve ako? Malala ba to kaya ayaw nilang sabihin sa akin? Baka....... No-no-no! Erase! Di yun maari. Nag promise si Daemon sa akin na hindi na sila magkikita ni Nicoleen ng sila lang dalawa pero ngayon magkasama sila ng sila lang dalawa. Nagsisinungaling ba ulit si Daemon sa akin? Nag promise pa siya na wala na siyang gagawing makakasakit sa akin pero ngayon ginawa niya.
"Pano kung malaman niya lahat ng to? Magagalit siya sayo, sa akin, sa ating dalawa." alalang tanong ni Nicoleen.
"Don't worry. I won't let her know this stuff. Kung mangyayari man yun, mag i-explain ako sa kanya. Maintindihan rin niya naman to" si Daemon. Ano ba to???? Di ko na kaya ang mga pinagsasabi nila!!! May idea ng pumasok sa isip ko na niloloko na ako ni Daemon ULIT!!!!
"Gumawa ka na lang ng ibang alibi. Masasaktan talaga siya pagnalaman niya eh. Mas mabuti na yung hindi siya masaktan. Ang sobrang bait niya para masaktan. Ayaw ko sana tong gawin eh" masasaktan? Ayaw niya akong masaktan tapos ano to???? Nag-aalala pa talaga yang Nicoleen sa akin?! Para saan pa? Tumutulo na ang mga luha ko ng di ko namamalayan.
"Huwag ka ng humindi. Nasimulan na natin to, ngayon ka pa aayaw? Ipagpatuloy na lang natin to. Kung malaman niya man, mag i-explain ako. Ang dali lang naman niyang magpatawad at umintindi eh" si Daemon ang nagsabi nun.
"Ang galing mo talaga mag convince at napaka optimistic mo. That's why I love you b- - - "
Di ko na pinakinggan ang mga sinabi ni Nicoleen. Di ko na kinaya ang mga narinig ko kaya tumayo na ako at lumabas ng resto na yun. Pumasok agad ako sa kotse ko at nagdrive. Di ko mapigilang humikbi ng iyak habang nagdadrive ako. Ang sakit lang isipin na nasaktan na naman ako ng dahil kay Daemon at Nicoleen. Sana di na lang si Daemon ang pinili ko. Akala ko pa nuon na magiging masaya ako sa piling niya pero nagkamali ako. Sana si Christ na lang. Sana si Christ na lang ang pinili ko kesa sa kanya. Sigurado pa akong di ako sasaktan ni Christ.
Ayaw ko ng masaktan ulit. Ayaw ko na!!!!
BINABASA MO ANG
My Step-Brothers Are Inlove With Me
Teen FictionBeing the only child is boring, right? Hihilingin mong magkaroon ng kahit isang kapatid. Pero ang hinihiling mong isa eh naging apat and lahat sila ay lalaki. Would it be a mess or you'll end up loving one of them?