Nikki's POV
"Oh, congrats sweety" sabi ni Mama sa akin sabay yakap.
"Thanks, mom" saad ko sa kanya.
"Your works are very nice, darling. You never fail to impress us, as well as your coaches" sabi ni Tito sabay tap sa shoulders ko.
"Thank you, Tito" sabi ko.
Actually, ngayon yung competition na sinalihan ko. Para sa mga aspiring writers ang kompetisyong ito and I'm bringing the school's name,by the way.
Unexpectedly, I won. Ghad! Nakakababa ng self-esteem yung mga kalaban ko haha they're good. Their works are really awesome
"Where is Christ? I thought he's coming?" tanong ko kina Tito.
"Sabi niya di raw siya makakarating, may pag-uusapan daw sila ng manager niya pero sabi niya happy anniversary raw and congrats" masiglang saad ni Tito.
Yeah! You heard it right. Anniversary namin ngayon.ang bilis lang ng panahon,ano? Pero ba't hindi man lang siya nagtext o di kaya tumawag. Importante ba talaga ang pag-uusapan nila ng manager niya?
"Don't be sad, sweety. You should be happy kasi you won" masiglang saad ni mama at sinang-ayunan naman ni Tito.
"Let's eat? I reserved a table for us sa newest restaurant near the company" sabi ni Tito.
"Sige po. Gutom na rin po ako hihi" sabi ko sa kanila.
Mama's right! I should be happy because I won. Importante nga siguro ang pag-uusapan nila Christ at ng manager niya.
****
After a ride, we arrived at the restaurant which Tito Arthur said earlier. Pumasok agad kami and umupo na sa reserved table para sa amin. Actually, this restaurant served French cuisine, not bad."Just choose anything,darling. It's a small celebration for your victory anyway" saad ni Tito.
"Kayo na po bahala,Tito" sabi ko naman sa kanya.
"Are you sure? Okay" sabi ni Tito sabay tawag niya sa waiter.
I'm still wondering kung importante nga ba ang pag-uusapan ni Christ at ng manager niya para mas piliin niya yun kesa sumuporta sa akin at samahan kami ngayong mag-celebrate. Hay! Ang hirap talaga pag-artista ang boyfriend mo.
"Oh sweety, okay ka lang? Kumain ka na" nabaling ang atensyon ko kay Mama. Nakaserve na pala ang mga foods, di ko man lang napansin sa kakaisip kay Christ.
"Yeah. I'm fine" sabay ngiti ko sa kanila.
"Thinking about Christian?" Tanong ni Tito sa akin.
"Apparently, yes. Di man lang po kasi siya tumawag o nagtext man lang sa akin" kwento ko sa kanila
"Ahmmm, Nikki? May sasabihin kami" nagdadalawang isip na saad ni Tito.
"Ano po yun?" Medyo kinakabahan ako kung ano man ang sasabihin nila sa akin.
Nagtinginan muna sina Mama at Tito bago magsalita si Mama.
"Kasi. Honey, dapat ba na tayo ang magsabi nito?" nag-aalalang tugon ni Mama kay Tito.
"Sabihin na lang natin" sabi naman ni Tito
"Ano po ba yung sasabihin niyo? Is it bad or good?" tanong ko sa kanila.
"It's bad, I guess" sabi ni Mama.
"What is it?"
"Babalik na sa States si Christian,Nikki" sabi ni Tito sabay yuko nilang dalawa ni Mama
BINABASA MO ANG
My Step-Brothers Are Inlove With Me
Ficção AdolescenteBeing the only child is boring, right? Hihilingin mong magkaroon ng kahit isang kapatid. Pero ang hinihiling mong isa eh naging apat and lahat sila ay lalaki. Would it be a mess or you'll end up loving one of them?