****43

5.1K 145 7
                                    

Nikki's POV

Nandito kami ngayon nina Mama, Cyrus and Daemon sa bahay. Naghahanda sa pagbabalik ni Dhavid dito. Ngayon na kasi siya uuwi. Nakakaexcite. Magiging maganda na naman ang ambiance dito sa bahay pag bumalik na siya. Simula kasi nung nangyari eh medyo naging malungkot din ang atmosphere sa bahay.

Nga pala, naghanda kami ng konting salu-salo sa pagbabalik ni Dhavid dito. Si Tito Arthur at si Christ ang kasama niya pa uwi.

"Nandito na sila" masayang saad ni Cyrus. Baka nagtext si Christ sa kanya. Sila lang namang dalawa ang malapit dito except Mama at Tito.

"Welcome Home, Dhavid" masaya naming bati sa kanya.

Bakas sa mukha niya ang kasiyahan kahit naka wheel chair ito. Di pa kasi siya nakakatayo ng maayos kaya ayan.

"Nag-abala pa kayo. Thank you" sabi niya at mafefeel mo talaga ang sincerity galing sa kanya.

"Oh, kainan naaaaaa!!!" sigaw ni Cyrus. Ang takaw talaga ng batang to hahahaha.

Nag-abala na silang kumuha pati na ako. Nag-insist rin ako na ako na ang mag seserve kay Dhavid. Pagkatapos kong kumuha ng para kay Dhavid at para sa akin na rin eh hinanap ko si Dhavid. Wala kasi siya sa kusina at sala. Lumabas ako para pumunta ng garden. Nagbabakasakaling nandun siya. Di naman ako nag kamali.

"Here" sabay abot ko sa kanya nung plate na may food.

"Thanks" at ngumiti ito.

Umupo ako sa tabi niya. May table and chairs naman dun.

"I'm so happy kasi nakalabas at okay ka na" sabi ko sa kanya.

"Yah. Pati rin ako" ngumiti din yung huli.

"Di ko pa to natatanong sayo, Dhavid" sabi ko. May itatanong naman talaga ako sa kanya.

"Ano?" at huminyo ito sa pagkain

"Bakit mo yun ginawa?" tanong ko sa kanya

"Ang alin?"

"Ang iligtas ako. Hindi ka naman si Rizal para magpakabayani" sabi ko at tumawa pa talaga siya

"Di pa ba obvious?" ang galing rin ng sagot niya eh noh?

"Ang ano?"

"Na kaya kita niligtas kasi importante ka sa akin at ma- - - "

"Hi, Dhavid. Thank God at okay ka na. I have something for you" sabi ni Nicoleen at may inabot na paper bag. Tinignan ni Dhavid kung anong laman nun pero di ko nakita kung ano ang nasa loob.

"Thanks for this. Pasok ka sa loob. Nandun sila" sabi ni Dhavid

"Oh, Hi Nikki" ngiti niya sa akin at ngumiti na lang rin ako as a sign of response. Ayaw ko namang awayin siya agad. Hindi ko pa naman talaga alam ang kwento nung pagkikita nila ni Daemon the other day.

"Dhavid, nandiyan ba si Daemon sa loob? I want to talk to him" sabi niya nang hindi pa rin naaalis sa mga labi niya ang ngiti na nakaukit rito.

"Yah. Pasok ka lang" sabi ni Dhavid. Ngumiti si Nicoleen sa amin at pumasok na.

"You got annoyed with her presence? Oh well, me too" sabi ni Dhavid. Halata ba ako masyado?

"Hindi ah" deny ko.

"You're not good in lying, Nikki. You are too innocent for that" sabay ngiti niya.

Yumuko lang ako sa sinabi niya.

"Why? May ginawa ba si Nicoleen sayo?" tanong niya sa akin

"Wala naman" sabi ko

"But?"

"But nakita ko silang dalawa ni Daemo- - - -" agad kong tinakpan ang bibig ko ng marealize ko na nag kwekwento na pala ako kay Dhavid sa scene nung sinundan ko si Daemon

"Got you!" sabay tawa niya.

"Joke lang yun" deny ko. Grabeeee!!!! Ang daldal ko kasi talaga. Ayan tuloy nakwento ko pa sa kanya.

"You don't need to hide such thing. Willing akong makinig" sabay tap niya sa balikat ko

"Eh kasi sinundan ko nun si Daemon kasi may gut feeling akong naramdaman. And then nakita ko siyang pumasok sa isang resto at nakita ko dun si Nicoleen" kwento ko sa kanya.

"Baka may pinag-usapan silang importante" sabi ni Dhavid. Importante? Nang silang dalawa lang at tapos ayaw pa nilang sabihin sa akin kasi nga masasaktan lang ako? Gusto ko sana yang sabihin kay Dhavid pero di ko magawang sabihin.

"Baka nga" sabi ko at pinagpatuloy ko ulit ang kinakain ko pati na rin si Dhavid.

Nicoleen's POV

"May irereport daw bukas yung hinire namin ni Jake na spy. It's about Courtney Lee. Dapat nandun ka" sabi ko kay Daemon. Nasa kusina kaming dalawa ngayon at kami lang talaga

"Nandun ba si Jake?" tanong niya sa akin

"Malamang, nandun. Siya kaya ang nag hire" sabi ko

"Kayo na lang, i-text or tawagan mo na lang ko" sabi niya.

"Whatever, Daemon. Kailangan mong pumunta dun" sabi ko sa kanya

"Tawagan mo na lang ako. Baka kasi hanapin ako ni Nikki"

"Stop that alibi. Alam kong ayaw mo lang talagang makasama si Jake pero kailangan mong makitungo sa kanya as of now, Daemon" pagpupumilit ko sa kanya. Para naman sumama siya sa amin ni Jake

"Di ko maiwasang mag-alala" sabi niya sabay yuko.

"Nakalimutan na niya yung bagay na yun kaya, kalimutan mo na rin" sabi ko

"Di ko maiwasang maalala yun. And sobrang guilty ako sa nangyari nung araw na yun at alam mo yan" sabi niya. Kung kalimutan na lang niya yung araw na yun?

"Bakit mo bang pinipilit sa sarili mo na kasalanan mo ang nangyari? Aksidente yun Daemon. Walang may gustong mangyari yun" sabi ko sa kanya. Tama naman ako eh. It was all an accident. Di pa kami magkakakilala nung araw na yun pero pina explain naman sa akin lahat yun ni Jake at Daemon. And as I can see, wala namang may gusto sa nangyaring yun.

"Pero ako ang sinisisi ni Jake sa nangyari"

"Stop that, Daemon. Di ka niya sinisisi sa nangyari nung araw na yun. Gusto na niyang may closure kayong dalawa. Sana naman pati yun kalimutan mo na rin. Kailangan nating magka-isa lalo na't may gustong pumatay kay Nikki at nasa panganib ang mga buhay niyo" mahabang litanya ko sa kanya.

"Fine. Pupuntahan kita bukas sa condo mo" sabi niya.

"Okay lang na hindi na. Baka may makakita pa sayo" sabi ko

"Okay lang. Mag-iingat na lang ako. Mas nakakaalam ka kaya pupuntahan kita sa condo mo" sabi nito.

Then it would be fine. The plan is working. Easy as 123 lang pala to. Mahal pa nga yata talaga ako ni Daemon. Mas mabuti ang ganito, mas mapapadali kong makuha ulit si Daemon. I'm smart but not that desperate, you know. I'm just getting back what's mine and Daemon is mine. Mine only!!!!!!!!

My Step-Brothers Are  Inlove With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon