Nikki's POV
Last week na ngayon ng bakasyon. Magiging first year college na ako. Medyo excited din at I guess magiging pressure. Because mama said na don't take it just a game, take it seriously. Kaya ngayon eh na prepressure na ako. Nga pala, ang kukunin kong course eh English Literature. Nagulat nga si Tito Arthur na yun ang kukunin kong course kasi akala niya susunod ako kay mama, na maging engineer but sadly engineering is not my passion.Napansin niyo ba, napakabilis na ng panahon noh? Time flies so fast. Mas naging close na kami ng mga step brothers ko except nga lang kay Daemon. Napaka cold niya. Sort of, iniiwasan yata niya ako. Hindi ko alam kong totoo nga na iniiwasan niya ako, napapansin ko lang kasi. Nga pala, ibig palang sabihin ng "Miel" eh Honey. Nagsearch talaga ako kung anong ibig sabihin nun kung bakit yun ang tawag niya sa akin pag kami lang ang magkasama. Ewan ko ba sa kaniya. His kinda weird and mysterious. I want to know him better.
"Nikk, punta tayong mall this coming friday ha? Bibili ako ng mga school stuffs." sabi ni Cyrus habang nagtatype ng something sa laptop niya.
"Ang aga naman." sabi ko. Nandito kami ngayon ni Cyrus sa sala. Tapos yung tatlo eh nasa club house, tuturuan raw nila si Christian pano talaga maglaro ng basketball ang totoong lalaki haha medyo may pagkamahinhin kasi siya.
"Mas mabuti ng early bird no" sabi niya. Nakakatuwa talaga tong batang to.
"Fine. You win." sabi ko habang naka surrender style yung dalawang kamay.
Nanonood kami ng tv ni Cyrus nang dumating si Daemon. Tinignan ko siya pero iniwas niya ang mga tingin niya. Ewan ko ba talaga kung bakit na siya naging ganito.
"Kuya, tapos na kayo?" tanong ni Cyrus
"Oo. Pauwi na rin sila" sabi niya nang cold pa rin ang boses at pumunta na sa itaas. Akala ko ba siya ang clown sa magkakapatid na ito pero bakit siya cold?
"Bakit siya ganun?" out of nowhere kong tanong kay Cyrus.
"Ha? Ang alin?" tanong niya habang kumakain ng cookies na binake ko.
"Ang pagiging cold niya"
"Ha? Hindi naman siya cold eh. Ewan ko lang kung bakit ganun siya pag nandiyan ka." sabi niya.
Ha? Pag nandito ako? Ano ba kasing meron? Hindi ko talaga siya maintindihan. One night, he kissed me on my forehead but now his being cold when I'm around. What's wrong?
"Maybe he didn't want me to be part of this family." sabi ko nang nakayuko
"No. Wag mong sabihin yan." sabi ni Cyrus sa akin.
"Ewan ko. Hindi ko alam." sabi ko.
"Just trust me. Hindi ganun yun" Cyrus caressed my back
Sana nga. Sana mali ang akala ko na ayaw ni Daemon na naging parte ako ng pamilyang to. I want to show him that I'm worthy to be part of this family.
Cyru's POV
Heyyyyyy! Hello po!! I'm Cyrus Lazaro, youngest son of Arthur Lazaro. Siguro po kilala niyo na ako.Anyways, nasa mall kami ngayon ni Nikk kasi nagpasama akong bumili ng school stuffs. First time kong bumili ng mga school stuffs kasi dati sina Kuya o di kaya si Manang Sara ang bumibili ng mga gamit ko. Sabi ko kay daddy na ako nalang bibili para masanay naman ako. At first, ayaw niyang pumayag but in the end, he can't resist me. So, ito kami ni Nikk nasa National Bookstore na ng mall.
"Ang dami naman nito, Cy." sabi niya habang hawak hawak ang kinuha kong mga G-Tech na ballpens.
"Tsssss. Okay nang may reserve Nikk." sabi ko sa kanya at pumunta na ng counter habang nakasunod na siya.
Marami-rami rin ang binili namin. Dalawang plastic bags ang dala ko while kay Nikk eh isa lang, gentleman ako eh hehe.
"Cy, kain muna tayo. Gutom na ako." sabi niya sabay himas sa tiyan niya.
"Okay. So, saan mo gusto? My treat."
"Sa chowking na lang siguro hehe" sabi niya sabay tawa ng mahina.
Ang ganda talaga ng babaeng to. Ewan ko ba kung bakit comfortable ako pagkasama ko siya. Naiinis nga ako sa sarili ko kasi gusto ko siya. Yupp! Gusto ko siya. Hindi ko alam kung kailan. Naiinis ako kasi step sister ko siya. Hindi nga kami magkadugo pero ang awkward naman kung magkaroon kami ng relasyon. Haha naiisip ko talaga tong bagay nato kahit 14 years old pa ako. I can't resist eh.
"Hoy! Nakikinig ka ba sa akin, Cy?" sabi ni Nikk. Nagdidaydream na naman pala ako.
"Ha? Ano nga yung sinabi mo?" tanong ko sa kanya sabay kamot ng batok ko.
"Tignan mo yung babae na nasa counter, ang ganda niya no? Tanungin mong pangalan niya. Sayang rin ang opportunity if you don't grab it diba?" sabi niya sabay subo nung kinakain niyang Chao Fan.
"Eh, may gusto akong iba eh. Anong magagawa mo?" sabi ko sabay tingin ulit sa babaeng tinuturo niya.
"Ha?! Sino?! Ba't di mo sinabi sa akin?" nakapout niyamg sabi. Ang cute talaga nito kapag nakapout. Sarap pisilin ang pisngi.
"It's complicated, Nikk" sabi ko sabay yuko
"Ha? Ayiehhhhh! May nalalaman ka nang complicated ha?" sabay tawa niya.
"Basta. Wag ka na lang magtanong" mahinahon kong sabi sa kanya.
"Okay. Sa susunod magkwento ka na" sabi niya.
Maya-maya eh umuwi na kami. Pagkatapos nung topic na like ko eh di na siya nagtanong pa. Natatakot akong umamin sa kanya dahil alam ko kung anong mangyayari. Maguguluhan siya, magiging complicated lahat. Baka magalit si daddy pagnalaman niya yun kaya I need to stop this.
*whistle ringtone*
One new message
From: Tiffany
Hey Cyrus! Ano nga ulit ang sasabihin mo sa akin?Oo nga pala. Kailangan ko ng pagsabihan ng nararamdan ko kaya last night I texted Tifanny, my childhood bestfriend.
To: Tifanny
Kita tayo bukas sa Lily's Cafe, the usual spot. Kailangan ko kasi ng kausap.From: Tiffany
Sige bukas, 3:30 PM.Sana makakuha ako ng magandang advice galing sa buddy ko. Sana tama yung maging advice niya. Sana himdi ko na lang to naramdaman para wala ng maging problema. Sana nga.
-----------------++++
Hello poooooo!!! Okay lang ba tong chapter nato? Sana nagustuhan niyo. Sorry po sa wrong grammar at typos.
Vote and comment po kayo para masaya hehe!!! Sa susunod na chapter sana maganda at may sense.
BINABASA MO ANG
My Step-Brothers Are Inlove With Me
Teen FictionBeing the only child is boring, right? Hihilingin mong magkaroon ng kahit isang kapatid. Pero ang hinihiling mong isa eh naging apat and lahat sila ay lalaki. Would it be a mess or you'll end up loving one of them?