******02

24.8K 846 52
                                    

Daemon's POV

*ringgggggg! ringgggggg!

Freak this f*cking alarm clock. So annoying and kulang pa ang tulog ko.

Pumunta na ako ng bathroom para mag shower. Pagkatapos eh bumaba na ako at nandun na sila sa dining area.

"Daemon, halika na." aya ni Tita Reina sa akin.

Gusto ko talaga si Tita Reina. Napakabait niya and she's doing her best to be our second mother. Masasabi kong approve siya para sa akin at alam kong pareho rin kami ng mga kapatid ko na thankful dahil naging step mother namin siya.

"So, mga anak kayo na muna bahala kay Nikki ha? Pupunta ako sa company mamaya and si Tita Reina naman ninyo eh may client meeting." sabi ni Dad sa amin. So step sister sitting ang gagawin namin? Okay na lang rin kasi maganda naman ang babantayan namin haha totoo naman kasi eh ang gada ni Nikki. She's very stunning.

"Nga pala, matatagalan rin kami." sabi ulit ni dad

"Bakit po Tito? Di po ba kayo dito magdidinner?" tanong ni Nikki.

"Hindi. Sa labas na lang kami kakain ng mama mo. Oh, malelate na ako. Sabay ka na sa akin, Hon." sabi ni dad sabay tayo.

"Boys, take good care of my girl, okay?" sabi ni Tita Reina sabay wink. Medyo baliw-baliw talaga tong si Tita.

Okay. Ano naman ang gagawin namin ngayon?

Nikki's POV
Nasa dining area parin kami and napaka awkward ng atmosphere. Yung tipong awkward kasi, kagabi mo lang sila nakilala and ikaw lang mag isa ang babae. One of the boys ang peg ko nito.

"Ahmm, heyyy!" sabi ni Cyrus sa akin.

"Ahmm, hello" sabi ko na lang.

"Ahhmm, can I ask something?" Cyrus.

"Yup? Ano?" Ako.

"Pwedeng Nikk na lang ang itawag ko sayo?" tanong niya. Bakit kaya?

"Okay lang naman. Ba't naman?" tanong ko sa kaniya kasi nacurious ako.

"Kasi ayaw kong tawagin kang ate. Feel ko ang tanda-tanda mo na kapag tinawag kita nun. Ayaw ko rin ng Nikki kasi lahat sila yan ang tawag sayo. Gusto ko unique hehe" sabay ngiti niya ng malapad.

"Cool. Okay lang, Cyrus." sabi ko sa kaniya.

"Ahmm, Nikki. Punta tayong lima sa clubhouse after mag breakfast. If okay lang naman ninyong apat?" sabi ni Dhavid. Baka gusto niya lang akong igala dito sa subdivision.

"That's a good idea. Okay lang sa akin." sabi ko

"Ako rin" sabay na sabi nina Christian at Cyrus

"Me, too. No choice" sabi ni Daemon

******
"Gusto mo bang mag badminton, Nikk?" tanong sa akin ni Cyrus.

'
"Yes pero di ako masyadong marunong niyan" sabi ko na medyo nahihiya

"So, tuturuan na lang kita. I'm good pag badminton na ang pinag-uusapan" sabi niya sabay pasok sa sports stuffs ng clubhouse at kumuha na ng badminton.

Naaliw ako kasi ang cute niya. Pagkasi mali ang ginagawa ko nagpapout siya. Ang cute niya talaga. Sigurado akong maraming umaaligid na girls sa kaniya,14 years old na naman siya.  Ang gwapong bata eh.

Tumigil na kami sa paglalaro ni Cyrus ng badminton. Yung mga kapatid niya eh naglalaro ng basketball. Matatagalan pa siguro sila.

"Halika, Nikk. Bili tayo ng foods" sabay hila ni Cyrus sa akin. Ang cute talaga niya. Yung singkit niyang mata tapos yung red lips and dimples niya, nakaka-attract.

My Step-Brothers Are  Inlove With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon