chapter 2: The Priestess

23.6K 444 24
                                    

Elesis's POV

Ang head master namin ay isang Madre?

"Hindi ako madre Elesis, isa akong priestess." Teka papaanong nabasa nya yng iniisip ko?

"Mind reading ang ability ko. Kaya nababasa ko ang nasa isip mo."Paliwanag niya sakin.

Ngayon alam ko na kung bakit naiinis si Kuya ngayon. Ayaw niya kasing binabasa ang nasa isip niya.

"So, ikaw pala ang kapatid ni Sieghart na gumagamit ng Element of fire." Sabi ni Head master samin.

Nakakapagtaka naman, ang inaasahan ko ay medyo mahaba ang balbas na lalaki o kaya manang na mukhang wala ng pag asa iretoke pa ni Dra. Bello o Manny Calayan.

"HAHAHA!!! Sorry ka ayokong tumanda eh.(^__^)" sabi sakin.

Urgh!!!! Ang hirap naman ng ganito. Lahat ng nasa isip ko hindi ko matago sa kanya.

"Wag kang mag alala red, Ang kaya niya lang basahin ay kung ano lang ang iniisip mo ngayon." Sabi sakin ni kuya, Eto ba ang ability ng kuya ko? Mind reader din?

"Hindi mo ba alam ang ability ng kuya mo?" Tanong sakin ni Head master sakin. Umiling na lang ako kasi alam kong binabasa niya ulit ang nasa isip ko.

"Mr. Miyura, bakit ayaw mong ipaalam ang kapangyarihan mo sa kapatid mo?" Tanong naman niya kay kuya.

"Malalaman na naman niya ngayon eh tsaka, nililihim ko yun sa ibang estudyante para makagalaw ako ng maayos dito sa school kaya nag pinapakita ko lang ay yung teleportation." Sagot ni kuya kay head master.

So hindi lang pala teleportation ang kaya ni kuya? Astig naman nun.

"Hindi pa pala ako nagpapakilala sayo, Ako nga pala si Lime hikari, Ang Headmaster ng Serdin Magic Academy." sabi ni Head master Lime.

"Mawalang galang na po noh pero, masyado pa poh kayong bata para maging Headmaster." Sabi ko kay headmaster. Ang hirap kasing maniwala na sa sobrang bata nya hindi mo aakalaing headmaster siya.

"Hahaha... Alam kong yan ang magiging reakyon mo kapag nakita mo na ako. actually, 67 years old na ko." Proud niyang sabi sakin.

"A-ano?!?!" yan lang ng lumabas sa bibig ko.

"HAHAHAHA!!!! Ang kulet talaga ng itsura mo kapag nagugulat, napakaEpic! HAHAHAHA!!!!!!" Sinasabi nya yan habang tawa ng tawa.

"Tsk!" Kainis naman oh, ayoko sa lahat pinagtatawan ako.

The Guardian's keysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon