Chapter 6.2: Rank match

18.1K 319 3
                                        

Elesis's POV

Tumayo na ako at pumunta na sa entrance ng arena. Swerte at nandun si Mari sa gilid na parang may hinihintay. Hmmmmm..... sino naman kaya yun?

Me: "Hey!"

Mari: "Oh, Elesis... nandyan ka pala."

Me: "Papunta na ako sa entrance ng arena, Eto nga pala pinabibigay ni kuya..." inabot ko sa kanya yung kahon.".....Ewan ko kung ano yan. Baka kasi tustahin ako ni kuya eh."

Mari: "T-thank you.." Kinuha na niya yung box."...Good luck sa laban mo ah, magaling daw yung makakalaban mo."

Me: "Thanks sa paalala.(^__^)"

Pagkatapos naming mag usap ay pumunta na ako sa entrance. After a few minutes ay tinawag na ako ni Oracle Sarah, siya yung parang prof sa mga school at adviser ko siya sa section namin.

Ora. Sarah: "Ready ka na ba?"

Me: "Opo maam.(^__^)"

Tapos nun ay pumunta na kami sa entrance. Habang papalapit kami sa liwanag na nagmumula sa arena ay rinig ko yung mga nakakabinging ingay ng mga estudyante na nanunuod. Mas lalo tuloy akong kinabahan dahil na rin sa unang beses kong makikipaglaban.

Lalong naghiyawan ang mga estudyante sa loob ng stadium nang pumasok ang makakalaban ko. Mukhang siya nga yung pinakamalakas sa buong freshmen. Mukhang mahihirapan ako sa kanya.

Anouncer: " On the left wing, Janet Cho!"

Ok naman sakin kung sino ang makakalaban ko as long as ipakita ko ang kaya ko.

Anouncer: " And on the right wing, Elesis Miyura!" At pagkatapos nun ay lahat sila ay nagulat at nabalot ng katahimikan ang Arena. Kung ganon lahat sila iniisip na gf ako ng kapatid ko.(=__=)

Ryan: "HAHAHAHAHAHA!!!!!! ANG EPIC NG MUKHA NIYO!!!HAHAHAHAHAHA!!!" Tumawa na ang magaling mang alaska na mahilig sa babae.

anouncer: "For your information, She is the daughter of Yuki Katchimiko, the powerful ability user dito sa academy na to."

Alam ko naman yun pero hindi na dapat ipaalala pa sakin yun, nalulungkot lang ako kapag binabanggit ang pangalan ng mommy namin.

Anouncer: "As you can see she has her brother, sieghart is also her son. Ok now lets start this Rank match, START!!!" After nun ay pumwesto na kami at naghanda na.



Seighart's POV

Nagsimula na ang laban at nilabas na nila ang spirits nila. Unang umatake si Janet gamit ang kanya mga kunai. binato niya yun patungo kay Red. Hindi siya gumalaw sa kinakatayuan niya. Ano bang problema niya...

Red: "unsealed." huh?

Nang malapit nang tumama sa kanya ang mga kunai ay tinamaan siya. Napatayo ako, Ano bang pumasok sa isip niya!!

Me: "RED!!!!!!" Natumba siya at tumama ito sa puso niya.

 

Me: "HINDE!!!" Dahil doon ay tumakbo ako papunta sa kanya. Pero bago pa ako makalapit lumiwanag siya at lahat kami nasilaw. Nang mapawi ang liwanag pinalibutan naman siya ng apoy. Tumayo siya at parang walang nangyari sa kanya kahit may nakatarak pa rin sa dibdib niya. Nabigla ako ng may lumabas ang apoy sa mismo sa harap nung janet.

The Guardian's keysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon