Chapter 39: She's Sick but a Troublemaker

13.3K 252 9
                                    



3rd person POV




isang linggo na ang nakakalipas pero hindi pa rin nagigising si Elesis. Bukod pa dito, sobrang taas ng lagnat niya.




Arme: "Halos hindi bumababa ang lagnat niya."

Lire: "Oo nga eh... Sobra kasi ang pinakawalan niyang enerhiya kaya hanggang ngayon ay wala pa siyang malay."

Amy: "Ok naman siya hindi ba?" Sasagot sana si Jin pero naunahan na siya ni Sieg.

Sieg: "Ayos lang siya... Mas matakot kayo kapag nagising siya at nilalagnat pa siya." Napatingin naman silang lahat kay Sieg kasunod naman niya ang mga magulang nila.



Ronan: "Anong ibig mong sabihin."


Yukie: "Mas mabuti pang kayo na mismo ang makakita.(^__^)"


Maru: "Sigurado akong hindi niyo magugustuhan kapag nagising yang prinsesa namin.(^__^)"



Hindi nila maintindihan ang gustong iparating ng mga magulang nila Sieg. Bigla silang tumingin kay Luxus na kinakabahan simula noong isang linggo pa.

Luxus: "S-sundin niyo sila... K-kapag nagising siya, Magtago na kayo." Sa pinapakitang reaksyon ng mga magulang at anak ni Elesis(sa future.), nakabuo sila ng kani-kanilang  conclusion.



Elesis: "Hmmmmm....." Unti-unti ng nagigising si Elesis.



Sieg: "Sh!t!?!! Mari!?!! HALIKA DITO!?!!" Hindi pa sumasagot si Mari ay hinila na niya ito at itinago sa kanyang likod.



Kahit nagtataka ay sumunod pa rin ito sa kanya. Unti-unti ng bumabangon si Elesis pero nakayuko lang ito.



Luxus: "L-lalabas muna ako saglit.(^__^")" Mabilis na lumabas ng igloo si Luxus. Parang takot na takot siya.


Sa isip ni Lire: "Mukhang masama ang pakiramdam ko dito ah."



Elesis: "Asan si Ronan?" Bigla namang kinilabutan ang mga taong nasa loob ng igloo. Para kasing may kakaiba sa kanya. Dahan-dahang lumapit si Ronan at lumuhod para pumantay siya sa kanya.



Ronan: "B-bakit?" Unti-unting tumaas ang mukha ni Elesis. Halata sa kanyang pisngi na nilalagnat pa ito. Hinawakan ni Elesis ang mga pisngi ni Ronan na kinapula ng kanyang mukha.




Sa isip ni Arme: "Lagot na... Anong binabalak niya."



Elesis: "Halikan mo ko.(^///^)"




Maru: "Sabi na eh."



Sieg: "Uulitin nanaman niya."




Yukie: "Kung ako sa inyo, iiwas muna ako sa kanya."



Ronan: "Ano pong ib-----" hindi na nakapagsalita si Ronan dahil agad siyang sinunggaban ni Elesis at hinalikan, a torrid kiss. Halos maubusan na sila ng hininga dahil ayaw tumigil ni Elesis sa pag halik kay Ronan. Biglang hinila ni Elesis ang batok nito para mas lumalim ang pag halik niya kay Ronan.



Sa isip ni Ronan: "What the...."



Ilang sandali pa ay humiwalay na siya kay Ronan. Napa-upo na lang siya dahil sa sobrang kakapusan ng hangin sa baga.



Sa isip ni Lire: "Mukhang alam ko na ang mangyayari." Biglang tumayo si Elesis at mabilis na kumilos patungo kay Lire at gaya ng ginawa ni Elesis kay Ronan ay walang paalam na hinalikan si Lire.



The Guardian's keysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon