Chapter 9.2: Friends?

16.3K 291 4
                                    

Elesis's POV


Nakatitig lang ako sa mga mata niya. Ewan ko pero parang may kahawig talaga siya. Yung mga ngiti niya, yung kilos niya, parang nakita ko na siya noon.


JD: "Friends?" nakatitig lang ako sa kanya.



JD: "Elesis. Can we be friends?" ulit niya.



Me: "H-Hai... Dio-kun. Friends."


Bakit ba nawawala ako sa sarili nung nakaharap ko tong lalaking to.



*Gggggrrrrrrrrrk*(Sorry sa S.E. di ko alam ang tunog ng tyan na gutom(-___-) )



Shete!!!BAKIT KA PA TUMUNOG KANG TYAN KA!!

Tinignan niya lang ako nung marinig niya yun...

Kung balak mong tumawa, pigilan mo kung ayaw mong sunugin kita.


JD: "Samahan na kita sakin. Sorry kung naabala kita."


Me: "Naku, wag na.. Baka kung ano pa isipin ng mga studyante dito."

Hinawakan niya yung kamay ko at kinaladkad.




JD: "Akong bahala sayo, Walang mangyayari sayong masama." Then he gave me AGAIN a charming smile. Bakit napakapamilyar ng ngiting yun?

Wala na ako nagawa kaya nagpakaladkad na lang ako, Ewan ko pero feeling ko safe ako sa kanya kapag kasama ko siya. Ano ka ba Elesis.. Mabait lang yung tao kaya ganyan ang iniisip mo. Wala lang yun..










Sana wala nga lang to.





Habang naglalakad kami,

pinagtitinginan naman kami ng mga schoolmate namin. Bulong sila ng bulong na akala mo hindi mo naririnig.


"Teka si Master Dio yun di ba?"

"Oo siya nga pero... Bakit kasama niya yung tumalo kay Ley?"


"Di ko alam, tanong mo kaya.."

"Ano?!?!?! ikaw na lang, mahal ko pa ang buhay ko noh."


"Pero ngayon ko lang nakitang ngumiti yang si Master."


"Weeh?!?!?!"

Ewan ko ba kung matutuwa ba ako o hinde. Sanay naman akong magkaroon ng kaibigang lalake dahil na rin kay kuya.

Nakarating na kami sa canteen at umorder na siya ng makakakain namin. Hindi pa nga ako papayag na ilibre niya ko pero ang sabi niya lang sakin...


JD: "Ako na, tutal ako naman ang may dahilan kung bakit ka nagutom."

Wala na akong nagawa, mapilit siya eh, Umupo na lang ako sa isang lamesa na malapit sa counter para di na siya mahirapang magdala.

Saglit lang naman siyang nakakuha ng pagkain namin kaya pagkaupo niya, ibinigay na niya sakin yung inorder ko.


Me: "Salamat."



JD: "No problem."

Habang kumakain kami, hindi ko maiwasang tumingin sa kanya. May pagka violet ang buhok niya pero light lang di katulad ni Arme na medyo dark. Ganun din yung mga mata niya pero mukhang leon ito. Magulo rin yung buhok niya pero mas maangas tignan. Matangos ang ilong niya at makinis yung balat niya. Nung napatingin ako sa lips niya...

Napalunok na lang ako. Ewan ko pero may nararamdaman akong weird sakin.








Parang gusto ko siyang halikan.


JD: "Wag mo kong titigan ng ganyan. Baka matunaw ako." Nabigla ako sa sinabi niya at parang nanigas yung buo kong katawan..

SHETE NA MALAGKET!! KANINA PA PALA AKO NAKATITIG SA KANYA! Pakiramdam ko namumula ako kaya yumuko ako at tinuloy ko yung pagkain ko.



JD: "Oh, anyare sayo?"


Me: "W-wala... kumain ka na nga lang dyan."

Natawa siya ng mahina. Mas lalo siyang gumagwapo pagngumingiti. Teka sinabi ko ba yun? ERASE...

ERASE....ERASE!!!

Nagkwentuhan lang kami habang kumakain. Nakakatuwa nga kasi parang ang gaan ng loob ko sa kanya kahit na kanina lang kami nagkakilala.

JD: "Nabalitaan ko yung misyon niyo nung nag anounce si HM. Lime kanina sa student council at sinabi niya na gagamitin niyo raw ang training ground."

Me: " Member ka ng SC?"

JD: "SC. Pres. ako kaya alam ko tungkol dun."

Me: "Ahhhh...." Yan na lang yung nasabi ko.

JD: "Magkamukha talaga kayo." Napatingin ako sa kanya nung sinabi niya yun.




Me: "Sino?" Takang tanong ko sa kanya. Umiling lang siya.



JD: "Wala may naalala lang ako. Magkasing ugali kasi kayo eh."



Me: "Pwde ko bang malaman ang pangalan niya?" Tinignan niya lang ako kaya di ko mapigilang tignan ang mga mata niya. Ewan ko pero yung mga mata niya, parang may sakit na pilit niyang tinatago.




JD: "Mizuki, Mizuki Kaide." after he said her name, bigla na lang siyang yumuko. Nakaramdam ako ng guilt nung nakita ko siyang nagkaganun.

Me: "Sorry if I ask you a lot kahit di pa tayo gaano kaclose."


JD: "No... Its okay, hindi mo naman kasalanan."


Me: "Still, ako ang dahilan kung bakit mo siya naalala sakin."

Nakatingin lang siya sakin. Yung mga tingin niya, kakaiba. Hindi ako sigurado pero parang kelangan niya ng kaibigan... Yung tunay na kaibigan na hindi siya iiwan sa mga ganitong sitwasyon.


Me: "Are you alright?"

Natauhan ata siya nung nagsalita ako.

JD: "H-ha....Yeah, I'm fine. Ano papayag ka ba na tulungan kita sa training mo?"

Since magaan naman ang loob ko sa kanya, pinayagan ko na siya pero kapag may free time lang ako.

Nasa kalagitnaan na kami ng pag uusap namin, Hindi ko namalayan ang oras na ng training namin ni Ronan.


Me: "HALA!!LATE NA KO!!*nilingon ko si Dio.* Una na ko ah, baka kasi magalit yung kasama ko sa training."

JD: "Gusto mo hatid na kita?"



Me: "Nilibre mo na nga ako, ihahatid mo pa ko. Wag na masyado ng nakakahiya."



JD: "No.. I insist.. Please?"

Since mapilit siya, wala na akong magagawa. Pinasama ko na siya. Habang naglalakad kami, nagkwekwentuhan lang kami ng kung ano-ano. Hindi ko akalain na ang kinatatakutan na Guild master ng DSG(Dragon Slayer Guild) ay may tinatagong ganitong side.









Sana ganito na lang..






O___O







Sinabi ko ba yun?





Nakarating na kami sa training ground.








Me: "Salamat sa paghatid."

JD: "Sige galingan mo ah."

Me: "Sige.."




Aalis na sana si Dio ng sinigawan siya ni.....








Ronan: "ANONG GINAGAWA MO DITO?"

**********

Natapos rin.. sensya na kung medyo lame. Medyo Hagard ako sa school.

The Guardian's keysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon