Chapter 31:Secret of ice crystal

14.3K 271 14
                                    




Elesis's POV



Wala na akong nagawa. Alam na nila kaya wala ng surprise. Si kuya kanina pa tahimik, pati na rin si Lux at J.D. Mukhang malalalim ang iniisip nila.




Kuya: "Ok ka lang ba red?" biglang tanong sakin ni kuya. Ay oo nga pala, yung crystal.





Me: "I'm ok kuya. Kuya!!*Kinuha ko ang crystal sa bulsa ko.* Alam mo ba kung anong klaseng crystal to?"




Kuya: "Teka parang pamilyar yan.*Inabot ko sa kanya ang crystal at nagbago nanaman ang kulay nito.* Teka, bakit nagpalit ng kulay?"



Ronan: "Hindi ko rin alam eh, Ang sabi lang samin ng dragon n-----" Hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil nagreact kaagad si Arme.




Arme: "Anong klaseng dragon!!(*o*)" Hala... Talagang gusto niya ang mga dragon.(-___-)



Ronan: "Uhhh... Bale nakakatayo siya gamit ang dalawang paa, may pakpak natural, Kulay light blue at naka-armor. Ang pangalan niya ay Gazterra."



Arme/Ley: "Isang humanoid Dragon!?!!!(*o*)"




*facepalm*



Mga obsess sa mga kakaibang nilalang.(-___-)




Mari: "Tingin ko isa yang ice crystal."




Me: "Yun nga ang sinasabi samin ng dragon na yun. Ang sabi niya, protekahan daw namin yan.*turo ko kay kuya, lire at Ryan.* Magagamit daw namin yan kapag kinailangan na."




Mari: "Mas mabuti pa, gumawa muna ako ng masisilungan."




Since Ice user siya, gumawa lang siya ng malaking igloo. Yung kakasya kaming lahat sa loob.




Mari: "Red. Gumawa ka ng apoy sa loob para mainitan tayo, tingin ko may paparating na snowstorm."




Me: "Ok.. Kukuha lang kami ng mga kahoy para sa campfire natin."




Lire: "Ako na ang sasama sayo.(^__^)"




Me: "Ok..(^__^)" at umalis na kami para kumuha ng mga kahoy nagagamitin.





--------





Nakakolekta na kami ng mga panggatong kaya bumalik na kami sa igloo na ginawa ni Mari.




Nang makapasok na kami sa loob ay gumawa agad ako ng apoy. Sobrang lamig sa labas, kaya medyo basa ang mga panggatong na nakuha namin pero ok lang, mabilis namang patuyuin to dahil sa fire user ako.(^__^)





Ryan: "Sandali...*Kinapa niya ang lupa at may inilagay na buto* Floral vine." Agad na gumapang ang mga buto sa buong igloo kaya mas naramdaman namin ang init na kinakailangan namin.





Lire: "Akala ko ba hindi mo magamit ang spell mo kapag nasa yelo tayo?"




Ryan: "Hindi ko naman sinabi na hindi ko kayang gumamit ng spell sa isang halaman."




Lire: "Fine.."




Ryan: "At isa pa..*Snap*" nagkaroon ng mga bulaklak sa tuktok ng mga vines.





Me: "Wooow.."




Lire: "Para san naman yang mga bulaklak?"




The Guardian's keysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon