Chapter 34: Pangarap lang ba kita?

13.9K 258 9
                                    


Amy's POV



Habang nagtatraining ang Elemental users. Kasama ko si Jin dahil nagyaya ito na magtraining kami. Pinakiusapan namin ang Dark Goddess na lawakan ang Chronofield at pinagbigyan naman niya kami. Si luxus, nakahiga lang at natutulog. Wala atang balak gumising. Si Ley at Dio naman, magkasama sa ilalim ng puno at nag uusap lang. Siguro hindi pa rin niya makalimutan si Kai. Kilala namin si Kai dahil dati namin siyang kagrupo ngunit namatay nga siya 3 years ago. Si Elesis naman ay hinimatay dahil sa naganap na laban sa pagitan nila ng Fire Goddess. Dinala na siya ni Ronan para makapagpahinga sa loob ng Igloo. Si Mari, hindi ko alam kung nasaan. Kasama niya ata si Arme at Lass na nagpapahinga sa loob. Naglilihi na kasi siya kahit dalawang buwan pa lang yung baby niya. Kabata-bata pa, naunahan pa kaming magka-anak.(-___-)



Jin: "Pwede na tayo dito. Handa ka na ba?" Eeeeh?? Nandito kami ngayon sa gubat. Dito kami magtatraining?




Me: "Sure ka bang dito tayo?" Tumango na lang siya at inilabas ang spirit niyang bracelet. Nagtransform ito at naging tonfa. Ang alam ko, kaya na niyang palabasin lahat ng anyo ng spirit niya pero ayaw niyang ipaalam iyon sa iba dahil agaw atensyon yun.




Me: "Teka lang..."Pinalabas ko rin ang aking spirit. Naghahanda na ako para sa training namin ni Jin.




Jin: "Sige... Heto na ko." bigla siyang nawala na parang bula. Gagamitin nanaman niya yung dash niya sakin para makalapit siya sakin ng hindi ko napapansin. Sumulpot siya sa kanan ko kaya gumulong ako palayo sa kanya.




Me: "Basher!?!" cast ako ng spell. Isang spell na kayang patigilin ang attacker ko ng ilang segundo lang. Agad naman siyang nakailag kaya nagcast din siya ng spell.




Jin: "Sakura Drive!?!!" Inipon niya lahat ng mana niya sa tonfa at nagdash siya patungo sakin.




Me: "Distorsion!?!" Nakagawa ako ng Illusion para makaiwas ako sa atakeng yun. Hindi lang basta-bastang illusion yun, kaya nitong pigilan ang paggalaw ng kalaban kaya malaya akong makakaatake.




Me: "Gotcha... Lunatic bind!?!!" I throw my Chakram to him. gumagawa ito ng sound waves para hindi madisable ang spell ko sa kanya. Direkta naman siyang tinamaan kaya napaatrass siya sa sobrang lakas ng atakeng yun.




Jin: "Haaa!?!!" Binalewala niya lang yung mga atake ko. NAKAKAINIS!?!!



Jin: "Nice try.. But you'll never win against me."




Amy: "Ha-ha... Nakakatawa. Magsimula na tayo ulit." Sumugod muli ako patungo sa kanya. Close combat lang ang ginagawa namin at lahat ng mga atake niya sakin ay sinasangga ko lang. Masyado kasing malalakas lahat ng atake niya sakin kaya nahihirapan ako. Nakita kong nawalan siya ng balanse dahil sa natapilok siya sa isa sa mga tanggkay ng puno dito. Sinamantala ko naman iyon at sumugod ako patungo sa kanya pero hindi ko napansin yung bato sa harapan ko kaya natapilok din ako.




Jin: "AMY!?!!" Agad niya akong sinalo. Napasandal ako sa dibdib niya, naririnig ko yung mabilis na pagtibok ng puso niya. Siguro dahil sa pagod kaya ganun kabilis yun.




Jin: "Ayos ka lang?" Napatingin naman ako sa mga mata niya.





*dubdub*  *dubdub*




*dubdub*  *dubdub*




Nagkatinginan lang kami. Yung mga mata niya, parang may sinasabi pero hindi ko alam ang ibig sabihin. Unti-unti ng lumalapit ang mukha niya sakin.






The Guardian's keysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon