Epilogue

16K 407 73
                                    

3rd person POV

*6 years later.*

Sa loob ng anim na taon ay marami na ang nagbago. Umpisahan muna natin kay Lire at Ryan, Si Ryan ang Vice-CEO ng kumpanya ng mga Ashford habang si Lire naman ay nagtayo ng university.

Ang Mitsushima University na itinayo niya sa bansang japan. (Pamilyar ba yung univesity?(^__^)/) Maganda ang school na iyon dahil sa kakaibang technology at academic. Si Mari naman ay nagtatrabaho na bilang isang mechanical specialist. Siya rin ang gumawa ng makabagong academic technology at Security ng university na yun. Mahal? Hindi naman dahil since mayayaman naman sila ay mababa lang ang tuition sa university na iyon.

Si Jin, Azin, Dio at Lass ay nagtatrabaho rin sa kani-kanilang kumpanya. Si Sieg naman ay naging sikat na artista at model. Since sikat na sikat na si Sieg ay hindi maiwasan ni Mari na magselos sa tuwing sumasama ito sa mga shooting nito. Matatawa na nga lang sila Lire sa tuwing magkikita-kita silang magkakaibigan.

Lire: "Hahaha.... Bakit kasi gusto mong sumama sa mga shooting niya tapos bubugbugin mo." Nasa isang cafe sila ngayon kasama ang mga babies nilang sina Thea, Blake at Jasmine. Si Althea ang anak ni Lire at Ryan habang sina Blake at Jasmine naman ang kambal na sumunod kay Diana at Diane (two years lang ang agwat nila.)

Mari: "Di mo naman ako masisisi dahil ang gaganda kaya ng mga nagiging kapartner niya. Tska isa pa, siya lang ata ang kilala kong lalaki na kahit may asawa na eh, kung kumilos parang binata.(-__-)" Napapa-iling na lang si Lire sa mga narinig. Ilang sandali pa ay dumating na rin si Arme kasama ang 6 years old na si Agnesia. Nakapagtayo si Arme ng mga cafe 3 years ago at sa mga taon na yun ay mahigit kumulang na 200 branches sa buong mundo.

Lire: "Arme!" Itinaas nito ang kanyang kamay para madali silang makita. Nakita naman niya si Lire kaya pinalaro niya muna si Agnesia sa mini playground sa loob ng cafe.

Arme: "Sorry I'm late. *Lumingon siya kay Mari.* Oh? Bakit busangot nanaman itong babaitang to?" Takang tanong nito kay Lire.

Lire: "Kelangan ko pa bang sabihin sayo yan? Natural nagselos nanaman dun sa isa sa mga katrabaho ni Sieg." Pagkatapos sabihin iyon ay ininom niya ang inorder niyang latte.

Mari: "Hmmmp....." Nakasimangot itong tumingin kay Lire.

Arme: "Wala ka bang tiwala sa asawa mo? Alam mo namang takot sayo yun eh. Ikaw talaga..." Napapa-iling na lang si Arme.

Lire: "Oo nga pala, Asan na si Amy? Di ba siya yung wedding organizer ni Elesis?" Biglang tanong ni Lire.

Arme: "Dunno? Sabi niya malapit lang yung photoshoot niya dito sa cafe na to eh." Sagot naman nito sa kanya. Si Amy kasi ay naging sikat na model bago sila magdisband ang Guardians. Mabilis na kumalat yung video na nagperform sila 6 years ago at napanood ito ng isang talent manager. Kinontak sila nito at inaccept naman nila iyon, tumagal ang banda ng apat na taon pero nagdisband sila after nun.

Amy: "Sorry guys.. I'm Late..." Kasama ni Amy ang kanyang first baby na si Yuko.

Mari: "Mabuti at dumating ka na... Oh, ano? Ok na ba para bukas?"

Amy: "Oo, wala ng problema. Yung location, nakausap ko na si headmaster para dun. Ang problema na lang eh yung bride." Nagtataka naman silang tumingin kay Amy.

Sila: "Bakit?"

Amy: "Nasa worldwide concert ang bruha. Bukas nga ang balik niya pero dahil sikat na siya, mahihirapan tayong sunduin siya dahil sa dami ng tao." Napasapo naman sa ulo si Mari.

Mari: "Dammit... Kelangan na siya bukas.. Haay... Yung babaita na talagang yun." Medyo inis nitong sabi.

Arme: "Teka.." kinuha niya ang kanyang cellphone at may kinontak ito.

The Guardian's keysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon