3rd person POV
Agad na lumipad si Elesis gamit ang bago niyang kapangyarihan. Nagpalabas ng maraming espada si Elesis palibot sa kanya.
Elesis: "Heaven's Blade: Luminus Swords!" Pinasugod niya lahat ng espada patungo sa katawan ni Darius. Bawat espada ay may taglay na golden flame na kakalat sa buong katawan nito.
Nasunog ang buong katawan ni Darius. Kakaiba ang apoy na kumakalat sa buong katawan niya dahil hindi ito nakakasunog ng katawan kundi sinusunog nito ang kanyang kapangyarihan na ginagamit niya sa pagkuha ng ability ng iba.
Darius: "Urrgh... Ikaw.... TATAPUSIN KITA!!" Sinuntok niya si Elesis pero sinangga lang niya ito. Itinulak niya lang ito na parang walang nangyari, sumugod siya patungo kay Darius.
Elesis: "Heaven's Blade: Binding Light Flash!" Nagpalabas ito ng malaking energy light ball. Itinaas niya ang kanyang spirit, Nang makaipon ng sapat na enerhiya ay itinutok niya ang kanyang spirit kay Darius.
Elesis: "Fire!" Pinakawalan nito ang naipon nitong enerhiya. Parang Zap lang na dumaan sa katawan ni Darius ang spell na kinast ni Elesis. Ilang sandali pa ay nagkaroon ng malaking pagsabog. Nabalot ng usok ang buong katawan ni Darius.
Sila: "YEAH!?!!"
Napansin ni Elesis na unti-unti na itong bumabalik sa dati nitong anyo kaya lumapag na ito sa lupa at lumapit kay Darius. Nakahiga na lang ito at hindi makatayo dahil sa pinsala na natamo niya sa lahat ng atake ng mga elemental users. Lumapag na rin ang mga protector nila at sumunod kay Elesis. Itinutok ni Elesis ang kanyang spirit kay Darius.
Darius: "T-tapusin mo na ko.... S-sinira mo.... ang mga plano ko.... H-hindi ko na... K-kelangang mabuhay...." Nanghihina nitong sabi. Itinutok nito ang spirit niya,sa dibdib ni Darius.
Elesis: "Heaven's Blade: Renewal." Tska niya itinusok ang spirit niya kay Darius. Nagtaka si Darius dahil wala siyang naramdamang sakit at buhay pa rin siya hanggang ngayon.
Elesis: "Hindi kita papatayin. Hndi tayo magkatulad Darius, kung ikaw kaya mong pumatay ng walang alinglangan ako hinde." Tska ito tumalikod sa kanya. Balak pa sanang gumamit ng spell ni Darius pero hindi na siya makagamit ng ni-isang spell o kahit ang mismong ability niya.
Darius: "A-anong ginawa mo...." Nanghihina nitong tanong kay Elesis, Lumingon naman siya dito at ngumiti.
Elesis: "Isa ka na lang normal na tao ngayon dahil kinuha ko na ang death crystals at ang iba pang crystals na kinuha mo sa mga ability users. Tska isa pa, gusto ni mama na mabuhay ka ng masaya at hindi nabubuhay sa galit." Nagulat naman silang lahat sa sinabi ni Elesis maliban kay Sieg. Kinausap kasi sila noon ng kanilang mga magulang bago sila umalis at ikinuwento ng mama nila kung sino talaga si Darius. Yup, naging magkarelasyon ang mama ni Elesis at si Darius noon ngunit naghiwalay sila ng makita ng kanilang ina na gusto niya ng higit pang kapangyarihan para maging malakas. Nang malaman ni Darius na ikinasal na ang mama nila Elesis ay napuno na ito ng galit sa kanilang ama kaya tinanggka niya itong ipapatay. Nagtagumpay nga siya sa pagpatay sa kanilang ama ngunit kasama naman nitong namatay ang kanilang ina. Tuluyan na itong humarap kay Darius bago ulit itong magsalita.
Elesis: "Pinapasabi pala ni mama na. Mag-iingat ka at gusto niyang ipaalam sayo na minahal ka rin ni mama at hindi na magbabago yun pero sana wag ka ng mabuhay sa poot at galit dahil yan din mismo ang sisira sayo." Tahimik lang si Darius at hindi umiimik sa kinauupuan. Lumapit si Elesis kay Darius at lumuhod sa harapan niya.
BINABASA MO ANG
The Guardian's keys
FantezieJoin Elesis and her brother, Sieghart together with their allies to find the Light element user to defeat their great foe, The demon Emperor.
