Chapter 51: Hope

10.2K 240 25
                                    


3rd person POV

Ilang araw na ang nakakalipas ng sunugin nila ang bangkay ni Elesis, nagtipun-tipon ang lahat ng guild master sa opisina kasama ang elemental users. Suot-suot ni Ronan ang kwintas ni Elesis na tanging alaala nito sa kanya.

Lire: "Ronan..." Napalingon siya kay Lire. Tumakbo naman siya patungo sa kanya.

Ronan: "Bakit?" Plain lang na tanong nito sa kanya.

Lire: "Ok ka na ba?" Nag-aalalang tanong nito sa kanya.

Ronan: "Hindi pa rin ako ok. Ilang araw pa lang ng iwan niya tayo." Hinawakan niya ang kwintas ni Elesis.

Lire: "Maiba ako, yung Veigas. May nakuha akong impormasyon tungkol sa kanya. Totoo ang lahat ng sinabi satin ni Sieg na magkababata sila. Hindi lang yun, dating kasamahan ng mga magulang natin  ang ama niya." Naglakad si Ronan palapit sa bintana.


Ronan: "Mabuti pa ay sumunod na tayo sa pagpupulong, siguradong tayo na lang ang hinihintay nila sa conference room." Tumango lang si Lire at naglakad na sila patungo sa conference room.

Hindi nila alam na may taong nakarobe ang nasa kisame. Nakita niyang huling pumasok sila Ronan at Lire.

Nang makumpleto sila ay lumabas na rin si Lime kasama si Veigas.

Lime: "Salamat sa pagpunta niyo. Pinatawag ko kayo dahil tatlong araw mula ngayon ay darating na ang hukbo ni Darius. Narito ang kanyang anak upang sabihin satin ang binabalak nito." Tumingin ito sa kanya at tumango.

Veigas: "Salamat... Hahatiin ang alagad ng aking ama sa walong grupo, ang una at ikalawang grupo ay sa entrance susugod. ikatlo at ika-apat ay susugod sa likod na bahagi. Ang mga natitira kasama ang kanyang mga heneral ang bahala sa mga natitirang Elemental users."

Dio: "Kung ganun, kami ng bahala sa mga alagad niya. At kayong apat ang bahala kay Darius." Hindi nagustuhan ng babae ang narinig niyang plano kaya nagsalita ito.

"Hindi gagana ang ganoong taktika." Tumalon ito at lumapag sa ibabaw ng mesa. Lahat sila ay naghanda sa pakikipaglaban. Unang sumugod ang lalaki sa likod niya.




"Firewall." May lumabas na magic circle sa likod niya at lumabas ang apoy. Gumawa ito ng harang para hindi siya matamaan.

"Imposible! Isang Fire element user." Sabi ng lalaking sumugod sa kanya. Sumugod naman ang dalawa pa.

"Twisted Advance." May magic circle na lumabas sa paanan ng dalawa pang sumugod at nagkaroon ng ugat at ginapos ang kanilang mga binti. Napanganga naman si Ryan.

Ryan: "A-ability ko yan ah?" Yan lang ang nasabi niya.

Sumugod pa ang tatlo pang guild master.

"Wind cage." May lumabas na dalawang magic circle at gumawa ito ng invisible cage.

"Ang lakas niya. Gamit niya ang mga elements nila Elesis, Ryan at Lire." Sabi ng babaeng kasamang nakulong sa wind cage.

Sumugod na ang natitirang dalawang guild master. Hindi na sumugod sina Ronan at Dio dahil maging sila ay nagugulat sa mga nangyari.

"Haaay, Ano ba. Aqua..... blast." Itinutok niya ang kanyang kamay sa dalawa pang sumugod at nagpakawala ng tubig. Tumalsik silang dalawa at nawalan ng malay.

"Hindi ako nandito para makipaglaban." Bumaba ito sa ibabaw ng mesa at lumapit kina Ronan. Nang makalapit ito sa kanila ay tinanggal niya ang kanyang hood. Pagkaalis ng kanyang hood bumagsak ang napakahaba niyang pulang buhok. Kulay pula rin ang mga mata nito. Silang lima ay nagulat lalo na si Ronan.

The Guardian's keysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon