3rd person POV
Habang nagkakaroon ng matinding laban sa loob ng kastilyo ay magkakaroon naman ng laban mula sa labas ng kastilyo. Lahat ng mga nahuli nilang preso ay nagtulong-tulong upang maibaba ang daan para makatawid ang mga taga-serdin. Nang makatawid na sila ay nasa harapan nila ang natitirang mga heneral na inutusan ni Darius upang maghanda sana sa pagsugod nila bukas ng umaga.
"Mga lapastangan!!" Nagpalabas ng maraming crystal spike na kulay pula ang sumalubong sa kanila pagpasok pa lang nila sa kastilyo.
Dio: "Piercing dash!" Nagpalabas ng malaking spear si Dio at sinalubong ang red crystals na patungo sa kanila dahilan para mabasag ang mga ito.
"Pagbabayaran mo ang pagbasag sa mga crystal ko!!" Sumugod ang rank 6 general sa kanya gamit ang kanyang crystal mallet.
Dio: "Tsk... KILL ZONE!" Naglagay siya ng isang parang ward na naglalabas ng kakaibang aura. Nang sumugod ang heneral ay nagreflect lang ang atake niya at direkta itong tinamaan.
Dio: "MAUNA NA KAYO!! Ako ng bahala dito." Tumango lang si Ley bilang sagot at tumakbo na patungo kanang bahagi ng kastilyo.
Habang tumatakbo sila ay napalingon si Ley kay Dio.
Sa isip ni Ley: "Mag iingat ka.." Tska siya sumunod sa mga kasamahan.
------
Sa kabilang dako naman, naglalaban pa rin si Ronan at Darius. Halos hindi na sila makita dahil sa sobrang bilis ng kanilang pag atake.
Habang abala si Darius ay isa-isang binuhat sina Lire, Ryan at si Elesis na ngayon ay hindi pa rin nagigising pagkatapos ng ginawa niyang pagligtas kay Ronan. Tinignan niya ang pulso ng kapatid pero naalala niya pala na wala nga pala ang kaluluwa ni Elesis sa katawan niya kaya hindi na niya ito itinuloy. Nagtataka pa rin siya sa nangyari kanina dahil kung wala nga ang kaluluwa ni Elesis sa katawan niya ay bakit niya sinangga ang pag-atake ni Darius kay Ronan.
Sa isip ni Sieg: "Posible kaya na may kontrol pa rin si Elesis sa katawan niya kahit wala ang kaluluwa niya dito?" Bigla namang nagising si Lire at Ryan sa pagkakatulog.
Lire: "Ang sakit ng ulo ko.." Sabi niya habang hawak-hawak ang kanyang ulo.
Sieg: "Mabuti at gising na kayo, kainin niyo yung healing candy na binigay satin ni Arme tapos tulungan natin si Ronan." sinunod naman nila ang sinabi ni Sieg. Pagkakain ng healing candy ay tumayo na sila at inilabas ang kanilang mga spirit.
Sieg: "Oras na para tapusin ang halimaw na to." Sakto namang napatalsik si Ronan dahil sa atake ni Darius kaya sinalo siya nila Sieg at Ryan.
Ryan: "Wag mong solohin yung laban..." Nakangiting nakangiting sabi nito.
Sieg: "Natulog lang kami sandali sinolo mo na ang laban." Sabi naman ni Sieg.
Natawa naman si Darius.
Darius: "Hahahaha.... Nakakatawa naman kayo, kahit magtulong-tulong pa kayong mga elemental users ay hindi niyo ko matatalo. Lalo na't wala ang Fire Element user." Inihanda naman nila ang kanilang sarili sa pagsugod ng kalaban.
Ronan: "Alam kong kulang kami pero eto lang ang sisiguraduhin ko sayo. Tatapusin kita, kahit na anong mangyari." Hinawakan niya ng madiin ang spirit sword ni Elesis dahilan para maglabas ito ng apoy. Napatingin naman si Darius sa espadang hawak ni Ronan.
BINABASA MO ANG
The Guardian's keys
FantasiJoin Elesis and her brother, Sieghart together with their allies to find the Light element user to defeat their great foe, The demon Emperor.
