Chapter 22.1: The hunter

15.4K 299 19
                                    




Elesis's POV



Lahat sila nag aabang ng susunod kong sasabihin. Hindi ko alam ang reaksyon nila dahil after ng sinabi ko ay nakayuko lang ako.




Lire: "So.. Anong plano mo ngayon?"




Me: "Di ko pa alam, siguro 'go with the flow' na lang ako."




Arme: "Hindi sa lahat ng bagay ay laging sunod ka lang sa agos. minsan kelangan mo rin sumalungat dahil kung ipinagpatuloy mo yan, Baka maunahan ka na ng iba."




Amy: "Natatakot ka lang kasi baka one-sided love affair ang peg mo."




Ley: "So kaya pala ganyan ang reaksyon mo kanina." Out of nowhere, sumulpot nanaman si Ley sa pagitan namin ni Amy kaya napasigaw kami at napayakap sa isa't - isa.





Me/Amy: "WUUUUAAAAAAA!!!!!"




Ley: "PWEDE BA WAG KAYONG SUMIGAW!!" *turn to dragon like chibi mode*




Napabugtong hininga na lang siya.




Me: "Sorry.. Bigla-bigla ka na lang kasing sumusulpot kung saan saan."




Arme: "Lalim kasi ng iniisip mo kaya di mo siya naramdaman o napansin."



Lire: "Ang masasabi ko lang sayo, pakiramdaman mo muna siya, pag naramdaman mong mutual ang feelings niyo..." Sinarado niya yung librong binabasa niya."...Then, do the 'Go with the flow' thingy mo."



Pakiramdaman ko muna siya? Ang hirap kasing basahin si Ronan eh.




Ryan: "TARA NA!! SASAKAY NA TAYO!!" sigaw samin ni Ryan.



Arme: "SUSUNOD NA KAMI!!" tsaka namin binuhat yung mga dala naming gamit.




Lire: "Oo nga pala Arme. Its official na ba?" Napatingin naman ako kay Arme.



Arme: "Sasabihin ko na lang sa inyo kapag nasa loob na tayo ng eroplano."




Amy: "Haay nako.. Ako kaya, kelan kaya niya mapapansin?" Natawa na lang kami sa sinabi ni Amy.




Arme: "May pagkamanhid din kasi yang gusto mo eh."



Ley: "Sino si Jin ba?" Automatic na namula si Amy.


Amy: "H-hindi ah..( -///-)" Hindi daw, halata naman eh.




---------



Pasakay na sana kaming lahat sa eroplano ng biglang may lumabas na portal. Agad ginamit ni kuya ang field spell niya na 'chronofield'.



Arme: "Ano ba yan, ngayon pa nila naisipang sumugod."



Lire: "Exciting."


Ley: "Mapapalabas ko na rin ang bago kong alaga!!"



Mari: "Kasama nila ang kapitan nila."



Bukod sa mga spearguard ay may nararamdaman akong ibang presensya.


Me: "Hindi lang sila, may iba pa."



Kuya: "Nararamdaman ko din siya."



Dio: "Mag iingat kayo. Di natin alam kung anong kaya nila."


The Guardian's keysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon