Chapter 37: Unleashed

13.6K 254 11
                                    






Elesis's POV




Back to training kami ngayon at ang training partner ko ay walang iba kundi ang fire Goddess.




halos limang oras na kaming naglalaban at ni isa samin ay ayaw magpatalo. Medyo nasasanay na rin ako sa bagong anyo ng spirit ko, Ang tawag ko sa bagong form nito ay Dragon blade.




Mabilis ang pag galaw namin kaya halos hindi na kami makita ng mga kasamahan namin. Kakaiba talaga ang mga gods, kahit kasi nakikipaglaban si Sol ay nakangiti pa rin siya sakin. Hindi ko alam kung seryoso ba siya or hindi pero once na makalaban mo siya, halos lahat ng atake niya ay may kakaibang alab ang unti-unting kinukuha ang enerhiya ng kalaban niya.




Hinampas ko siya ng malakas kaya napatalsik siya ng sobrang layo. Isinaksak niya ang spear niya sa lupa para mapigilan ang pagtalsik niya. Ayos pagkakataon ko na.




Agad na akong sumugod sa direksyon niya pero ang hindi ko inaaaahan ay ang biglang pagpalit ng anyo ng weapon niya. Nang magtama ang aming mga spirit ay biglang naging two handed blade ang spirit niya.




Sol: "Surprise!?!(^__^)" Nakalimutan ko. Kung ano ang kapangyarihan niya, Kapangyarihan niya rin yun. Natural kasi galing sa kanya ang kapangyarihan ko.




Winasiwas niya ang spirit niya gamit ang isang kamay. Dahilan para mapaatras ako.




Sol: "Break muna Elesis."




Me: "Sige, Nagugutom na rin naman na ako eh.(^__^)"




Umupo muna kami sa isang tabi at uminom ng tubig. Refreshing!?!! (^///^)




Sol: "Tignan mo ang paligid natin ngayon." Sinunod ko naman ang sinabi niya. Napapangiti na lang ako sa mga nakikita ko. Si kuya at Mari, Nakikinig ng music habang magkahawak kamay. Si Lire, natutulog sa balikat ni Ryan. Si Arme naman, Nakikipagkulitan kay Lass. Hindi halata sa kanya na magkakababy na siya. Si Amy, ayun nakikipaglaban kay Jin. Si Dio naman, nakikipagtalo kay Ley. Lagi na nga silang nag-aaway eh pagkatapos mga ilang minuto lang bati na sila. Si Luxus, Kinakausap si Azin.




Sol: "Hindi mo aakalain na may kapangyarihan sila no.(^__^)"




Me: "Oo nga eh... Sabi nga nila, 'looks can be deceiving.' "




Sol: "Tama ka, Hahaha...."



Napansin ko namang sumulpot sa tabi ko si Luna, ang Dark Goddess.




Luna: "Mukhang sobrang close niyo na ah."




Sol: "Natural, nasa katawan niya ako eh. Hahahaha..."




Luna: "Baliw ka talaga kahit kelan..." Umupo siya sa tabi ko. ".... Mas magiging mahirap na ang training ng kapatid mo.(^__^)"




Me: "Kelan naman naging hindi mahirap ang training namin. (-___-)" tumawa na lang siya.



Luna: "Bata ka pa talaga.*ginulo niya ang buhok ko at saka tumayo* Ibig kong sabihin ay makakalaban niya ang dating nagmamay-ari ng kapangyarihan ko." Dating nagmamay-ari ng kapangyarihan niya?




Sol: "Kayo kasi ang bagong henerasyon ng mga Elemental users."



Me: "Ibig sabihin, namana lang namin ang kapangyarihan namin sa mga magulang namin."



Sol: "Yup, Pero mas special ka." Huh?




Me: "What do you mean?"




The Guardian's keysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon