Chapter 17: Final match

16K 336 12
                                    





Elesis's POV


Kahit kinakabahan ako, lumakad pa rin ako papunta sa arena. Siya naman ay masama ang tingin sakin, ano ba ang problema nito?



Lass: "Sisiguraduhin ko na matatalo kita." He used his cold but low tone of voice.



Me: "Seryoso... ano ba talaga ang problema mo sakin." Nakakainis na kasi yung mga tingin niya eh.



Lass: "Wala ka na don. Laban na!!!" At sumugod na siya patungo sakin.




Me: "Firecloth!" Pinalibutan ko ng apoy ang suot kong damit. Lahat ng physical attacks ay tatagos lang sakin. Natamaan niya ako sa braso pero wala akong naramdamang sakit dahil sa spell na kinast ko kanina.



Lass: "He train you well pero wala yan. Lightning slash!" Nagpakawala siya ng isang lightning crecent patungo sa direksyon ko at dahil sa sobrang bilis nito ay nahagip ako and this time, napangiwi na lang ako sa sobrang sakit.



Lass: "It's hurt doesn't? Umpisa pa lang yan. Pahihirapan kita hanggang sa mag makaawa ka sakin.." Ano bang ginawa ko sa kanya at bakit galit na galit siya sakin?


Tumayo na ako para makapaghanda sa susunod niyang gagawin. Hindi dapat ako magpatalo sa lalaking to. Hindi ko hahayaang matalo ng walang ginagawa. Ako naman ngayon ang sumugod patungo sa kanya.



Me: "Flame Dash!!" I dash through him. Nang makalapit ako ay nag cast ulit ako ng spell.



Me: "Pyro Wave!!" Tumira ako ng fire wave ng malapitan. Hindi ko siya matatamaan kapag malayuan dahil sa kasing bilis niya ang kidlat kung kumilos. Nagawa ko siyang tamaan at lumikha iyon ng pagsabog. Namuo ang usok sa paligid niya kung saan siya nakatayo. May nakita akong isang troso sa pinagsabugan ng spell ko. Isang dummy. Agad kong hinanap ng mga mata ko kung nasaan na siya.



Ronan: "SA LIKOD MO!!"



huli na ng sabihin iyon ni Ronan dahil natamaan na ako ng kidlat sa likuran ko. Tumalsik ako hanggang sa dulo ng arena. Masama ang pag tama ko sa pader kaya napangiwi ako sa sakit. Hindi ko siya nakitang kumilos patungo sa likod ko. Masyado akong naging pabaya kaya hindi ko namalayan nanasa likod ko na siya.




Lass: "Akala mo ba matatamaan mo ko ng malapitan? Nagkakamali ka, isa akong Ninja. Isang mamamatay tao, kaya kong kumilos ng sobrang bilis para hindi maramdaman ng mga target ko...." Lumapit siya sakin at kinwelyuhan niya ako. "..... Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa kapatid ko. Ano kayang mararamdaman ni Sieg kapag tinapos ko ang buhay mo sa harap niya?" Kita ko sa mga mata niya puno ito ng galit at pagka-uhaw sa paghihiganti.


Wala pa si kuya dahil nagpapahinga pa siya dahil sa laban niya kanina.




Me: "Lumayo ka sakin!"I used my spell 'blaze' mapalayo siya sa akin. Nagtagumpay naman ako doon pero since nanghihina ako sa natamo kong sugat ay napaluhod ako.




Lass: "May lakas ka pa pala. Tama nga sila, hindi ka madaling kalabanin. Makikipaglaro muna ako sayo ng ilang oras." He give me an evil grin. Pano ko tatalunin tong lalaking to kung malala ang natamo kong sugat.


Pinilit kong tumayo pero medyo nanlalabo na ang paningin ko. Kelangan kong matalo si Lass. Inihanda ko ang stance ko at nagfocus.



Lass: "pinahahanga mo ko Elesis. Pero kelangan na kitang tapusin." Pumorma na parang iikot siya. Inihanda ko ang sarili ko at nag isip kung anong susunod kong gagawin.



The Guardian's keysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon