Chapter 33: Training Ground

13.8K 269 17
                                    


3rd person POV



Nagpapalitan sila ng atake ni Kai. Halos masira na nila ang paligid dahil sa lakas ng mga atake nila.



Sa isip ni Luxus: "Eto pala ang pinagdaanan nila kaya sila naging ganun kalakas."




Elesis: "Fire Goddess Sol." Agad naman napatingin sa kanya ang Fire goddess.






Elesis: "apat na oras na simula ng mag umpisa ang training nila, Kelan kami mag uumpisa?"






Sol: "Ayos lang kahit magtagal sila. Ang isang oras sa totoong mundo ay katumbas ng pitong araw dito sa loob ng field na ito."




Elesis: "P-pitong Araw!?!! Ang haba naman pala ng oras natin para makapagtraining."




Rin: "Hooy... Kayo!!! Anong tinatanga niyo dyan. Magtraining din kayo.. Sayang ang pitong oras kung di niyo gagamitin." Tinutukoy niya sina Jin na nanunuod lang sa labang nagaganap sa pagitan ni Kai at Ronan. Sumunod na lang sila at naghanap ng pwesto para magtraining.




Aquilise: "Tama na yan. Nagawa mo nang palabasin ang ikatlong anyo ng spirit mo.*Humarap siya kay Kai.* Salamat sa tulong mo."





Kai: "Ako nga po ang dapat magpasalamat kasi nakita kong muli ang gwapo kong ex." Tingin niya kay Dio na nakagapos pa rin. Lumapit naman siya para kamustahin ang naiwan niyang boyfriend 3 years ago.




Kai: "Kamusta!!(^__^)" Hindi pa rin makapagsalita si Dio, halo-halo ang nararamdaman niya. Saya, lungkot, sakit. Kahit siya hindi siya nakakapagreact.




Kai: "Namiss kita alam mo ba yun. Alam mo bang nalungkot ako dati dahil nag-away kayo ni Ashford. Buti na nga lang at napagbati kayo ng kapatid ni Sieggy." Bigla namang nagreact si Sieghart dahil sa narinig na tawag sa kanya.




Sieg: "Oh come on.. Wag mo ngang banggitin yang tawag mo sakin dati Kaykay." Natawa na lang siya dahil sa namiss niya ang palayaw niyang yun. Humarap ulit siya kay Dio.




Kai: "Sige na, kelangan ko ng magpahinga. Ilang oras lang ang binigay sakin eh." Pagkatalikod niya ay agad nawala ang ugat na nakapalibot kay Dio. Sinamantala niya ito at niyakap niya si Kai sa likod.




Dio: "K-Kai....*sniff* K-kai..." At humagulgol na siya na parang bata. Tumingala lang si Kai at pinagmasdan ang kalangitan. kahit ilang taon na kasi simula ng pumanaw siya. Hinding hindi niya makakalimutan ang kaisa-isang taong minahal niya ng lubos.




Dio: "K-Kai.... I'm sorry... Hindi kita naprotektahan... Kasala----" hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil pinigilan na siya ni Kai.




Kai: "Itigil mo na yang paghingi mo ng tawad. Mas lalo akong nasasaktan kapag naririnig ko ang salitang yan..." Humiwalay siya sa pagkakayakap sa kanya mula sa likod at humarap kay Dio na may ngiti sa mukha.".... Ginawa ko yun para maprotektahan kita. Alam mong hindi ko hahayaang may mangyari sayo di ba?" Hinawakan ni Kai ang kaliwang pisngi ni Dio. Hinawakan naman ni Dio ang kamay niya na nakalagay sa pisngi niya, dinadama ang malambot nitong mga kamay na parang bulak.





Kai: "Alam kong nasabi ko na sayo to, ilang taon na ang nakakaraan pero.... Masaya ako at nakilala kita. Hinding hindi ko pinagsisisihan na nakasama kita, dadalhin ko ang alaalang ito hanggang sa muli tayong magkita. Tandaan mo, kasama mo ako lagi sa tabi mo. Hindi mo man ako makita, mararamdaman mo pa rin ang pagmamahal ko para sayo." Unti-unti ng naglalaho ang katawan ni Kai. Ang mga babae ay halos maiyak na dahil sa tagpong kanilang nasasaksihan.





The Guardian's keysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon