chapter 5: The Twin Gods

20.5K 334 11
                                    

Sieghart's POV

Hindi ako makapaniwala. Seryoso ba sila na ang kapatid ko talaga ang hinahanap naming Light element user? Hindi pwdeng siya ang maging susi para matalo ang evil emperor.

"Hindi naman tayo sigurado. Kelangan muna tong malaman ni Priestess Lime." sabi ko kay Ronan.

Sumang-ayon naman ito sakin at ibinalik na namin sa dati ang mga spirit namin. Tinignan ko naman si Red pati na rin ang kanyang spirit. Talagang magkahawig ito pero may napansin ako dito. Isang element lang ang nagagamit nito at tingin ko yun ay yung Fire element lang talaga ang kaya nito.

"Red pwede bang subukan natin ang spirit mo?" tanong ko kay Red.

"Huh? bakit kuya? Anong gagawin mo?" hindi na ako sumagot at inilabas ang spirit ko at umatake patungo sa kanya. Sinangga niya ito gamit ang spirit niya. Halatang nagulat siya dahil hindi niya inaasahan na susugod ako sa kanya pero biglang naging seryoso ang mukha niya. Buong pwersa niyang iniwasiwas ang sandata niya para maitulak ako palayo sa kanya. Nagtagumpay naman siya. Tinignan ko siya at ngumiti ngayon alam ko na kung bakit magkatulad ang spirit namin.

"ANG DAYA MO KUYA HINDI PA AKO READY SINUGOD MO NA AKO!!" Sigaw ni Red sakin. HAHAHA nakakatuwa siyang tignan.

"Anong ginagawa mo Sieg. Bakit mo siya sinugod? Di ba sabi ko tapos na ang training ngayong araw at kakausapin si priestess Lime." tanong sakin ni Ronan ngunit di ko siya pinansin at nagcast ako ng spell.

"Dark Blast!" biglang naglabas ang spirit ko ng black flame at winasiwas ko ito papunta sa direksyon ni Red.

"Soaring Flame!" naglabas din ng flame ang spirit niya at katulad ng ginawa ko eh winasiwas niya ito sa direksyon ng Dark Blast ko at nagsalubong ito. Halos magkasing lakas ito at sumabog pagkatapos magtama. Lahat sila ay tumilapon maliban kay Mari na gumawa ng Ice shield at sinangga ang pwersang nanggagaling sa pagsabog. Nagulat ako ng biglang lumabas si Red sa usok at nasa harapan ko na siya. Sinalag ko iyo ngunit parang ngumisi si Red ng magtama ang mga mata namin. Bigla na lang nag Apoy ang spirit niya at kulay asul ito.

"Cold Fire!" Bigla na lang ako nakaramdam na may gumagapang sa mga kamay ko at nang makita ko ito ay nabigla ako. Yung asul na apoy ay gumapang patungo sakin at napaso ako hindi dahil sa sobrang init kundi sa sobrang lamig. Lumayo agad ako sa kanya para hindi na kumalat ang apoy pero bago pa man ako makalayo ay biglang na lamang kumalat ang apoy at mabilis nitong napalibutan ang buong katawan ko at ilang sandali pa'y napalibutan na ako ng yelo at hindi na ako makagalaw. Nawalan na lang ako ng malay habang napapalibutan pa rin ako ng yelo.

The Guardian's keysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon