Chapter 54: Captured

9.1K 215 25
                                    





3rd person POV





Nakarating na sila sa pinagkukutaan ng mga kalaban. Napakaraming bantay dito at hindi mo aakalain na isa lamang ito sa mga kampo nila dahil mala-kastilyo rin ang laki nito. Napapalibutan din ito ng tubig, tingin nila ay ginawa lang yun para sa dagdag na proteksyon. Nang tignan nila ang tubig ay may kung anong nilalang na lumalangoy sa lugar na yun. Hindi ito buwaya dahil masyado itong malalaki kesa sa regular na laki ng buwaya (Yung mas malaki pa kay lolong.) at maraming mga gwardya ang nasa tarangkahan na nagbabantay. Meron pang mga patrol na umiikot-ikot lang sa paligid ng kastilyo.





Ryan: "Pano tayo papasok dyan? Sobrang higpit ng bantay oh." Sakto namang may dumating na mga karwaheng may dalang pagkain para sa mga sundalo.





Ronan: "Kung sinuswerte ka nga naman. Dun tayo sasakay." Sumunod naman silang lima kay Ronan at agad na sumampa sa ilalim ng karwahe.





Huminto bigla ang karwahe para sa inspeksyon.




"Bakit karwahe ang dala niyo? Asan ang mga sasakyan na magdadala ng pagkain?" sabi ng gwardya.




"Tumirik sa kalagitnaan ng daan kaya binago namin ng anyo at ginawang karwahe." paliwanag ng pahinante. Napakamot na lang ng ulo ang gwardya.



"Sige, titignan muna namin kung eto nga yung mga pagkain." Tinignan ng gwardya ang karwahe, nang masigurado nilang pagkain ang dala nila ay pinapasok nila ito sa loob. Tagumpay silang nakapasok sa loob ng kastilyo, nang tumigil ito ay gumulong sila palayo at pumunta sa isang tagong lugar.


Ryan: "Ano na ang sunod na plano?" Tanong niya kay Ronan.


Ronan: "Kelangan muna natin sirain ang lugar na to. Pero nakalimutan kong magdala ng mga pampasabog dahil baka makita ako ng mga estudyante kaya hindi ako nakapagdala." Napasapo na lang sa ulo si Sieg.


Mari: "Meron akong mga pampasabog." Napatingin sila kay Mari.


Lire: "Meron ka? Papano naman yun eh hindi ka naman kumuha ng bomba kanina sa storage." Pagtatakang tanong ni Lire. May inilabas si Mari sa kanyang pocket, isang maliit na cubes na may timer.


Sieg: "S-san mo nakuha yan?"


Mari: "Obvious ba, dala ko.(-___-)"


Ronan: "Pano to gagamitin?" Kuha niya sa isang cube.



Mari: "Naaalala nyo pa bang magset ng time sa mga digital clock?*Tumango sila.* Katulad lang yan nun, ang pinagkaiba lang nyan ay sumasabog yan at pababa ang timer niyan." Napatango naman silang lahat.


Ryan: "Marami ka bang dala nito?" Tumango si Mari.


Mari: "Hindi lang isa yan kundi walong uri ng pampasabog. Mas marami lang akong dalang Timer kesa sa iba ko pang bomba." Ibinigay na ni Mari ang lahat ng bomba niya sa bawat isa. Kasama ang tig-apat bawat uri na mga bomba.


Mari: "May pangalan yang mga bombang yan para hindi kayo malito. Bawat isa niyan ay delikadong gamitin lalo na kapag di mo alam ang gagawin dyan. Tara na at pasabugin na natin ang lugar na to. Oo nga pala, dalhin niyo na rin tong earphones na to at ilagay niyo sa mga tenga niyo." Nilagay nila muna ang mga earphones tska sila naghiwa-hiwalay at inilagay ang mga bombang gawa ni Mari at inilagay sa buong paligid ng kastilyo. Hindi kaagad madaling makita ang mga timer dahil kaya nitong hindi madetect ng kahit na anong magic or device just in case na hanapin nila ang mga ito. Hindi rin ito gumagawa ng ingay kaya hindi ito mapapansin. Ganun ka-high tech ang mga weapons na gawa ni Mari.


The Guardian's keysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon