Chapter 58: Light Element user

9.8K 296 25
                                    






3rd person POV







Elesis: "Its been a long time. Ro-kun." Nakangiti nitong sabi kay Ronan. Si Darius naman ay parang nakakita ng multo dahil alam niyang pinatay na siya ng kitsumaru bago siya tapusin ng mga elemental users.







Sa isip ni Darius: "H-hindi.... Paano?" Agad na sumugod si Elesis patungo kay Darius at nagcast ng spell.






Elesis: "Dancing fire blades!" Nagpaulan siya ng maraming flame daggers sa mismong mukha ni Darius pero mabilis lang niya itong iniwasan. Sinamantala iyon ni Elesis para tulungan si Ronan makatayo.






Elesis: "Grabe ang sugat mo ah?(^__^)" Halos hindi naman makapagsalita si Ronan dahil hindi pa rin ito makapaniwala na ang babaeng pinakamamahal niya ay bumalik na sa kanya. Nakangiti at parang walang nangyari sa kanya. Medyo nairita si Elesis dahil tinititigan lang siya ni Ronan.






Elesis: "Hooy... Magsalita ka naman." Tapik nito sa mukha. Hinaplos naman ni Ronan ang mukha ni Elesis at pinisil.






Elesis: "Aray ano ba... Totoo ako no.." iritable nitong sabi. Hindi na napigilan ni Ronan kaya niyakap niya si Elesis.







Ronan: "Tinupad mo ang pangako mo... Akala ko hindi na kita makikita pa..." Yumakap naman pabalik si Elesis.







Elesis: "Sabi ko naman sayo babalik ako eh...(^__^)" Habang nagkakaroon ng kaunting 'sweet moments' ang dalawa ay sasabog na sa galit si Darius sa isang tabi.








Darius: "WAG NIYO KONG BALIWALAIN!!" Nagpakawala ng kakaibang mga itim na ahas si Darius patungo sa dalawa. Sakto namang dumating si Sieg kasama si Icarus, ang protector ni Elesis.








Sieg: "Flame sword!" Nagpakawala siya ng dark flame wave para sanggain ang pinakawalang atake ni Darius.








Sieg: "Mamaya na kayo maglambingan dyan, nasa gitna pa tayo ng laban." Napatingin naman si Elesis.






Elesis: "Mehe... Sorry.(^__^)" Binago niya ang anyo ng spirit niya at ginawa itong spear.







Elesis: "Lets Rock.." Agad itong sumugod patungo kay Darius. Nagulat naman siya dahil mas mabilis pa ito kesa sa kanya.






Elesis: "blazing... Lance." May magic circle siyang pinalabas mula sa harapan, tinusok ang kanyang spear dito at lumikha ito ng napakalaking flame lance na patungo sa direksyon ni Darius. Nakailag siya sa direktang atake nito pero hindi niya inasahan ang biglang pagsabog nito, nilamon ng apoy si Darius at sumisigaw siya dahil sa sakit.








Elesis: "KUYA, Ngayon na.." Tumango naman si Sieg at binago nito ang anyo ng kanyang spirit.






Sieg: "Unlimited blades." Pinaulanan niya ng atake si Darius habang nasusunog ang buo nitong katawan.






Nakabawi na rin ng lakas si Ryan at si Lire kaya umatake na rin sila.







Lire: "True Shot... Barage!!!" Pinaulanan ng napakaraming wind arrows si Darius. Lahat ng wind arrows ay tumama sa buo nitong katawan. Napaluhod na ito dahil sa dami ng sugat na natamo.







Ryan: "Stone golem's fist!" Dumikit lahat ng bato sa braso ni Ryan para makagawa ng malaking braso gawa sa mga bato. Umatake ito gamit malaking braso nito.






The Guardian's keysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon