Chapter 22.2: Gunslinger from the future.

15.5K 298 29
                                    

Elesis's POV

Nagbalik na sa dati ang lugar, Ang nagbago lang, Kasama na namin si Luxus na ANAK ko raw.

Seryoso? Anak ko siya sa future? Wow.... Hindi ko akalain na magkakaanak pala ako ng ganung kagwapo.(Mana sa awesome genes ko. (>.<) )

Since nasa unahan ang 'Anak' ko sa future ay siya rin unang umakyat sa pintuan. Binuksan na niya ang pinto ng eroplano at pumasok na sa loob.

Sumunod na rin kami sa kanya.

Amy: "Di ko akalain na ang gwapo ng anak mo.(*o*)"

Me: "Shut up.. Kahit ako nagulat ako na yang lalaking yan ay ang anak ko."

Mari: "The big question is....."Napatingin naman kami kay Mari. ".....Sino ang Ama?"

(O____O)

Arme: "Tama siya, sino ang napangasawa mo sa hinaharap."

Me: "Bakit sakin niyo tinatanong? Ako ba ang galing sa hinaharap?(-___-)" Utak naman..

Lire: "Ang mabuti pa pumasok na tayo."

Tumango naman kami sa sinabi ni Ate Lire. Nang makapasok kami sa private plane nina Ronan ay napanganga ako. Hindi ito yung typical na jumbo jet na maraming upuan, para lang itong maliit na condo dahil sa pagpasok mo ay sala na agad ang sasalubong sayo, white couch, flat screen tv tapos may game console pa sa ibaba ng tv. Meron ding mini Bar sa gilid. Meron tong 2nd floor na sa tingin ko ay mga kwarto namin. All in all, maganda ang buong loob ng eroplano.

Amy: "Ang ganda..(*o*)"

Ryan: "Hahaha... Actually, kay Ronan talaga to. Ayoko kasing gamitin yung akin kasi pinagamit ko sa butler ko nung nagbirthday siya."

Jin: "ibang klase talaga ang mga ashford."

Luxus: "Antique na to sa panahon namin kaya natutuwa ako at nakasakay ako dito."

Sieg: "Antique? bakit?anong taon ka ba galing?"

Luxus: "Teka lang aalalahanin ko pa. Hmmmmm... kinasal kasi si Mama at the age of 22. tapos ipinanganak niya ako sa edad na 35, tapos 19 yrs old na ako bale mga 54 years from the future."

Me: "i-ibig sabihin, 6 years from now, ikakasal ako?"

Luxus: "Opo... pero, di ko sasabihin kung sino ang ama ko dahil baka di pa ako mabuo.(-___-)"

Eehh???

Luxus: "Maupo muna tayo." Umupo na siya sa gitna habang kami ay nakaupo sa couch.

Azin: "Ano ang buong pangalan mo?"

Luxus: "Di ko pwedeng sabihin dahil malalaman agad ni Mama kung sino ang mapapangasawa niya in 6 years."

Mari: "Pano ka nakarating dito?"

Luxus: "Dahil po sa inyo."diretso niyang sagot.

Sieg: "Kay Mari? bakit?"

Luxus: "Dahil kayo ang nag utos sakin na pumunta dito, hindi lang ako makarating agad dito dahil sarado ang void sa panahon na to."

Sieg: "Bakit spell ko pa ang kelangan?"

Luxus: "Dahil spell nyo rin ang ginamit para makapunta dito."

Mari: "Ibig sabihin..."

Luxus: "Hindi dapat ako ang magsasabi nito pero Oo, mag-asawa kayo sa hinaharap. Since inaccept mo naman na yung engagement ring sa ammusement park. All I can say is congrats."

The Guardian's keysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon