Chapter 52: Danger

10.3K 233 26
                                    





3rd Person POV





Lahat sila ay naghahanda na sa laban na magaganap, ilang araw na lang kasi ay magaganap na ang digmaan sa pagitan ng mga good ability users at bad ability users.





Ang ibang estudyante naman ay pinalikas at dinala sa isang ligtas na lugar. Si arme naman ay hindi na pinasama dahil sa ito'y nagdadalang-tao kaya't gumawa na lang siya ng healing candies para sa mga nasusugatan sa digmaan.





Lire: "Ronan... Naaayon na lahat sa mga plano mo ang mga nangyayari, totoong nagmamasid na ang mga scouting team ni Darius. Sigurado ka ba sa gagawin natin?"






Ronan: "Eto lang ang paraan para mapalapit tayo sa natitirang dalawang elemental keys." Sinusuot nila ang mga damit ng mga tinambangan na sundalo ni Darius.






Ang plano nila ay makapasok sa fotress kung saan tinatago ni Darius ang natitirang mga susi. Kunin iyon at pagsamahin para mapalabas nila ang Dark Violet Key, kung saan naman nakatago ang White Light key at palayain ang Light element ability user.






Dio: "May plan B ba tayo once na mahuli nila tayo?" Tanong niya kay Ronan.





Ronan: "Alam na ni Lass ang gagawin once na mahuli nila tayo. Pero sigurado ako na matagal pa bago malaman na kaaway ang papasok sa kanilang base. Amy." Napalingon naman si Amy na tinutulungang mag-ayos ng damit si Ley.





Amy: "Bakit?"






Ronan: "Hanggang ilang oras lang tumatagal ang spell na yun?"







Amy: "Tatlong oras, nag iiba yun once na tanggalin niyo ang mga helmet niyo." Tumango lang siya at inayos ang kanyang kasuotan.





Ronan: "Salamat sa paalala. Lass. Once na mahuli kami, alam mo na ang gagawin." Tumango lang ito bilang sagot. Naglakad na sila palabas ng paaralan pero bago pa sila makalabas ay nilapitan sila ng headmaster.






Lime: "Mag-iingat kayo. Hindi madaling makapasok sa base ng kalaban kaya hangga't maaari at siguraduhin niyo na makukuha niyo ang mga susi." Tumango si Ronan bilang sagot. Pagkatpos nun ay lumabas na sila at nagtungo na sa lugar kung nasaan ang base ni Darius.






---------






Ilang sandali pa ay nakarating na sila sa base ng kalaban. Hindi mo aakalain isang kampo lang ito dahil sa sobrang laki nito, parang pumasok ka sa kamatayan mo once na mahuli ka ng mga gwardya.






Ryan: "Napakalaki ng lugar na to." inilibot niya ang kanyang paningin.






Sieg: "Parang gumawa tayo ng sarili nating hukay once na makilala nila tayo." Dagdag pa ni Sieg.






Ronan: "Tama na yan, gawin niyo na ang dapat niyong gawin. Hanapin kung naririto nga nila tinatago ang mga susi." Nagsitanguan naman sila at naghiwa-hiwalay upang mapadaling mahanap ang dalawang susi.






Habang naghahanap sila ay palihim na pumasok si Lass at isa pa niyang kaguild member para i-set ang mga rune bomb. Isa itong uri ng bomba na ginawa ni Sieg na kayang higupin lahat ng mga kalaban at dalhin sa kawalan.







Nakarating si Ronan kung saan nagpupulong ang mga heneral kasama ang ang isang lalaki na naka-half masked.






"Kumpleto na ba ang preperasyon para sa pagsugod natin?" Sabi ng nakamaskara.





The Guardian's keysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon