Chapter 7: School Guild

19.7K 330 28
                                    

Amy's POV

Ayoko talaga sa guild nila, masyado silang mahangin, tinalo na sila ni 'Ice Queen'(Mari) kaso hindi ata nila matanggap kaya lagi na lang silang umaatake sa amin.

Mari: "Ano nanaman ang gusto mo?" she use her famous cold voice.

Ley: "Wala naman gusto ko lang makita ang kapatid ni Sieg. Ang aking magiging future Sister-in-law." Abat! gusto ba niyang pilitin si Elesis na sumali sa kanila para mapalapit lang kay Sieg. Desperada na talaga, hindi man lang marunong na maging conservative.

Elesis: "Gusto mo kong sumali para mapalapit ka sa kapatid ko? Kahit kelan hindi ko siya ipapaubaya sayo kasi hindi naman kita gusto. Ok sana kung si Ate Lire pa." binatukan siya ni Lire. yan kasi (-____-)

Lire: "Puro ka biro magseryoso ka kaya."

Elesis: "Fine." after ng sinabi niya, biglang nag iba ang aura niya. Masnakakatakot kesa nung nakipaglaban siya.

Ley: "So. umpisahan na natin ang laban. Kapag natalo kayo, samin papupunta ang kapatid ni Miyura."

Mari: "At pag nanalo kami, titigilan niyo na si Elesis at tatanggapin niyo ang pagkatalo niyo."

Ley: "yeah whatever, ako ang lalaban para tapos na."

Mari: "Sige ak----" napatigil si Mari ng harangan siya ni Elesis.

Elesis: "Sa akin ang palakang to." Napatingin naman kami sa kanya, seryoso na ang mukha niya at wala kang makikitang awa sa makakalaban niya.

Mari: "Seryoso ka ba dyan?"

Elesis: "Kaya ko siya, dont worry about me." pagkasabi niya nun ay humarap na siya kay Ley.

Ley: "ikaw ang lalaban sakin? Hindi mo ba alam na ako ang leader nila?"

Elesis: "So?"

Mukhang hindi nakapagpigil si Ley at nilabas ang spirit niya at umatake sa direksyon ni Elesis.

Elesis: "Unsealed." Teka yun din ang sinabi niya bago siya tamaan ng kunai sa dibdib.

Bigla na lang nag iba ang aura niya at yung apoy niya kanina na kulay pula, naging ibat ibang kulay na.

Ley: "Big blast!" nagcast na ng spell at lumabas ang mga maliliit na dark petals na kapag dumikit ang isa sa mga ito ay sasabog na parang bomba.

Elesis: "Fatal attraction." nagcast na rin siya ng spell pero naglalakad ito papunta sa mga petals na pasugod sa kanya, Nababaliw na ba siya?

Me: "ELESIS!!" tinignan niya lang ako at ngumiti.

Dumikit na sa kanya yung petals at sumabog iyon. nabalot ng makapal na usok si Elesis kaya wala kaming makita.

Ley: "Ano ba yan, isang atake pa lang bagsak n----" hindi na niya natapos ang sasabhin niya ng biglang umapoy ang harapan niya. " Paaanong?"

Elesis: "Copycat!" ng mawala ang usok ay magulat ako sa nakita ko, gamit niya ang spirit ni Ley pero kulay pula ito. Ang spirit kasi ni Ley ay glove na may orb sa gitna.

Ley: "H-hindi maaari. Summoned: Sky wolves!" lumabas ang magic circle sa harap niya at lumabas ang dalawang malalaking lobo.

Elesis: "Summoned: Sky wolves" Naglabas din siya ng Dalawang malalaking lobo. Hindi ko alam na kaya niyang gayahin ang mga spirit ng makakalaban niya.

Ley: "Humanda ka sakin!" sumugod ang dalawang lobo sa direksyon ni Elesis pero sinalubong din sila ng mga lobo ni Elesis.

Elesis: "Naalala mo yung spell ko bago sumabog ang mga petals?"

The Guardian's keysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon