Chapter 55: Fire element user

9.2K 225 17
                                    




3rd Person POV





Halos hindi sila makapaniwala na ang makakalaban nila ay ang dati nilang kasamahan. Pulang mahabang buhok, pulang mga mata. Parehong-pareho sila ng aura ni Elesis. Mas lalo silang naguluhan dahil sa alam nilang sinunog nila ang katawan ni Elesis kaya imposibleng binuhay itong muli.






Sa isip ni Ronan: "Hinde... imposible... Magagawa lang ang bagay na yun kapag...." Tumayo siya at tinignan ang mga mata ni Elesis. Walang buhay ito at halos wala kang makitang pupil sa mga mata nito.







Ronan: "Walang hiya ka..." Tumawa naman si Darius.





Darius: "Bakit? Hindi mo ba nagustuhan ang regalo ko?" Nakangisi nitong sabi.






Sieg: "ANONG GINAWA MO SA KAPATID KO!" Nakayukom ang kanyang kamao at handa ng sumugod kahit na anong oras. Tumayo naman siya at naglakad patungo sa likod ni Elesis na tinatawag niyang Elisa.






Darius: "Ginamit ko lang naman ang pinagbabawal na mahika na tinatawag nilang necronomicon. Nakasaad doon na maaari kong buhayin ang mga taong namatay na, kahit na wala ang kanyang katawan. As long as na may hawak akong isang bagay na maaari kong gamitin para buhayin siya, at yun ay ang Fire red key. Ano sa tingin mo? Ronan..." Hinawakan niya ang balikat ni Elesis at inilapit ang kanyang mukha niya dito pagkatapos ay dinilaan niya ang pisngi nito. Mas lalong nagalit si Ronan at si Sieg dahil sa nakita.






Sieg: "Katapusan mo na..." Sumugod ito patungo kay Darius pero sinipa lang siya ni Elesis.






Darius: "Hahaha... Yun ay kung makakalagpas kayo ng buhay sa kanya. ELISA, libangin mo muna ang ating mga bisita." Tumango lang ito at lumingon sa kanila.






Sumugod si Elesis sa kanila. Hinanda naman nila ang kanilang sarili sa pagsugod nito. Hinugot nito ang kanyang espada tska pinaulanan ng atake sina Lire at Ryan.





Ryan: "Dang it.. Ang bilis niya!" Puro salag lamang ang ginagawa niya dahil ang nakikita niya lang ay ang mukha ng kanilang kaibigan.





Lire: "Binding Arrow!" Tumira siya ng isang arrow, tumama sa lupa kung saan nakatayo si Elesis. Nagkaroon ng magical net na humawak sa mga paa nito para hindi ito makakilos.





Ryan: "Twisted Advance!" Napalibutan naman ng ugat si Elesis dahilan para tuluyan siyang hindi makagalaw.





Lire: "Ayos, pagkakataon ko na." Tumakbo siya patungo kay Elesis. Balak niya kasing ibalik ang alaala nito para makawala sa pagkokontrol sa kanya ni Darius. Nang mahawakan niya ang ulo nito ay nagulat siya sa kanyang natuklasan.






Sa isip ni Lire: "H-hindi." Sakto namang nagpakawala ng apoy si Elesis kaya tumilapon siya dahil sa lakas ng pwesang pinakawalan niya. Dahilan para mawalan ito ng malay.





Ryan: "Lire!" Agad na tumakbo ito patungo kay Lire. Nakahinga ito ng maluwag ng makitang nawalan lang ng malay ito.





Ryan: "Mabuti naman at ok ka lang." Nakahinga na ito ng maluwag. Tumayo na si Sieg at sinugod ang kanyang kapatid. Nagkasalubong ang spirit ni Sieg at ang espada ni Elesis.






Sieg: "GUMISING KA ELESIS!! GISING!" Sigaw nito sa kanya pero hindi ito nagsasalita. Parang manika lang siya na kinokontrol ng isang tao.





Darius: "Hahaha... Wag kang mag alangan Elisa, durugin mo sila." Agad na sinipa ni Elesis si Sieg. Dahilan para mapaghiwalay sila. Nagpalabas siya ng apoy at ibinato sa direksyon ni Sieg.





The Guardian's keysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon