Chapter 45: An Elementalist called Rebirth

12.4K 238 21
                                    

3rd person POV





Hindi sila makapagsalita sa nakita. Sino nga naman ang hindi magugulat kung paggising mo ay parang napadaan ang digmaan sa lugar.





Elesis: "A-anong nangyari dito?"





May mga batong naka-angat, mga burn marks sa lupa, mga sirang puno at kung anu-ano pa. At ang sanhi nito ay ang dalawang taong nasa harapan nila.




Ronan: "Ruby.... CC.." Tawag niya sa dalawa. Agad naman silang napatingin sa kanila.





Ronan: "Anong nangyari dito?" Naghehesitate pang sumagot si Ruby kaya si CC ang sumagot.





CC: "Nagtetraining lang kami. Inaya kasi ako ni Ruby kaya pinagbigyan ko siya."





Elesis: "Nagtetraining? Ibang klase naman ng training yang ginagawa niyo, gusto niyo bang tapusin ang isa't - isa?" Mukha kasi silang nag-away dahil sa dami ng sugat sa kanilang katawan. Ang mas nakakagulat ay mukhang napuruhan si CC ng sobra dahil sa itsura nito. Kinalabit ni Ruby si Elesis.





Ruby: "Onee-chan.. Galit ka ba?"





Elesis: "Hindi naman galit si Ate eh.."





Ronan: "Ang amin lang sana nagsabi kayo samin para di niyo masira ang lugar." Nagsiyukuan naman silang dalawa.





CC/Ruby: "Gomenasai.."(I'm sorry.) Lumuhod si Elesis at pinunasan ang mukha ni Ruby.





Elesis: "Sa susunod magsabi ka kay Ma--Este Ate ah. Maliwanag ba?" Tumango naman si Ruby bilang sagot."CC, sumunod kayo sakin. Kelangan niyo ng maligo. Ang dungis niyo.(^__^)" Medyo namula ang mukha nila dahil sa hiya. Sumunod naman sila kay Elesis. Naiwan naman si Ronan sa labas para tignan kung gaano kalaki ang sira ang nagawa nilang dalawa.





Ronan: "Mukhang kakailanganin ko ang tulong ng kapatid ko dito.(-___-)"  Sakto namang lumabas ng tent sina Mari, Ryan, Lire at Sieg. Pati sila ay nagulat sa naging itsura ng paligid.




Ryan: "Bro.. Nag-away ba kayo ni Elesis?"




Ronan: "Hinde baliw.(-___-)"




Sieg: "Sino naman ang may gawa niyan?" Napabugtong hininga si Ronan bago sumagot.




Ronan: "Sila Ruby."Hindi naman makapaniwala si Mari sa narinig.




Mari: "Si Ruby? Di ba bata pa siya para makipaglaban? Sino ang kalaban niya dito at bakit ganito ang nangyari sa paligid?"




Ronan: "Nagtetraining daw silang dalawa ni CC. Base sa itsura ng lugar at sa itsura ni CC kanina, walang duda na mas malakas pa sa kanya si Ruby."




Sa isip ni Ryan: "Mukhang mas malakas pa siya kesa samin."




Ryan: "Asan na sila ngayon?" Tanong niya sa kapatid.




Ronan: "Ang alam ko, maliligo silang tatlo. Madungis kasi Ruby kay------" Hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil may narinig silang sigaw...





"KYYYYAAAAAAAAAA~~~~~~" Nanggagaling ang sigaw kung saan nagtungo sila Elesis. Agad na tumakbo si Ronan kung nasaan sila. Sumunod na rin ang iba.




Nang makarating si Ronan sa lugar...





Ronan: "ANONG NANG-----" Hindi na natapos ang sasabihin niya ng batuhin siya ni Elesis ng sabon. Direkta siyang tinamaan sa mukha, dahilan para mawalan siya ng balanse at bumaksak.




The Guardian's keysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon