Chapter 36: Aishiteru

12.4K 231 7
                                    



Amy's POV



Bakit ba napakamalas ko ngayon?



Una, Nakita ko nanaman ang katawan ni Jin. (na nakatopless at wet look pa.)




pangalawa, Nagkadikit kami dahil gusto niyang takpan ang katawan ko para di ako mabosohan ng mga baliw pero naramdaman ko yung.... BASTA YUN!?!!




Pangatlo, Nakulong ako sa isang maliit na bahay na gawa sa yelo at inilock ang pinto gamit ang spell kasama ng kanina ko pang iniiwasan na si Jin.





Jin: "Mahihirapan tayong makalabas dito. Gumamit sila ng time spell para mailock ang pinto."




Amy: "Wala na tayong magagawa. Ang mabuti pa, umupo ka na lang dito at maghintay hanggang sa matapos ang gabi."




Umupo na lang siya sa tabi ko. Hindi kami nagpapansinan, pareho kaming nakatitig sa apoy na nasa harapan namin.




Nakakaramdam tuloy ako ng awkwardness kapag kasama ko siya. Hindi pwede to, dapat isa samin magsalita. Bahala na nga!?!




Me/Jin: "Kumain ka na ba?"




Eeh....




Me: "A-ah... hindi pa eh.. Ikaw?"




Jin: "H-hindi rin eh. G-gusto mong magluto ako?" Marunong siya?




Me: "Teka? Marunong ka?" Tumango lang siya at kinuha ang mga pagkain sa gilid. Talagang pinaghandaan nila to para makasama kami sa loob nito. Humanda kayo sakin paglabas ko dito.



Pinanood ko lang siya kung paano siya magluto. Hindi naman siguro niya mapapansin yun. Kung tutuusin, para na siyang perfect husband. Magaling magluto, maalaga, sweet, protective at sobrang mapagmahal. Kahit sinong babae, mahuhulog sa isang tulad niya.




Jin: "May dumi ba ko sa mukha?"




(O///O)




Me: "W-wala naman... napapaisip lang ako." What the...




Jin: "Ano naman yun?" Wala ng atrassan to.




Me: "May..... may naging girlfriend ka na ba?" Napatingin siya sakin. Matagal pa bago niya sagutin ang tanong ko.




Jin: "Wala pa..."




Me: "Bakit naman? Sa gwapo mong yan?" Tumawa lang siya.



Jin: "Ewan ko, Hindi ko naman sila type eh."




Me: "Ano nga ba ang tipo mong babae?" curious lang.




Jin: "Hmmmmm..... Katulad mo.(^__^)" Napatigil ako sa pagkuha ko ng inumin. Nakakagulat naman kasi eh.(>///<)




Me: "B-bakit k-katulad ko?" Tumingala muna siya bago sumagot.




Jin: "May kakaiba kasi sayo na wala ang ibang babae.."Tumingin siya sa mga mata ko at inilapit ang mukha niya sa mukha ko.".... At yun ay ang pagkagat mo ng labi mo habang tinititigan ako.(^__^)" (O///O) A-ano?




Me: "H-hindi kaya ganun ang ginagawa ko no.( -///-)" Napakagat na lang ako ng labi.




Jin: "Di daw niya ginagawa, eh ano yan? Hahaha..."Turo niya sa labi ko. Feeling ko sobrang pula na ng mga pisngi ko.




The Guardian's keysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon