Chapter 46.1: White haired Mercenary

12K 240 15
                                    

Lire's POV



"R-Rina." Sabi niya samin. Tinulungan ko siyang tumayo, Kahit nanghihina pa siya ay pinilit pa din nitong makatayo.




Me: "Pano ka napunta sa loob ng templo?" Tanong ko sa kanya?




Rina: "I'm a Mercenary. Nandito kami para kunin ang isang artifact ngunit inatake kami ng protector ng artifact na yun." Hindi kaya ang susi rin ang habol nila?



Me: "Anong artifact ba ang hinahanap niyo dito? At bakit ikaw lang?" Umupo muna siya sa gilid bago sumagot.




Rina: "Hindi lang ako ang nandito. May tatlo pa akong kasama ngunit hindi ko alam ang nangyari sa kanila." Teka, tatlong tao? Hindi kaya sila yung mga nasa kabilang kwarto. Tinignan ko si Cleanse, kinausap ko siya gamit ng isip ko.





Me: 'May napansin ka bang kakaiba sa kanya Cleanse?' umiling lang siya bilang sagot.





Rina: "Ang artifact na hinahanap namin ay isang Gemstone. Ang Stone of the inner wind." Akala ko yung wind key ang habol nila.





Lire: "Stone of the inner wind? Ano bang nagagawa ng stone na yun?" Tanong ko sa kanya.





Rina: "Hinahanap niyo rin ba ang gemstone na yun?" tanong niya pabalik samin.





Me: "Ang hinahanap namin dito ay ang wind key, hindi ang gemstone na sinasabi mo.(-___-)"




Rina: "Wind key? Eto ba ang itsura nun?" May kinuha siyang papel mula sa pagitan ng dibdib niya. Seryoso, may bulsa naman siya pero bakit sa pagitang ng dibdib niya nilagay yun.(-___-) Nang tignan ko ang larawan, kapareho ito ng susi na nabasa ko sa libro. Paano niya nakuha ang larawang ito?





Me: "Yan din ba ang habol mo?"





Rina: "Hindi, Di ko alam pero may nagsasabi sa kalooban ko na.......... Hanapin ko ang susi na iyon dahil doon ko raw makikita ang taong matagal ko ng hindi nakakasama." Tska siya yumuko.





Rina: "Ang gusto kasi ng kliente namin na makuha ang gemstone na gusto niya pero ng malaman ko na nandito rin ang susi ay nagboluntaryo ako na sumama sa ekspedisyon na to." Tinignan ko ang alaala niya, nagsasabi naman siya ng totoo at ang nakakagulat pa, kilala ko ang batang lalaki sa alaala niya. Hindi ako pwedeng magkamali, Siya yun.




Me: "Rina... Ano ang buong pangalan mo?" Tanong ko sa kanya.





Rina: "Huh?Bakit mo naman naitanong?"






Me: "Basta sabihin mo na lang, may gusto lang akong kumpirmahin."





Rina: "Rinalyn... Rinalyn Crownguard. Pero mas gusto ko na tinatawag na Rina. Bakit ba kasi?" Haay... Sabi na nga ba eh.






Me: "W-wala naman.. Akala ko ikaw yung dati kong kilala.. Since iisa lang naman ang hinahanap natin, pwede ka muna sumama sa amin."





Rina: "Wala naman akong problema dun." At naglakad na kami patungo sa pasilyo ng templo. Habang naglalakad kami, nagkukuwento lamang siya about sa mga nakuha niyang mga artifact. Ang kasama nila ay isang archeologist mula sa Mino Region, ito rin ang nagbayad sa kanila para hanapin ang gemstone na iyon pero nsgkahiwa-hiwalay sila dahil sa mga protector ng stone. Hindi naman siya makakapagsinungaling sakin dahil nababasa ko ang isipan niya, kahit ang mga alaala niya ay alam ko rin kaya wala siyang malilihim sakin.





The Guardian's keysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon