Chapter 11:

160 2 0
                                    

Nang makapasok na si Vincent sa kanyang maliit na tirahan ay agad siyang nahiga sa kanyang langitngiting papag. Sa kanyang paghiga ay binalak niyang ituloy ang naudlot niyang pagtulog kanina. Ipinikit niya ang mga mata upang makatulog, pero sa pagpikit niya ng kanyang mga mata ay bigla na lamang nanumbalik sa isipan niya ang tila isang alaala mula sa kahapon. Ito ay nung mga panahong siya ay pinatakas ng Tiyo Nitoy niya mula sa pagkukulong sa kanya ng Lolo Apeng niya sa kamalig na siyang pinaglalagyan ng mga inani nitong palay.

"Alam mo, Cent, labis akong naaawa sa iyo kapag nakikita ko kung paano ka pinagmamalupitan at minamaltrato ng aking mga magulang at mga kapatid. Pero hindi ko rin sila masisisi kung bakit nila nagagawa ang ganung kalupitan sa iyo. Ikaw ang naging dahilan ng pagkasira ng buhay ng paborito nilang anak at kapatid. Ikaw ang naging dahilan ng kanyang...PAGKAMATAY...!", ang bigla ay tila pagpapahayag ni Nitoy ng kanyang pagkaawa sa pamangkin.

"Bakit, Tiyo Nitoy? Ano ba talaga ang nangyari sa aking ina?", ang tila puno ng kuryusidad na tanong ni Vincent sa kanyang Tiyo Nitoy.

At bigla ay ikinuwento ni Nitoy sa pamangkin ang tila isang napakalungkot at napakasaklap na kuwento...

Si Lea Villanueva ay isang tipikal na dalagang Pilipina noong 1970s. Maganda, mayumi at tila punung-puno ng mga magagandang pangarap sa buhay. Panganay siya sa limang magkakapatid at ang tila tanging pag-asa ng kanyang pamilya upang makaangat sa kahirapan at karukhaan. Matalinong babae si Lea. Siya ay laging nangunguna sa klase mula pa nung siya ay elementarya. Nang magtapos siya sa hayskul ay siya ang class valedictorian ng batch nila. Pero dahil sa kahirapan ay tila hindi niya alam kung makakapagpatuloy pa siya ng pag-aaral sa kolehiyo. Isa lamang kasing magsasaka ang kanyang amang si Mang Apeng at ang kanya namang inang si Aling Nelia ay tagalako lang ng puto at kutsinta sa kanilang lugar. Bagamat tila imposible ay ginawa niya ang lahat ng magagawa niya upang makapagpatuloy at makatapos ng pag-aaral. At sa pagpipilit ay pinalad siyang makakuha ng trabaho sa Maynila sa pamamagitan ng isang pinsang nakabase doon.

Mula sa lugar nila sa San Ildefonso, Bulacan ay nagtungo si Lea sa Kamaynilaan. Sa isang malaking pabrika na pag-aari ng pamilyang Chekwa sa may Pineda, Pasig siya nakapasok ng trabaho. Siya ay factory worker doon na kadalasang trabaho ay taga-pack at tagasalansan ng mga produktong kendi at sitsirya ng naturang pabrika. Ang kagandahan pa ay stay-in siya sa naturang pabrika kaya siya ay makaka-menus na sa magastos na pagtira sa Kamaynilaan. Nung una ay naging maayos naman ang takbo ng buhay ni Lea sa Maynila. Sa umaga ay nagtatrabaho siya sa pabrika at sa gabi ay nag-aaral sa Jose Rizal University sa kursong Medisina. Nakakaya naman niya ang hirap ng magkasabay na pag-aaral at pagtatrabaho. Sa katunayan ay nakakapagpadala pa siya ng ilang perang naitabi niya sa kanyang mga magulang. Pero tila nagbago ang takbo ng buhay niyang nang bigla na lamang dumating sa pabrika ang isang lalaking nagngangalang Victor.

Anak ng may-ari ng pabrika si Victor at katatapos lamang ng pag-aaral sa De La Salle University sa kursong Business Management. Kilala si Victor sa reputasyon ng pagiging isang playboy at matinik sa mga tsiks. Palibhasa ay guwapo at malakas ang karisma sa babae at hindi na kailangang banggitin pa...MAYAMAN! Sa unang sandali na makita ni Lea si Victor ay labis siyang naakit at nabighani sa taglay nitong kaguwapuhan at karisma. Labis pa nga siyang kinilig nang siya ay simulang ligawan nito at ayaing lumabas-labas. Isang ligawan at paglabas-labas na nauwi sa isang lihim na pag-iibigian. Lihim sapagkat si Victor ay isang puro at tradisyunal na Chekwa na kailanman ay hindi maaring mag-asawa o makipagrelasyon man lang sa hindi nila kalahi. Bagamat ganun ang setup nila ay pumayag si Lea. Ito ay dahil sa katotohanang sa maikling panahon ay minahal na niya ng labis si Victor. May ilang buwan ding nagpatuloy ang lihim nilang relasyon. Pero tila naging kumplikado ang lahat nang si Lea ay magdalantao...!

Dahil lihim ang kanilang relasyon at tila bawal sa mga mata ng pamilya ni Victor, ninais ni Victor na ilaglag ang dinadala niya. Kung anu-anong gamot na pampalaglag ang ipinainom sa kanya nito. Pero tila masyadong malakas ang kapit ng dinadala niya na kahit na ano pa at kahit na gaano pang kalakas na gamot ang inumin niya ay hindi parin ito malaglag-laglag. Lalo pang naging kumplikado ang sitwasyon nang sumapit na sa ikapitong buwang pagbubuntis si Lea. Sa panahong ito ay halos hindi na niya maitago ang kanyang kundisyon. Halos hindi na nga siya lumalabas at panandalian din siyang natigil sa pag-aaral dahil sa kundisyon niya. Sa puntong ito ay isa lang ang naiisip na solusyon ni Victor sa problema nila. Ito ay ang ipa-abort ang ipinagbubuntis ni Lea. Nung una ay hindi sang-ayon si Lea sa gustong mangyari ni Victor. Sa pakiwari niya ay tila malaking kasalanan na kapag ang ipapalaglag nila ay may buhay na at ganap nang tao. Pero nang ipaalala sa kanya ni Victor ang maganda pa sanang kinabukasang naghihintay sa kanya kung mawawala ang kanyang ipinagbubuntis ay napapayag na rin siya. Batid niya kasi na siya lamang ang tanging pag-asa ng pamilya niya upang makaahon sa kahirapan.

Half-Cooked (Ang Mga Pilipinong Hilaw)Where stories live. Discover now