Chapter 60:

80 0 0
                                    

Ang una daw ang pinakamatamis sa lahat. Sa unang beses na malasap mo ang tamis ng romansa sa pagitan niyo ng pinakamamahal mong tao. Magsisimula ang lahat sa palitan ng laway. Mga halik at haplos na maglalakbay sa buong katawan hanggang sa dumapo sa pinakatumbok ng ligaya. Magtatagal doon ang mga halik at haplos hanggang maabot ang rurok ng kasarapan. Matapos ang tinatawag na foreplay ay tutungo na sa main event ang lahat. Masakit sa una. Masikip sa una. Sa katagalan ay unti-unting giginhawa ang nasasaktan at nahihirapang pakiramdam. Sa kalaunan ay unti-unting magluluwag ang kasikipang entrahan. Mula sa ingit ng sakit ay magsisimulang marinig ang ungol ng kasarapan. Ang mga anasan mula sa dalawang taong nagsasalo ng kaligayahan at kasarapan. Mga katawang nagtatampisaw sa pinakaunang pagtawag ng kamunduhan at kalibugan. Mga kaluluwang magkasabay na gumagalaw at sumasayaw sa himig ng tunay at wagas na pag-ibig. Matatapos ang lahat sa ikapitong glorya. Sa ganap na kalunduan ng ligayang tinatamasa. At anong saya at sarap ng una nilang karanasan. Tila ba isang alaalang gusto nilang itago sa baul ng walang hanggang panahon. Kapwa sila magyayakap at ngingiti sa isa’t isa. Sasabihin ng mga isipan nila na ito ang una at hindi nila malilimutang sandali na sila ay naging isa at nagsalo sa romansang walang kasing init at kasing tamis.

“Masaya ka ba, Cristina?”, ang natanong ni Vincent habang kayakap ang kapwa niya pawisang si Cristina habang sila ay patuloy na nakahiga sa truck.

“Masayang-masaya, Vincent!”, ang masayang-masaya namang tugon ni Cristina sa tanong ni Vincent.

“Mula dito ay wala nang lingunan pa pabalik! Tayo ay nakaugnay na sa isa’t isa. Magiging masaya ka ba at kuntento sa buhay na maari kong ibigay sa iyo? Isang buhay na maaring mahirap at walang kasiguraduhan…”, si Vincent na tila biglang nag-alinlangan matapos maisip ang magiging buhay nila ni Cristina ngayong ito ay itinakas na niya sa mansiyong kinabibilangan nito.

“Nung mahalin kita ay naging handa na rin ako sa buhay na maari kong kaharapin sa piling mo. Alam kong maaring maging mahirap ang buhay na kakaharapin natin mula dito. Pero kung haharapin natin ito ng magkasama ay alam kong magagawa nating makaya at malagpasan ang lahat. Ito ay dahil mahal natin ang isa’t isa. Hindi ba, Vincent?”, ang tila pagpapalakas naman ng loob ni Cristina kay Vincent.

Naluluha sa galak ay hinaplos-haplos ni Vincent ang kay gandang mukha ni Cristina.

“Oo, Cristina! Dahil sa pagmamahalan natin ay magagawa nating malagpasan ang lahat! Ang lahat-lahat…”, si Vincent na tila muling lumakas ang loob dahil sa pagmamahalan nila ni Cristina.

At minsan pa ay naghalikan ang magsing-irog habang sa mga puso nila ay baon-baon ang pag-asang magiging maayos din ang lahat. Sa kabila ng kahirapan. Sa kabila ng walang kasiguraduhang buhay. Sa kabila ng mundong kay lupit…

Sa nasa unahan naman ng truck na sinasakyan nina Vincent at Cristina ay makikita ang van kung saan naroroon naman sina Ryan, Quincy, Genelyn at Mary. Habang nakasakay sa naturang van ay nagtatawanan pa sila habang pinagkukuwentuhan ang nangyari kaninang itakas nila si Cristina sa mansiyon.

“Kung nakita niyo lang kanina! Para kaming mga action star na nakikipalaban sa mga kontrabida sa pelikula! Ito ngang si Ryan ay pinagbagsak ng ganun-ganun lang ang dalawang  nakalaban niya. Ako naman sa isang suntok lang ay bagsak sa akin ang mayabang at maangas kong kalaban!”, ang tila pagyayabang na pagkukuwento ni Quincy sa mga kasama.

“Ang galing-galing talaga ng babe ko!”, si Mary na tila manghang-mangha at napapayakap pa sa nobyong si Quincy.

Si Genelyn naman ay napayakap din sa nobyong si Ryan.

“Bukod pala sa pogi ay magaling ka pang makipaglaban, baby! Puwede ka siguro sa mga action films! Hayaan mo! Kapag nabigyan ako ng pelikulang action ay ikaw agad ang isa-suggest ko na magiging leading man ko!”, si Genelyn na tila labis din ang paghanga at pagkabilib kay Ryan.

Si Ryan naman ay ngingiti-ngiti lang hinahaplos-haplos ang kulot at kulay pulang buhok ng nakayakap sa kanyang si Genelyn habang tila may kung anong naiisip.

“Mabuti pa si Vincent! Nakamtan na niya ang kaligayahan sa kanyang buhay! Ako kaya? Kailan ko kaya makakamtan ang pinakakaasam-asam kong kaligayahan?”, ang natatanong naman ni Ryan sa isip.

Maya-maya pa ay may kung anong naisip si Quincy.

“Sa tingin ko ay boring kung sasama pa tayo sa pagtatanan ng dalawa. Ang mabuti pa ay magpunta na lang tayo sa bar at magsaya! I-celebrate natin ang matagumpay na pagtatanan nina Vincent at Cristina! Ayos ba sa inyo ‘yun?”, ang tila pagbibigay ng suhestiyon ni Quincy sa mga kasama.

“Ayos!”, ayon ng lahat sa suhestiyon ni Quincy.

At makikita na lamang ang paglihis ng van mula sa nasa likod nitong truck.

Half-Cooked (Ang Mga Pilipinong Hilaw)Where stories live. Discover now