Chapter 31:

111 1 0
                                    

Malamig na ang simoy ng hangin ng hapon, tanda na palapit na ang dapithapon. Sa panahong ito ay makikita si Cristina na nasa isa sa mga klasrum ng pinapasukan niyang eskuwelahan at tila ba nagmumukmok. Laman ng isipan niyang nagmumukmok ang ginawang pagsisinungaling sa kanya ni Vincent ng tungkol sa tunay nitong pagkatao at estado sa buhay. Para bang labis siyang nalulungkot sa ginawa sa kanyang pagsisinungaling ng lalaking tila minamahal na niya. Pero ang talagang labis niyang ikinalulungkot ay ang tanawin kung saan ay unti-unting naglalakad palayo sa kanya si Vincent. Sa kalooban niya ay nadarama niya ang isang napakatinding sakit sa isiping tila posibleng hindi na niya makita pang muli si Vincent pagkatapos ng ginawa nitong paglayo sa kanya.

“May pag-asa pa kayang tayo’y magkitang muli? At kung meron man… Magiging okay pa ba tayo sa ating muling pagkikita? Bakit ba kailangang sa tila hindi magandang bagay matapos ang lahat sa atin, Vincent? Matapos ang tila mala-panaginip nating unang pagtatagpo? Hanggang pangarap na nga lang ba ang lahat sa atin, Vincent? Hanggang pangarap na nga lang ba…”, ang nalulungkot na nasasabi ni Cristina habang patuloy na nagmumukmok sa isa sa mga silid ng eskuwelahang pinapasukan niya.

Sa may labas naman Assumption College San Lorenzo ng hapong ito ay makikita ang pagdating dito ni Vincent habang tulak-tulak ang kariton na nagmistulang tila isang maliit na karitela. Huminto si Vincent sa tapat ng gate ng naturang eskuwelahan kung saan ay makakatabi niya ang mga nagagandahang oto na pag-aari ng mga estudyante dito at maging ng mga manliligaw ng mga estudyante sa naturang eskuwelahan. Pagtapat niya sa may gate ay pinindot niya ang dalawang potpot na nakakabit sa magkabilang dulo ng ng tulukan ng maliit na karitelang tulak-tulak niya. Bagamat lumang modelo na ang mga potpot na ito ay talagang napakaingay ng tunog ng mga ito na tila ba mas maingay pa sa busina ng alinmang mga oto sa paligid. Dahil dito ay tila nabulabog ang lahat ng nasa paligid at maging ang lahat ng mga nasa eskuwelahan. Nagsilipan pa nga ang mga nasa  eskuwelahan upang usisain kung ano ang nangyayaring ingay. Habang ang mga tsuper at may-ari ng mga oto sa paligid na katabi ng maliit na karitelang tulak-tulak ni Vincent kundi naiinis ay natatawa dahil sa nakikitang ginagawa ni Vincent. Ipinagpapalagay pa nga ng mga iba na si Vincent ay isang baliw na napadpad sa labasan ng Assumption College San Lorenzo. Ang suot niya kasi ay puting T-shirt lamang at butas-butas na maong pants na para bang siya ay isang jologs na nagmula sa tambakan sa Payatas. Maging ang mga estudyante sa naturang eskuwelahan ay nagtawanan lahat nang makita ang ginagawa ni Vincent.

“Ayos ang trip ng isang iyon ha! Imbes na oto ay kariton ang dala-dala niya dito!”, ang tawang-tawang sabi ng isa sa mga sosyalerang estudyante sa naturang eskuwelahan.

“Baka aakyat ng ligaw si loverboy sa isa sa mga estudyante sa school natin. Nakakahiya naman siya! Kawawa naman ang kung sinumang nililigawan niya! Paniguradong halos matunaw na ngayon iyon sa kahihiyan! Bwahahahahahahaha!!!!!!!!!!”, ang tawang-tawa ring sabi ng isa ring sosyalerang estudyante sa Assumption.

Sa gitna naman ng tila pagtatawanan at pag-uuyuso ng halos lahat ng mga estudyante sa pinapasukang eskuwelahan ni Cristina ay tila naging curious din siya sa kung ano nga ba ang pinagkakatuwaan at inuusyoso ng mga kaeskuwela niya. Nang sumilip siya sa may koridor ng eskuwalahan kung saan maaring matanaw ang labasan ay laking gulat niya sa kanyang nakita. Kitang-kita niya kasi sa may gate ng eskuwelahan nila na naririto si Vincent at paulit-ulit na pinapabusina ang dala-dalang kariton na nagmukhang maliit na karitela.

“V-vincent…!!!”, ang gulat na gulat at hindi makapaniwalang nasambit ni Cristina matapos makita si Vincent sa ganong sitwasyon.

Parang bigla na lamang ay napangiti at naligayahan si Cristina sa nakita niyang ayos ni Vincent at nakita na lamang niya ang sarili na tumatakbo papunta sa may gate ng eskuwelahan niyang pinapasukan.

Sa may gate naman ay patuloy parin ang ginagawa ni Vincent na pagpindot sa dalawang maiingay na potpot na nakakabit sa may tulakan ng kanyang dala-dalang kariton. Nagsisimula na ngang mainis sa kanya maging ang mga guwardiya sa naturang eskuwelahan na ang iba ay sinisigawan pa siya. Nang hindi na makatiis ang mga guwardiya ay lumapit ang mga ito sa kanya.

Half-Cooked (Ang Mga Pilipinong Hilaw)Where stories live. Discover now