Chapter 30:

83 0 0
                                    

Tangali na at lunch time na sa eskuwelahang pinapasukan ni Brian. Sa panahong ito ay makikita si Brian sa may fire exit ng naturang eskuwelahan. Habang naririto ay tila ba pagkalalim ng kanyang iniisip. Mababakas sa kanyang mukha ang tila matinding kalungkutan at pagkabalisa. Para bang may kung anong bagay ang labis na nagpapagulo sa kanyang isipan.

“Si Melissa nga kaya ang nakita ko kagabi? Pero imposible! Hindi ganung klaseng babae si Melissa! Hindi! Hindi maari! Hindi maaring siya iyon! Hindi ko matatanggap!”, si Brian na tila labis na ginugulo ang isipan ng bagay na nakita niya kagabi.

Sa gitna ng tila kaguluhang ito ng isipan ni Brian ay bigla na lang may kung sinong kumalabit sa kanya. Nang lingunin niya ang kung sinong kumalabit sa kanya ay labis siyang nagulat at halos mapatanga pa nang mabatid niyang ito ay si…MELISSA!

“M-melissa…!”, gulat na nasabi ni Brian matapos mabatid na si Melissa ang kung sinong kumalabit sa kanya.

“Uy, Brian! Bakit ka nag-iisa dito? Binubuska ka na naman ba nila Gilbert?”, nakangiti ay usisa ni Melissa kay Brian.

“A-e kuwan wala lang, Melissa. Iniisip ko lang ang tungkol sa palapit nating Quarterly exams.”, si Brian sa tila pagkukubli kay Melissa ng tungkol sa tunay na gumugulo sa kanya.

“Wag mo masyado isipin ‘yun! I’m sure naman na kayang-kaya mo ‘yun e! Ikaw pa e ang talino mo!”, ang tila pagpapakalma ni Melissa sa kalooban ni Brian sabay kindat pa dito.

Parang sa kauna-unahang pagkakataon naman sa araw na ito ay napangiti si Brian matapos makita ang pagkindat sa kanya ni Melissa. Para bang sa isang kindat na iyon sa kanya ni Melissa ay napagawa nitong mapawala ang tila napakaraming mga agam-agam sa kanyang isipan.

“Halika at samahan mo ‘ko sa canteen. Di pa ‘ko nagla-lunch e.”, ang bigla ay pag-aaya ni Melissa kay Brian sabay pulupot pa sa braso nito.

Kilig na  kilig naman at pulang-pula sa pagba-blush ang mestizong mukha ay napangiti si Brian kay Melissa.

“A-ah sige, M-melissa…”, nakangiti ay pag-ayon ni Brian sa pag-aaya sa kanya ni Melissa.

Nakangiti namang hinaplos-haplos ni Melissa ang tila pulang-pula nang mukha ni Brian.

“Ang cute-cute mo talaga kapag nagba-blush ka!”, nakangiti ay nasabi ni Melissa kay Brian habang patuloy na hinahaplos-haplos ang mukha nito.

Sa punto namang ito ay halos matunaw na sa pagkakilig si Brian.

“M-melissa…”, ang nasasabi na lamang ni Brian habang nasa tila hibang na hibang na estado.

“Let’s go na!”, si Melissa na inakay na si Brian paalis sa kinalalagyan nilang fire exit.

Makikita ang pag-alis nila sa fire exit habang nakapulupot pa nga ng anong higpit si Melissa sa braso ni Brian. Nang makaalis sila sa fire exit ay biglang may lumabas ditong tila kung sinong natatakpan ng kadiliman ng fire exit ang mukha.

“Paganda na ng paganda ang nagiging takbo ng laro! Paganda ng paganda na halos nakikita ko na kung ano ang magiging ending ng lahat! Hahahahahahahaha!!!!!!!!!!”, ang tila masayang-masaya at tuwang-tuwang sabi ng kung sino na tila napapahalakhak pa sa sobrang galak.

Half-Cooked (Ang Mga Pilipinong Hilaw)Where stories live. Discover now