Chapter 42:

75 0 0
                                    

Katanghaliang tapat sa may Ortigas Center, makikita si Quincy na paikot-ikot dito sakay ng kanyang bagong-bago at magarang-magarang Porsche 918 Spyder. Habang umiikot sa paligid ng Ortigas Center ay hawak-hawak pa niya ang kanyang bagong-bago ring Iphone 5 at tila ba may kung sinong kausap.

“O nasaan ka na? Kanina pa ‘ko paikot-ikot dito ha?”, ang tila naiinis nang tanong ni Quincy sa kausap sa kabilang linya ng kanyang Iphone 5.

Sa gitna ng pakikipag-usap ni Quincy sa kanyang cellphone ay may biglang nag-call wait dito.

“O sandali lang. May tumatawag e. Hold mo lang ha.”, pasintabi ni Quincy sa kung sinong kausap sa cellphone.

Agad ay sinagot ni Quincy ang nagko-call wait at nabatid niyang ito ay ang kanyang nobyang si Mary.

“O hi, babe. May aayusin lang ako sandali sa may catering service ng Mama ko ha. Text or call kita kapag tapos na ‘ko dun. See you later.”, ang may lambing pang pagkausap ni Quincy sa nobyang si Mary.

Matapos makipag-usap sa nobya ay binalikan na niya ang kanina’y kausap sa cellphone.

“O ano saan ka na? Ha! Nasa school ka parin! Hayy! Ang akala ko pa naman ay nakalabas ka na kanina pa. Okay sige! Puntahan kita diyan. Labas ka na sa may gate ha!”, si Quincy sa tila naiiritang tinig bagamat pinipilit paring maging kalmado at malumanay ang pagsasalita.

Agad ay pinatakbo ni Quincy ang kanyang sinasakyang oto sa daan papuntang Greenhills. Bahagya pa siyang nainis dahil sa haba at tagal ng traffic. Nilibang na lamang niya ang sarili niya sa pagpapa-cute sa mga kababaihan sa isang dilaw na Hyundai Getz na kumakaway at tila nagpapapansin sa kanya habang ang mga sasakyan nila ay kapwa naiipit sa tila napakatinding traffic. Nakakaramdam pa siya ng pagkakilig matapos mabatid na hot babe ang isa sa mga babaeng nakasakay sa Hyundai Getz na kumakaway at nagpapapansin sa kanya. Makalipas ang ilang sandali ay nakaalis na rin siya sa pagkakaipit sa matinding traffic. Nagbatuhan pa nga sila ng mga papel na may nakasulat na numero ng cellphone number nila ng hot babe na babae bago tuluyang maghiwalay ang mga kotse nila. Sa kanyang pag-alis sa matinding traffic ay nagtungo na siya sa papuntang Greenhills. Binagalan niya ang pagpapatakbo sa kanyang kotse nang mabatid niyang siya ay malapit na sa De La Salle Greenhills. Nang mapatapat siya sa isa sa mga gate dito ay namataan niya agad ang isang mestizang chinita na may katangkaran. Nakangiti ito sa kanya at nakita pa niya ang mga ngipin nitong nasusuotan ng braces. Agad ay inihinto niya ang kotse niya sa tapat ng naturang babae at sinenyasan niya itong sumakay na sa kotse. Nang makasakay sa kotse ang babae ay humalik pa ito sa pisngi niya.

“Mukhang nahirapan kang makatakas sa school niyo ha.”, nakangiting puna ni Quincy sa babae.

“Hindi naman. Natagalan lang kasi talaga ako dahil sa pesteng guwardiya sa gate. Ayaw akong palabasin dahil wala daw akong sundo. Buti na lang umalis na ‘yung pangit na ‘yun at ang pumalit sa puwesto niya ay medyo kasundo namin. Kaya ngayon lang ako nakalabas sa gate. Sorry ha.”, tugon at tila paghingi ng paumanhin ng babae kay Quincy.

“Okay lang. So saan na tayo ngayon?”, kalmado at kaswal na sabi at tanong ni Quincy sa babae.

“Ikaw! Kung saan mo gusto.”, ang nasabi lang ng babae kay Quincy na may bahid ng pagpapaubaya.

“Edi dun na lang tayo sa lugar kung saan natin masosolo ang isa’t isa. Ayos ba sa iyo ‘yun?”, pagsusuhestiyon ni Quincy sa babae na ngumiti pa ng pilyong ngiti dito.

Naiinis naman ay pinagkukurot sa singit ng babae si Quincy.

“Ikaw ha! You’re so naughty!”, inis pero nakangiting sabi ng babae kay Quincy habang patuloy siya nitong pinagkukukurot sa singit.

“That’s because you’re so beautiful, darling! You have mesmerized me from the very first moment that I have saw you.”, ang tila pambobola namang sabi ni Quincy sa babae.

“Hmp! Bola! Ganyan din ba ang sinasabi mo sa kung ilang babae nang nai-date mo?”, ang babae na tila hindi naniniwala sa mga pambobola ni Quincy.

“Yeah! Marami na ‘kong na-date na babae. Maraming-marami na at hindi ko na nga mabilang! But what can I do? E sila ang lumalapit sa akin e. But believe it or not, darling! Iba ka sa kanila. You’re someone special.”, muli ay pambobola ni Quincy sa babae na may kasama pang kindat.

Parang labis namang kinilig ang babae matapos siyang kindatan at ngitian ng anong tamis ni Quincy. Tila ba sa pakiwari niya ay isang guwapong-guwapong anghel ang ngumingiti sa kanya. Mas lalo pang tumindi ang pagkakilig na nadarama niya nang bigla na lang ay ilapit ni Quincy ang mukha nito sa mukha niya at namalayan niya na lamang na siya ay hinahalikan na nito. Para pa ngang nakadama siya ng kuryente sa buong katawan niya sa ginawang paghalik sa kanya ni Quincy at bago pa niya mamalayan ay gumaganti na siya ng paghalik kay Quincy.

“So…let’s do it?”, nakangiti pero tila seryosong tanong ni Quincy sa babae.

Tanging pagtango lang ang natugon ng babae sa tanong na ito ni Quincy at makikita ang pagtakbo ng Porsche 918 Spyder ni Quincy paalis sa De La Salle Greenhills.

Half-Cooked (Ang Mga Pilipinong Hilaw)Where stories live. Discover now