Chapter 15:

108 1 0
                                    

Ganap nang sumapit ang dilim nang makarating sina Vincent, Ryan at Quincy sa isang malaking handaan na nagaganap sa isang napakalaking mansiyon sa may Corinthian Garden. Pagdating nila dito ay nagsisimula nang dumami ang tao sa naturang handaan. Medyo inis pa nga silang sinalubong ni Aling Mel na punung-kusinera sa catering ng nanay ni Quincy.

"O bakit ngayon lang kayo?! Kaninang alas sais pa nagsimula ang handaan ha!", inis na salubong ni Aling Mel sa tatlo.

"E pasensiya na po, Aling Mel. Hinintay ko pa itong dalawang kasama ko e! Alam niyo naman ang dalawang ito... Laging pa-VIP!", pabiro namang pagpapakalma ni Quincy kay Aling Mel.

"O siya sige! Magsimula na kayong magtrabaho at unti-unti nang dumadami ang tao dito!", ang naiinis na lang na nasabi ni Aling Mel sa tatlo.

Nagsimula na ngang magtrabaho ang tatlo. Bagamat buffet ang tema ng catering ay nagse-serve parin sila sa mga tinatawag na panauhing pandangal o VIP sa naturang handaan. Isa sa mga kailangan nilang pagsilbihan at dalhan ng pagkain ay ang mesa kung saan nakaupo ang may-ari ng bahay at ang mga kaibigan nito. Ang mga ito  ay ang American multi-millionaire businessman na si Mr. Ricarlo Cane, ang Pinay na asawa ni Mr. Cane na si Mrs. Maria Cristina Dela Fuente Cane, ang matalik na kaibigan at kasosyo ni Mr. Cane na si Mr. Thomas Eisteneir at ang respetadong heneral ng mga sundalo sa Pilipinas na si Gen. Rogelio Belmonte. Napapapalatak pa at napapailing si Quincy habang pinagsisilbihan ang mga ito. Pansin niya kasi kung gaano kamamahal ang mga suot na gamit ng mga ito. Kagaya na lamang ng gintong Rolex watch ni Gen. Belmonte na sa tingin ni Quincy ay hindi bababa sa isang milyon ang presyo. Ang suot na kuwintas ni Mrs. Cane na tila gawa sa purong diyamante at ang pendant ay isang napakalaking bato na tila gawa sa kulay pulang diyamante.

"Iba talaga ang mga mayayaman! Kayang-kaya nilang magkaroon ng mga bagay na pangarap lamang at ilusyon para sa mga pangkaraniwang tao.", ang nabulong pa ni Quincy sa kasama niyang nagsisilbi na si Vincent.

Sa kabilang mesa ay mapapansin na tila kanina pa nakikipagtitigan at nakikipagngitian kay Quincy ang isang mestisahing babae na kulay blonde ang buhok. Labis namang naliligayahan si Quincy sa nangyayari dahil sa pakiwari niya ay mayaman at may sinabi sa buhay ang babaeng ito. Maging ang mga kaibigan nito ay tila mga sosyalin din at nakatitig at nakangiti rin sa kanya.

"Pag sinusuwerte ka nga naman!", ang naliligayahang nabulong ni Quincy sa sarili na paminsan-minsan pang kumikindat sa mestisahing babae na tila nabihag na niya ang puso.

Sa kasunod naman na mesa kung saan nakaupo ang mestisahing babaeng tila kaunawaan na ni Quincy ay makikita ang mga grupo ng tao na tila taga-media. May ilang mga bakla dito, mga seksing babae at meron ding isang machong lalaki na maihahalintulad kay Gardo Versoza ang dating. Pero ang talagang nakakaagaw ng atensiyon sa mga nasa mesang ito ay ang isang tila banyagang babae na may kulay pulang buhok. Napakaganda at napakaseksi ng babaeng ito na para bang talagang makakapagpatulo ng laway sa sinumang mga kalalakihang dito ay makakakita. Kilala ang babaeng ito sa pangalang Genelyn Winstone. Ang nakakagulat ay tila interesado ang Genelyn na ito kay Ryan na kasalukuyang nagse-serve ng pagkain sa mesang kinalalagyan nila.

"Ano name mo, pogi? Ang guwapo-guwapo mo naman!", biro pa ni Genelyn kay Ryan nang salinan ng ice tea ng huli ang baso ng una.

"E naku! Hindi naman po!", ang nahihiya namang sabi ni Ryan kay Genelyn.

"Bakit naman may "PO"? Mukha na ba 'kong lola?", ang tila nagmamaktol na tanong ni Genelyn kay Ryan.

"Naku, hindi naman po! Mukha nga kayong nasa teen-age years lang e! Tapos ang ganda-ganda niyo pa po. Nahihiya nga po ako sa inyo e.", ang tila nahihiyang tugon at paliwanag ni Ryan kay Genelyn.

"Bakit ka naman mahihiya e pogi ka naman! And...", at may kung anong ibinulong si Genelyn kay Ryan. "I like you a lot, baby...", sabay tapik pa ni Genelyn sa braso ni Ryan na para bang naghahamon.

Half-Cooked (Ang Mga Pilipinong Hilaw)Where stories live. Discover now