Chapter 62:

60 0 0
                                    

Sa isang bar sa Metrowalk napadpad sina Ryan, Quincy, Genelyn at Mary sa paghiwalay nila sa magtatanang sina Vincent at Cristina. Dito ay masaya silang nag-inuman at tila ba nag-double date. Tulad ng kadalasan ay si Quincy na naman ang bangka ng kuwentuhan habang sila ay nag-iinuman. Kuwentuhang tila ba puro mga kayabangan niya ang nilalaman.

“Di ko talaga akalaing ampaw lang pala ang batu-batong katawan ng Barry na ‘yon! Ang akala ko pa naman ay magiging mahirap at madugo ang paghaharap namin! Pero sa isang suntok ko lang pala ay babagsak na siya! O marahil ay sadyang malakas lamang ako bukod sa pagiging guwapo at makarisma!”, ang tila pagyayabang na sabi ni Quincy sabay kindat pa kay Mary.

Parang labis namang kinilig si Mary sa pagkindat sa kanya ni Quincy kung kaya ito ay napayakap sa nobyo at hinahaplos-haplos pa ang guwapong mukha nito.

“Iba ka, Quincy! You’re my Quincy! You’re my only baby!”, ang kinikilig na nasasabi ni Mary habang hinahaplos-haplos ang guwapong-guwapong mukha ni Quincy.

Nakangiti namang tumitig si Quincy sa nobya at pagdaka ay ginawaran niya ito ng halik na ginantihan naman ni Mary, at nauwi ang lahat sa isang napakainit at napakasuyong halikan sa pagitan ng magkasintahan. Parang nainggit naman si Genelyn nang makita ang paghahalikan ng magkasintahang kasama nila. Siya ay biglang napasandal at napadantay sa balikat ng guwapong-guwapong nobyo niyang si Ryan.

“Nakakainggit sila ano? Tayo rin, baby!”, ang tila naglalambing na nasabi ni Genelyn kay Ryan.

Agad naman ay niyakap at hinalikan ni Ryan si Genelyn na ginantihan naman ng huli upang sila ay magkahalikan din tulad ng magkasintahang kasama nila. Pero habang nakikipaghalikan si Ryan kay Genelyn ay bigla siyang may kung anong nakita sa hindi kalayuan ng mesang kinalalagyan nila. Ito ay tila maiinit na mga tanawin sa pagitan ng tila isang banyagang lalaki at ng isang maganda at maalindog na babae. Kita-kita ni Ryan kung paano at gaano kainit ang paghahalikan ng dalawa. Dapat sana ay normal lang para sa kanya ang ganitong tanawin na marahil ay natural lang na ginagawa ng magsing-irog kahit pa nga minsan ay nasa pampublikong lugar. Pero tila iba ang tanawing ito para kay Ryan, dahil ang babaeng natatanaw niya na kahalikan ng tila isang banyagang babae ay walang iba kundi si...

“Karina…!!!”, ang nagugulat at nagigitlang nabulong ni Ryan matapos mabatid at mapag-alamang si Karina ang kahalikan ng tila banyagang lalaki.

Mula sa pakikipaghalikan kay Genelyn ay nangangalit na tumayo si Ryan at nilapitan ang kasalukuyang naghahalikang pares di kalayuan sa mesang kinalalagyan nila…

Sa naturang mesa naman kung saan napatingin si Ryan ay tila maiinit na ang tagpo sa pagitan nina Davis at Karina. Sila ay naghahalikan ng anong init at anong suyo. Sa paghahalikan nga nila ay hinahawakan pa ni Davis ang mga maseselang parte ng katawan ni Karina.

“I love you, Karina…”, bulong pa ni Davis sa tenga ni Karina.

“I love you too, Davis…”, mahinang usal naman ni Karina na tila hibang na sa ginagawang pangroromansa sa kanya ni Davis.

Sa gitna ng tila kay init na eksenang ito ay bigla na lamang silang magugulat at mawiwindang sa biglang paglapit sa kanila ng nangangalit na si Ryan.

“R-ryan…!!!”, ang nagugulat pang nasabi ni Karina nang makita ang biglang pagsulpot ng masugid niyang manliligaw sa lugar na kinalalagyan nila ni Davis.

“Ano ang ibig sabihin nito, Karina? Hindi ba nangako sa iyo na ako ay magiging sikat na artista at magpapakayaman tapos isang araw ay hihingin ko ang kamay mo at tayo ay magpapakasal na? Hindi ba? Pero bakit ngayon ay may kasama ka at kahalikang kung sino???”, tanong ng nangangalit na si Ryan kay Karina.

Parang nakaramdaman naman ng kung anong kalungkutan si Karina habang nakikita niya ang pangangalit ni Ryan dahil nakita siya nitong may kasama at kahalikang ibang lalaki. Para bang damang-dama niya talaga ang sinseridad at kalungkutan ng mga salita ni Ryan. Pero tila mas pinili niya ang balewalain ito at patuloy na ipakitang siya ay naiinis at namumuhi kay Ryan.

“Tumigil ka na, Ryan! Tumigil ka na sa mga ilusyon mo! Nasa totoong mundo tayo! Wala sa pantasya at fairy tale! At sa totoong mundo ay malupit ang buhay! Kaya tigilan mo na ang mga walang kuwenta mong ilusyon! Matuto kang tanggapin ang katotohanang hindi talaga tayo para sa isa’t isa! Hindi ako ang babaeng para sa iyo, Ryan. At hindi rin ang lalaki para sa akin. Kaya please, Ryan! Please lang! Tigilan mo na ‘ko!”, si Karina na tila binalewala ang tila nagsusumamo bagamat nangangalit na si Ryan.

“Hey idiot! Who the hell are you and why are talking with my girlfriend?”, inis namang sabat at sita ni Davis kay Ryan.

Mula naman sa pagkakatingin kay Karina ay nabaling ang atensiyon ng nangangalit na si Ryan sa sumisita at tila umiinsulto sa kanyang si Davis.

“Putang ina mo! Huwag kang makialam dito kung ayaw mong basagin ko ‘yang pagmumukha mo!”, ang galit na galit na tila pagbabanta ni Ryan kay Davis.

“What? Are you cursing me or something? You idiot!”, ang tila galit na galit na ring si Davis na tila umasta pang naninindak sa harap ni Ryan.

“Sinabing huwag kang makialam e!!!”, nangangalit at malakas na bulyaw ni Ryan kay Davis sabay sapak dito.

Bahagyang napaurong si Davis sa sapak na ito ni Ryan. Sandali pa nga ay hinawakan niya ang labi upang patirin ang pagsirit ng dugo sa may kalakihang putok na ito.

“Shit!”, ang nangangalit na nasabi ni Davis matapos mabatid na pumutok ang labi sa sapak sa kanya ni Ryan.

Nangangalit ay siya naman ang sumapak kay Ryan. Bagay na bahagya ding nagpaurong kay Ryan, pero na imbes na indain ang suntok sa kanya ni Davis ay gumanti siya ng pagsuntok dito. Sa pagganti niya ng pagsuntok kay Davis ay gumanti rin itong muli ng pagsuntok sa kanya at sila ay tuluyan nang nagkasuntukan. Sa puntong ito ay nakausyoso na ang mga tao sa paligid at si Quincy naman ay tila dali-daling sumaklolo sa kaibigan at pinsang si Ryan. Buong lakas ay sinapak niya rin si Davis na naging dahilan upang bumagsak ito sa lupa. Sa pagbagsak sa lupa ni Davis ay pagtutulungan na sana siya nina Ryan at Quincy pero agad humarang at pumagitna si Karina.

“Ano ba kayo? Tama na nga! Bakit niyo ba kami ginugulo? Pakiusap, Ryan! Tigilan mo na ‘ko! Nobyo ko na si Davis at kahit kailan ay hindi na magiging tayo! Kayag tigilan mo na ‘ko! Quincy, iuwi mo na ‘yan!”, galit namang bulyaw ni Karina kina Ryan at Quincy.

“Tara na, Ryan!”, si Quincy na hinihila palayo ang sugatan at puro pasang si Ryan.

“Karina! Bakit? Mahal na mahal kita, Karina! Mahal na mahal kitaaaaa!!!!!!!!”, si Ryan na nagpupumiglas mula sa humihila sa kanyang si Quincy at pilit nilalapitan si Karina.

“Tumigil ka na, Ryan! Huwag mo namang gawing masyadong nakakaawa ang sarili mo! Huwag kang masyadong magpatanga sa pag-ibig!”, si Quincy na tila naiinis na sa pagpupumiglas ng hinihila niyang si Ryan.

“Tama na, Ryan! Please! Tama na!”, si Karina na naluluha na at mula sa pagalit na tinig ay tila nagtonong nagmamakaawa.

Mula naman sa pagkakabagsak ay tumayo si Davis at siya ay umakbay at humalik kay Karina. Si Karina naman ay buong pusong dinama ang paghalik sa kanya ni Davis. Halos madurog naman ang puso ni Ryan habang nakikita ang eksenang ito. Para bang bigla niyang napagtanto na tila wala na talaga sa kanya si Karina.

“Paalam, Karina… Sana ay maging maligaya ka sa piling niya…”

Half-Cooked (Ang Mga Pilipinong Hilaw)Where stories live. Discover now