Chapter 45:

65 0 0
                                    

Nasa kalaliman na ng gabi nang umalis sina Vincent at Cristina sa burol na kinalalagyan nila kung saan makikita ng malinaw ang kabuuan ng Metro Manila. Sa kanilang pag-alis sa naturang lugar ay nagtungo sila sa tirahan ni Cristina sa may Corinthian Village. Bagamat hindi sang-ayon nung una si Cristina ay inihatid parin siya ni Vincent sa kanyang tirahan. Dahil medyo mahirap nang sumakay ay nag-taxi na lang sila papunta dito. Pagbaba nila ng taxi ay inihatid pa ni Vincent si Cristina hanggang sa may gate ng kanilang bahay. Pero pagdating nila sa may gate ng kanilang bahay ay sinalubong sila ng mga armadong lalaki sa pamumuno ng ama ni Cristina na si Mr. Cane kasama si Jason at ang mga mayayabang nitong kabarkada.

“P-papa…!!!”, ang gulat na gulat na nasabi ni Cristina matapos makita ang ama na palabas sa gate kasama sila Jason at ang mga armadong lalaki.

Agad ay sinenyasan ni Mr. Cane ang mga kasamang armadong lalaki na kunin at ilayo mula kay Vincent ang anak niyang si Cristina. Bagay na agad namang sinunod ng mga armadong lalaki kung kaya walang anu-ano ay hinablot nila at hinila si Cristina palayo sa kasamang si Vincent. Binalak naman ni Vincent na pigilan ang mga armadong lalaking humahablot kay Cristina, pero siya ay biglang pinagsusuntok ni Jason at ng mga kabarkada nito.

“Ano? Ipakita mo sa amin ngayon ang yabang mo? Putang ina mo! Ang yabang mo kanina ha!”, pagalit pang sabi nila Jason habang pinagtutulungang gulpihin si Vincent.

Mula sa paglayo kay Vincent ay dinala ng mga armadong lalaki si Cristina palapit sa amang Mr. Cane. Galit na galit ay tinitigan ni Mr. Cane ang anak. Bagay na labis namang ikinakaba ni Cristina.

“Papa…”, ang kinakabahang nasabi ni Cristina.

Sa pabiglang paraan ay sinampal ng anong lakas ni Mr. Cane ang anak.

“You’re such a disgrace to this family! Ungrateful bastard! What the hell are you thinking? Going on a date with this piece of trash! Go inside! Go inside you room! From now on you will never be permitted to go outside again!”, ang galit na galit na sabi at pahayag ni Mr. Cane kay Crsitina.

Matapos makastigo ng ama ay naluluhang tumakbo si Cristina papasok sa kanilang malaking mansiyon. Si Mr. Cane naman matapos kastiguhin ang anak ay si Vincent naman na nobyo nito ang hinarap. Galit parin ang mukha ay sinenyasan niya sila Jason na itigil muna ang ginagawang panggugulpi kay Vincent upang ito ay kanilang iharap sa kanya. Nang makalapit siya kay Vincent na kasalukuyang hawak-hawak sa magkabilang braso at binti nila Jason ay agad niya itong sinikmuraan at pinagsasampal pa.

“You idiot piece of trash! You got a nerve to date my daughter, ha! You are nothing but a trash! You are the poorest thing this world ever known! And now you are dreaming to have my daughter as your girl! You are fucking out of your mind! How the hell do you ever think that I will let my daughter to be with someone as pathetic as you? If you ever know what is good for you, boy! From now on, you will stay away from my daughter! Now! Get this trash out my sight!”, ang galit na galit na sabi at pahayag ni Mr. Cane kay Vincent habang sinasampal-sampal pa niya ang kaawa-awang binata.

Nakangisi ay inialis nila Jason si Vincent sa paningin ni Mr. Cane at nang makarating sa isang may kaliblibang lugar ng subdivision ay muli nila itong ginulpi ng walang awa. Halos gulay na si Vincent nang tigilan nila Jason sa paggulpi.

“Siguro naman magtatatanda ka na ngayon, Yao Ming! Masyado ka kasing ambisyoso e! Maganda at mayaman pa ang inambisyon mo e isa ka lang namang mongoloid na beho!”, nakangisi pang nasasabi ni Barry kay Vincent habang nakikita ito sa napakaabang estado.

“Hindi ang tipo mo ang makakatalo sa akin pagdating sa pag-ibig ni Cristina! Bago mo siya maagaw sa akin ay mapapatay muna kita! Kaya kung ako sa iyo ay huwag mo na siyang pangarapin at ambisyunin pa! Matuto kang lumagay kung saan ka nararapat! Sa basura! Ha! Ha! Ha! Putang ina mo!”, ang galit na galit namang nasabi ni Jason kay Vincent habang patuloy niya itong tinatadyak-tadyakan pa.

Sina Jerry at Jake naman ay napagkatuwaan pang halinhinang ihian ang wala nang laban at nakalupasay nang si Vincent.

“Ganito ang bagay na ginagawa sa isang basurang tulad mo!”, ang natatawa pang nasasabi nina Jerry at Jake habang halinhinang iniihian si Vincent.

Nang ganap nang makaalis ang grupo ni Jason ay naluluhang tumihaya ang sugatan at puro pasang si Vincent mula sa kanina’y pagkakadapa at pagkakasalampak sa lupa. Kasabay ng pagtihaya niya ay biglang umulan ng anong lakas na tila ba ang kalangitan ay nakikisimpatya sa kasaklapang sinapit niya ng gabing ito. Naluluha ay pinagmasdan niya ang maulang kalangitan habang dinadama ang sakit ng kanyang buong katawan dulot ng mga sugat at pasa at pati na rin ang sakit ng kanyang buong damdamin buhat ng tila napipinto na nilang pagkakalayo ng pinakamamahal niyang si Cristina.

“Napakalupit… Napakalupit ng buhay sa mundo…”

Half-Cooked (Ang Mga Pilipinong Hilaw)Where stories live. Discover now