Chapter 61:

76 0 0
                                    

Nang gabi namang ito ay makikitang nag-iinuman si Kriselda at ang baklitang parloristang si Seldah sa parlor ng huli. Habang nag-iinuman ang dalawa ay panay ang pagsesentimyento ni Kriselda tungkol sa panloloko at panggagagong ginawa sa kanya ng nobyong si Quincy.

“Bakit ganon, bakla? Minahal ko naman siya ng labis-labis ha! Pero niloko parin niya ako at pinagmukhang tanga!”, ang pagsesentimyento ni Kriselda sa baklitang parlorista.

Parang bigla namang naging seryoso ang dating napakalanding baklitang parlorista.

“Ganon lang talaga siguro ang mga tulad ni Quincy, Kriselda. Hindi kayang mapirmi sa iisang babae lang. I mean, guwapo siya at napakalakas ng karisma sa babae. Kaya pihadong kahit saan siya magpunta ay may maghahabol sa kanyang mga babae. Pero kung ako ang tatanungin ay hindi tama ang ganun! Hindi tamang manloko siya at manakit ng mga babae kahit gaano pa siya kagusto ng mga ito. Hindi tama ang ginawa niya sa…IYO…!”, si Seldah na parang biglang naging lalaki ang boses mula sa dating boses ng pagkalanding baklita.

Parang labis namang nagulat si Kriselda sa tila biglaang pagbabago ni Seldah mula sa pagiging pagkalanding baklita.

“Wow, bakla! Ikaw ba ‘yan?”, ang nagugulat na natatanong ni Kriselda sa baklitang parlorista na tinitignan-tignan pa ng maigi ang mukha nito. “Ikaw ba talaga ‘yan? Si Seldah na isang pagkalanding baklita na walang inatupag kundi ang lumandi sa mga pogi at papable na lalaki… Ngayon ay nagsasalita na para bang isang lalaking-lalaki kung magpayo! Mukhang marami ka na atang naiinom ha!”, ang tila hindi talaga makapaniwalang nasasabi ni Kriselda sa baklitang parlorista.

Tila mas lalo namang naging seryoso ang dati ay pagkalanding baklitang si Seldah. Seryosong-seryoso at tila punung-puno ng sinseridad ay tumitig si Seldah kay Kriselda.

“Itinuturing mo na ba akong matalik na kaibigan, Kriselda?”, bigla ay tila seryosong tanong ni Seldah kay Kriselda.

Parang lalo namang nagtaka si Kriselda sa mga ikinikilos na ito ng baklitang parlorista. Bagamat puno ng pagtataka ay napatingin na rin siya ng seryosong tingin sa baklitang parlorista na kasalukuyang nakatingin sa kanya ng seryoso.

“A-e oo! Oo naman! Matagal-tagal na rin naman tayong magkakilala at matagal-tagal na rin naman akong nagpapagupit sa iyo! Halos alam na nga natin pareho ang sekreto ng isa’t isa. Ang mga crushes natin. Ang mga kinikikiligan nating boylet at fafa. Para bang sa tingin ko ay palagay na palagay na talaga ang loob natin sa isa’t isa. Kaya siguro maituturing na kitang isang matalik na kaibigan. Isang matalik na baklita at malanding kaibigan! Bwahahahahaha!!!!!”, ang natatawa at napapahalakhak na tugon ni Kriselda sa tanong ng baklitang parlorista bagamat seryoso ang itsura.

Labis namang nagulat si Kriselda nang bigla na lamang hawakan ng baklitang parlorista ang mga kamay niya at tila mas lalong naging seryoso ang mga pagtitig nito sa kanya.

“Paano kung sabihin ko sa iyong hindi talaga ako ang kilala ng lahat na ako?”, ang tila pasakalyeng sabi ni Seldah kay Kriselda.

Napakunot naman ang noo ni Kriselda sa sinabing ito ng baklitang parlorista.

“W-what do you mean???”, ang puno ng pagtatakang tanong ni Kriselda sa baklitang parlorista.

“Paano kung sabihin ko sa iyong hindi talaga ako…BAKLA!!!”, ang bigla ay tila pag-amin ni Seldah kay Kriselda.

Napatitig naman si Kriselda sa baklitang parlorista sa sinabing ito nito sa kanya. Tapos ay napahagalpak siya ng pagtawa.

“I-ikaw!!! Hindi talaga isang baklita??? Si Seldah na kay landing parlorista at adik sa mga boylet at fafa ay hindi talaga isang BAKLITA!!! Bwahahahahhahahaha!!!!!!! Labis mo ‘kong pinatawa sa joke mong ‘yon ha! Di ko alam na bukod sa malandi at malantod ay komedyante ka rin pala, Seldah! Bwahahahhahaha!!!! Natatawa talaga ako! Sa kauna-unahang pagkakataon ay napatawa mo ‘ko ng labis ngayong gabi!”, ang tawang-tawang sabi ni Kriselda sa baklitang parlorista.

Half-Cooked (Ang Mga Pilipinong Hilaw)Where stories live. Discover now