Chapter 22:

88 1 0
                                    

Nang tanghali namang ito ay makikitang nakasakay si Punk sa isang pampasaherong dyip. Galing kasi siya sa pamamalengke sa Pasig at siya ay may bitbit pang isang malaking bayong. Medyo inaantok-antok pa siya habang nakasakay sa dyip. Ito ay dahil sa kapuyatan niya dala ng magdamag na pagtatrabaho niya nung nakaraang gabi. Pero tila biglang nawala ang antok niya nang siya ay biglang mapatingin sa may pagka-cute na babae di kalayuan sa harapan ng inuupuan niya sa dyip. Pansin niyang tila malungkot at balisa ang babaeng ito at medyo wala pa nga sa sarili. Para tuloy bigla siya ditong nagkaroon ng interes na hindi niya maintindihan. Kaya nang bumaba ito sa may Bagong Ilog ay agad din siyang bumaba sa dyip upang sundan ito kahit pa nga hindi pa siya dito bababa. Parang napansin naman ng babae na sinusundan niya ito kung kaya ito ay naglakad ng mabilis. Nang mapansing naglalakad ng mabilis ang sinusundang babae ay patakbo na ang ginawang pagsunod dito ni Punk. Sa ginagawang paglalakad ng mabilis ng babae ay bigla itong natapilok sa isang lubak at ito ay napabagsak sa lupa. Patakbo naman ay nilapitan ito ni Punk.

“Miss, okay ka lang ba?”, alalang usisa ni Punk sa babaeng natapilok.

Parang natatakot naman ang babae na umiwas ng tingin kay Punk. Si Punk naman sa puntong ito ay tila pinakalma ang babae.

“Huwag ka sanang matakot sa akin, miss. Gusto lang kitang tulungan at kung maari sana ay…gusto ko lang magpakilala sa iyo.”, ang tila pagpapakalma ni Punk sa babae.

Parang naramdaman naman ng babae ang sinseridad ni Punk na ito ay matulungan niya, kung kaya ito tumingin sa kanya at bahagyang ngumiti.

“Maari ko bang malaman ang pangalan mo, miss?”, marahang tanong ni Punk sa babae matapos makitang tila panatag na ang loob nito sa kanya.

“A-andria. Andria Ferina.”, marahan ay pagpapakilala ng babae kay Punk na Andria pala ang pangalan.

“Punk. Punk Delgado.”, marahan namang pagpapakilala ni Punk kay Andria.

Dahan-dahan ay itinayo ni Punk si Andria mula sa pagkakasalampak sa lupa at nang maitayo ay tila bahagya pang napatumba ang huli.

“Kaya mo bang tumayo?”, nag-aalala ay natanong ni Punk kay Andria.

Sinagot ni Andria ang tanong na ito ni Punk sa pamamagitan ng mahinang pag-iling. Agad naman ay naunawaan ni Punk ang kalagayan ni Andria kung kaya ito ay agad niyang binuhat.

“Bubuhatin na lang siguro kita hanggang sa makaya mo nang makatayo.”, nakangiti ay sabi ni Punk kay Andria habang buhat-buhat niya.

Hindi maintindihan ni Andria pero siya ay napangiti na rin matapos makita ang pagngiti sa kanya ni Punk. Ang mas lalo pang nakakataka ay tila nakakaramdam siya ng kapanatagan habang buhat-buhat siya ni Punk. Naglakad nga si Punk habang buhat-buhat si Andria at sa kanilang paglalakad ay tila hindi maalis ang tingin nila sa isa’t isa.

“Saan ba dito ang bahay mo, Andria?”, nakangiti ay natanong ni Punk kay Andria.

“A-e sa susunod na kanto pa.”, marahang tugon ni Andria sa tanong ni Punk.

Maya-maya pa ay nakarating na sila sa may gate ng bahay nila Andria. Isa itong may kalumaan nang bahay at ang gate nito ay medyo kalawangin pa nga. Binalak ni Punk na pumasok sa gate ng bahay nila Andria habang buhat-buhat ang dalaga, pero siya ay biglang pinigilan nito.

“Kaya ko na siguro mula dito. Salamat na lang!”, si Andria na tila ayaw papasukin si Punk sa loob ng kanilang bahay.

“Sigurado ka kaya mo na?”, si Punk na tila nag-aalala parin sa kalagayan ni Andria.

Mabilis ay bumaba na si Andria mula sa pagkakabuhat sa kanya ni Punk at bagamat hirap parin ay pinilit niyang makatayo at makapaglakad ng maayos.

“Oo kaya ko na. Sige na at baka masyado na kitang naabala.”, ang tila may tono ng pagtataboy na sabi ni Andria kay Punk.

Pagkasabi ni Andria nito ay halos paika-ika siyang pumasok sa may gate ng kanilang bahay. Nang makapasok na sa may gate ng kanilang bahay ay binalak na niyang isara ang gate, pero bago niya ito ganap na maisara ay bigla siyang pinigilan ni Punk.

“A sandali lang, miss! Puwede tayong magkita uli? Kahit simpleng pagmemeryenda lang sana.”, si Punk na tila gusto pang mas makilala si Andria.

Sa sinabing ito ni Punk ay bahagyang napangiti si Andria na tila ba bigla na lang ay parang naging mapangarap ang itsura mula sa kanina ay pagiging napakalungkot ng itsura niya. Pero agad napatid ang sanay pag-uusap pa sana nina Punk at Andria nang bigla na lamang may kung sinong lalaking dumating sa kinalalagyan ni Andria at galit nitong tinawag ang dalaga.

“Andria! Pumasok ka sa loob!”, paggalit na pag-uutos ng kung sinong lalaki kay Andria.

“O sige! Nandito na ang Papa ko! Sige na! Paalam na!”, ang tila pamamaalam pa ni Andria kay Punk.

Pagkasabi ni Andria nito ay tuluyan na niyang isinara ang gate ng kanilang bahay at siya ay pumasok na sa loob nito. Si Punk naman ay nakatangang nakamasid sa pagpasok ni Andria sa bahay na tinitirahan nito. Pero agad napatid ang pagkatangang ito ni Punk nang bigla siyang kausapin ng lalaking kanina ay biglang sumulpot sa kinalalagyan ni Andria.

“Sino ka at ano ang kailangan mo sa anak ko?”, pagalit na tanong ng lalaki kay Punk.

“A-e ako po si Punk Delgado. Wala po akong masamang intensiyon sa anak niyo. Gusto ko lang po siyang makilala at maging kaibigan.”, marahang tugon at paliwanag ni Punk sa lalaki na tatay pala ni Andria.

“Makilala at maging kaibigan! At sino niloko mo? Kilala ko ang karakas mo! Alam kong may masama kang balak sa anak ko! Hoy! Mula ngayon ayoko nang makikita pa dito ‘yang pagmumukha mo ha! Kapag nakita pa kita dito ay baka kung saan ka pulutin! Tandaan mo ‘yang ungas ka! Sige! Lumayas ka na sa harapan ko! Layas!”, pagalit na pagbabanta at pagtataboy kay Punk ng tatay ni Andria.

Napapailing ay umalis na si Punk sa bahay nila Andria habang nasusulyap-sulyapan pa niya sa kanyang paglingon-lingon sa likod na patuloy parin nakamatyag sa kanya ang tatay ni Andria na tila ba napakasama ng tingin sa kanya.

Half-Cooked (Ang Mga Pilipinong Hilaw)Where stories live. Discover now