Chapter 48:

66 0 0
                                    

Pagkagaling sa bodega sa may Navotas kung saan tinapos ni Punk ang buhay ng matalik na kaibigang si Boy Ahas ay nagtungo siya sa isang malaking bahay sa Binondo kasama si Arman at ang ilang mga armadong lalaki. Ang pakay nila sa bahay na ito ay walang iba kundi ang lider at sinasabing pinautak ng sindikatong kinabibilangan nila na si Mr. Lee. Dinatnan nila si Mr. Lee na prenteng nakaupo sa isang may kalakihang opisina sa naturang bahay. Medyo kabado pa nga si Punk dahil ito ang unang pagkakataon na makakaharap niya si Mr. Lee ng personal. Tila isang alamat kasi si Mr. Lee sa Underworld na kinatatakutan maging ng mga malalaking sindikato sa buong mundo. Tila ba sa pakiwari niya ay isang napakanakakatakot na tao si Mr. Lee na sa konting pagkakamali niya lamang sa kanyang pakikiharap dito ay maari siyang ipatumba nito ng walang anumang maiiwang bakas ng kanyang pananalaytay. Hindi niya lubusang nakita ang mukha ni Mr. Lee dahil ito ay natatakpan ng kadiliman ng tila may kadilimang opisinang kinalalagyan nila. Ang tanging naaaninag niya lamang ay ang mausok na tabakong hinihithit nito at ang suot nitong tuxedo sa pagkakaaninag niya ay tila kulay pula.

“Mr. Lee, nandito na po si Punk. Ang pinakamatinik nating birador sa sindikato.”, ang buong pagkakapuring pagppapakilala ni Arman kay Punk sa among si Mr. Lee.

Marahan ay yumuko at bumati si Punk kay Mr. Lee.

“Magandang gabi po, Mr. Lee.”, marahan at buong galang na pagbati ni Punk sa among si Mr. Lee.

“Ikaw pala ang matagal nang ikinukuwento sa akin ni Arman na napakatinik na birador! Ikinagagalak kong makita sa aking harapan ang isang tulad mo! Katulad mo kasi ay minsan din akong naging isang birador sa isang malaking Chinese Triad. Ayy! Ang buhay ng mga tulad natin ay sadyang mahirap dahil kailangan nating maging walang awa sa pagpaslang ng lahat ng dapat paslangin. Ilang buhay na nga ba ang nakita nating nawawala sa mismong ating harapan. Mga buhay na ang iba ay sadyang kahina-hinayang. Pero ano nga ba ang ating magagawa? Trabaho natin ito. Walang personalan. Trabaho lang ang lahat.”, ang tila nalulugod pang pagsasalaysay ni Mr. Lee ng tila nakaraang buhay niya sa Underworld kay Punk.

“Oo nga po. Ang lahat ay pawang trabaho lamang. Walang personalan. Walang damdamin na dapat pairalin.”, ang tila ayon naman ni Punk kay Mr. Lee na tumatango-tango pa.

Sandali naman ay hinithit ni Mr. Lee ang hawak niyang tabako  at pagdaka’y ibinuga niya ang napakalakas na usok nito papunta sa lugar na kinalalagyan ni Punk. Matapos ang tila pagpapausok ay sinenyasan niya ang isa sa mga tauhan na lumapit sa kanya. Nang makalapit sa kanya ang isa sa mga tauhan ay may iniabot siya ditong isang kulay gintong baril na kung titignang maigi ay masasabing ito ay ang pamosong Dessert Eagle pistol. Mula sa kinalalagyan ni Mr. Lee ay marahang lumapit ang tauhan niya kay Punk at ibinigay nito dito ang naturang baril. Puno naman ng pagtataka ay napasulyap si Punk sa tila hindi maaninaw na mukha ni Mr. Lee matapos niyang matanggap ang tila bigay nito sa kanyang baril.

“Mr. Lee?”, puno ng pagtataka ay natanong ni Punk kay Mr. Lee.

“Gusto ko ang tulad mo, Punk! Buo ang loob mo! Alam mo ang ginagawa mo! Alam mo kung kailan dapat iisantabi ang personal at ang trabaho! Dahil sa paghanga ko sa iyo ay nais kitang gawing aking punung-birador. Panandalian ay magbabakasyon muna ako upang asikasuhin ang kung ano. Kaya naman sa inyo ko ni Arman iiwan ang pangangalaga sa parte ko sa sindikato. Huwag niyo sanang hahayaan ang ganid na si Mr. Straber na pumapel dito. Hayaan niyong pangalagaan niya parte niya at pangangalagaan natin ang parte natin! Maasahan ko ba ‘yun sa inyo? Punk? Arman?”, tugon ni Mr. Lee kay Punk at pagdaka ay tila paghahabilin niya sa sindikatong pinamamahalaan kina Punk at Arman.

“Opo!”, marahang pagtalima nina Punk at Arman kay Mr. Lee.

“Magaling kung ganon! Sige na, Arman! Puntahan mo ang mga pasugalan at bahay-aliwan natin sa paligid. Kailangang masigurado natin na hindi sinusulot ni Straber ang pamamahala natin doon! Ikaw naman, Punk! Pumunta ka sa mga laboratoryo natin ng droga sa Malabon at sa Navotas! Mula ngayon ay ikaw na ang mamahala ng mga negosyo ko ng droga.”, pag-uutos ni Mr. Lee kina Punk at Arman ng mga dapat gawin bilang mga bagong tagapamahala ng sindikato niya.

“Sige po!”, magalang na ayon ni Arman kay Mr. Lee sabay alis na sa harapan ng amo.

“Sige po, Mr. Lee!”, magalang ding ayon ni Punk kay Mr. Lee sabay alis na din sa harapan ng amo.

Pero bago tuluyang makaalis si Punk sa harapan ni Mr. Lee ay bigla siyang hinarang ng dalawang armadong lalaki na nakapaligid dito. Nakaramdam pa nga ng pagkakakaba si Punk sa isiping bago ipapaligpit na siya ni Mr. Lee.

“Bakit po, Mr. Lee?”, ang kabadong natanong ni Punk kay Mr. Lee matapos siyang harangin ng mga tauhan nito.

“May nais akong ipagawa sa iyo, Punk. Isang maselang bagay na walang puwedeng makaalam kundi tayong dalawa lamang. Maasahan ko ba ang katapatan mo?”, ang bigla ay napahayag ni Mr. Lee kay Punk sa halos pabulong na tinig.

Tila agad namang naunawaan ni Punk ang nais ipagawa sa kanya ni Mr. Lee at siya ay nagsimulang sumunod sa Chekwang amo sa tila isang tagong kuwarto kung saan nila pag-uusapan ang isang napakaselang bagay na gustong ipagawa sa kanya nito.

Half-Cooked (Ang Mga Pilipinong Hilaw)Where stories live. Discover now