Chapter 8:

164 2 0
                                    

Sa gitna ng tila madramang pagsesenti ni Vincent sa kanyang maliit na tirahan ay nakarinig siya ng sunud-sunod na mga pagkatok sa may pintuan ng tirahan niya. Batid na niya kung sino ang mga kumakatok na ito. Dalawang tao lang naman ang nagkakainteres na kumatok sa tirahan niya tuwing gabi. Ito ay ang mga matatalik niyang kaibigan na sina Ryan at Quincy. Pihadong mag-aaya na naman ang mga kumag na ito ng inuman. Mula sa pagkakahiga sa kanyang langitngiting papag ay tumayo na si Vincent at siya ay napapabuntung-hiningang naglakad papunta sa pintuan ng kanyang tinitirahan. Sa pagbukas niya sa punta ay bumungad sa kanya ang mestisuhing itsura ng dalawa niyang matalik na kaibigan.

"O pare! Ba't antagal mong buksan ang pinto? Mukhang nagsesenti ka na naman ha!", bati at kantiyaw ni Quincy kay Vincent.

"Ulol mo! Nakatulog lang ako. Napagod kasi ako ng husto sa trabaho e.", inis na sabi at pangangatwiran ni Vincent kay Quincy.

"Kung bakit ba kasi nagtitiyaga ka sa pagko-construction worker e. Wala namang future sa ganyan e. E kung sumasama ka na lang ba sa akin e! Edi tiba-tiba ka pa lagi! May matrona pa naman akong gustong ireto sa iyo!", biro at tila paghihikayat ni Quincy kay Vincent na sumama sa kanya sa mga ginagawa niyang raket.

"No thanks! Di pa 'ko ganong kadesperado para pumatol sa matrona. Okay na sa akin ang ganito. Mahirap na trabaho at mababa ang kita, pero mangaral naman at hindi ako nakakaapak ng ibang tao.", pagtanggi at tila pangangaral pa ni Vincent kay Quincy.

"Kung magsalita naman 'to! Alam mo, pare! Ginagamit ko lang ang utak ko. And besides, nakikinabang naman sila sa akin e. Dahil sa akin ay nagkakaroon sila ng panandaliang aliw! O di ba!", nakatawa namang pangangatwiran ni Quincy kay Vincent.

"Tama na nga ang walang kuwentang usapan na 'yan at baka kung saan pa mauwi 'yan! Ang mabuti pa ay tumoma na lang tayo! Sagot daw nitong si Quincy ang toma natin ngayong gabi!", ang tila pamamagitan naman ni Ryan sa pag-uusap ng dalawa niyang kaibigan na tila nagiging mainit na.

Napapakamot ang ulo ay lumabas si Vincent mula sa maliit niyang tirahan upang samahang bumili ng alak na iinumin nila ang mga kaibigan. Tulad ng dati ay isang case na Red Horse ang binili nila at bilang pulutan ay bumili sila ng all-time favorite nila na Boy Bawang at Happy Peanut at para mas sumarap ang inuman ay bumili rin sila ng isang dosenang barbecue. Sa looban ng compound ang madalas nilang puwesto tuwing sila ay may inuman. Malawak kasi dito at malayo pa sila sa mga kaguluhang maaring mangyari sa paligid ng Pineda kung saan tuwing gabi na lang ay may nagwawalang mga lasing sa lansangan. Naging ritwal na nila ang magpatugtog ng mga musika habang sila ay umiinom. Iba-iba ang klase ng musikang pinapatugtog nila. Kung minsan ay RNB, kung minsan naman ay Alternatives, at kung medyo senti sila ay puro mga Ballads at Lovesongs.

Bandang alas otso ng gabi nagsisimula ang kanilang drinking session. Imbes na tig-iisang bote ay patagay ang ginagawa nilang paraan ng pag-iinuman para mas masaya. Ilalagay nila sa isang malaking pitsel ang tatlong bote ng Red Horse at ito ay itatagay nila sa iisang baso lang. Kagamitan lahat ni Vincent ang mga ginagamit nila sa pag-iinom. Si Quincy kasi ay takot mapagalitan at mabulyawan ng kanyang may kadamutang ina. Si Ryan naman ay tila ayaw na ayaw pumasok sa kanilang bahay tuwing gabi sa hindi malamang kadahilanan. Kaya si Vincent na solong-solo lang ang tirahan at mga gamit ang laging provider nila ng gagamitin sa pag-iinom. Tulad ng laging nangyayari, nagsisimula ang inuman nila na si Quincy ang bangka ng kuwentuhan. Dito sa puntong ito ng kanilang pag-iinuman ay walang ibang maririnig kundi ang mga kayabangan ni Quincy. Kung paano siya nanloloko at nanggagantso ng mga matrona. Kung paano siya hinahangaan at halos sambahin ng mga babaeng nabibiktima niya't napeperahan. Kung gaano siya kapogi at katalino.

"Mga pare! Sana nakita niyo kanina kung paano nahumaling sa akin ng labis ang matrona! Wow, mga pare! Parang ayaw nang humiwalay sa akin matapos kung bola-bolahin habang nasa dyip kami! Kaya ang ending ay ang aming maiinit na eksena sa Hotel Sogo! Mga pare! Hot mama siya! May edad na pero tayong-tayo parin ang mga utong at nasa ayos parin ang malaki niyang wetpu! Ang galing pa niya gumiling at mukhang sanay na sanay! At ang ungol niya... Mga pare! Ungol palang malilibugan ka na! Kaya believe it or not, mga pare! Naka-ten rounds of aciton and kalibugan kami! Bwahahahahaha!!!!!!", ang tuwang-tuwang pagyayabang at pagkukuwento ni Quincy sa mga kaibigan.

Half-Cooked (Ang Mga Pilipinong Hilaw)Where stories live. Discover now