Chapter 66:

67 0 0
                                    

Mula sa tila may kahabaang pagtulog ay nagising si Vincent. Sa kanyang paggising ay nabatid niyang masakit ang ulo niya at ito ay tila bahagya pang may bukol. Sa tabi niya ay nakita niya pa ang kasintahang si Cristina na tila nakatulugan na ang pagbabantay sa kanya. Napapangiti ay hinahagod-hagod niya ang buhok nito.

“Alalang-alala siya sa iyo kanina habang wala kang malay.”, wika ng isang boses lalaki na bigla na lamang nagsalita mula sa kung saan.

Dahil sa biglang pagsasalita ng boses lalaki ay labis na nagulat si Vincent at siya ay napalinga sa paligid. Di kalayuan sa higaang kinalululanan niya ay nakita niya ang isang singkiting lalaki na nakatayo at nakangiti sa kanya. Sa pakiwari niya ay nasa kalagitnaan na ng buhay ang edad nito na tila mas pinatanda dahil sa bigote at balbas nito. Sandali ay napatitig siya dito at para bang sa mga mata niya ay mababanaag ang kung anong pagtatanong.

“Ako nga pala si Mang Tor. Ang katiwala dito.”, nakangiti ay pagpapakilala ng naturang lalaki kay Vincent na nagpakilala sa pangalang Mang Tor.

Matapos magpakilala ay nakangiting lumapit si Mang Tor kay Vincent at nang makalapit ay buong lugod niyang tinapik-tapik ang balikat nito.

“Salamat nga pala sa pagligtas mo sa akin kanina, hijo. Nagawa mong isaalang-alang ang iyong sariling kaligtasan para lamang mailigtas ako. At labis kitang hinahangaan at pinapasalamatan para don.”, nakangiti at buong lugod na pasasalamat ni Mang Tor kay Vincent.

“Walang anuman po ‘yun. Ginawa ko lang po ang alam kong tama at nararapat sa nangyari. Kahit sino po siguro ay gagawin din ang ginawa ko kapag nakita nang nasa panganib at alanganing sitwasyon ang kanilang kapwa.”, tugon naman ni Vincent sa pasasalamat sa kanya ni Mang Tor.

“Hindi, hijo. Pambihira ang ginawa mo. Pambihira ang katulad mo.”, ang di pagsang-ayon ni Mang Tor na pangkaraniwan lamang bagay ang pagsagip sa buhay niya ni Vincent.

Parang labis namang natuwa si Vincent sa sinabing ito ni Mang Tor. Tila ngayon lang kasi uli siya nakasaksi ng isang taong nakaka-appreciate sa kabutihan ng kanyang kapwa pagkatapos niya itong masaksihan sa dalawang matalik na kaibigan na sina Ryan at Quincy. Nakangiti at buong lugod ay napatango siya kay Mang Tor.

“Ano nga pala ang ginagawa niyo dito kanina?”, bigla naman ay natanong ni Mang Tor kay Vincent.

“May hinahanap lang po akong isang dating kakilala sa lugar na ito. Aksidente po lamang na napadpad ako sa looban niyo upang magtanong-tanong sana.”, marahan namang tugon ni Vincent sa tanong ni Mang Tor.

“Pero walang ibang tao sa tahanang ito kundi ako lamang. Nasa ibang bansa ang mga may-ari ng bahay na ito at ako lamang ang naiwang tagapamahala dito. Gustuhin ko mang kayong tulungan ay wala akong gaanong maitutulong sa inyo dahil bago pa lamang ako sa lugar na ito. Nung isang buwan lamang ako napadpad dito upang maging katiwala nga ng tahanang ito. Ano ba ang sadya mo sa taong hinahanap mo?”, paliwanag at pagdaka’y tanong ni Mang Tor kay Vincent.

“A-e nais ko lang po kasi sanang makipansin sa taong ito kahit ilang araw lamang.”, tugon ni Vincent sa tanong ni Mang Tor sa tila nahihiya at nag-aalangang tinig.

“Kung iyong mamarapatin ay maari kayong dito muna tumira hanggang hindi niyo pa nahahanap ang taong hinahanap niyo.”, ang tila pag-aalok ng tulong ni Mang Tor kay Vincent.

Parang nag-alangan naman ni Vincent sa inalok na ito sa kanya ni Mang Tor.

“Pero nakakahiya naman po sa inyo. Maabala pa po namin kayo.”, ang tila nahihiyang nasabi ni Vincent kay Mang Tor.

Iiling-iling ay umakbay si Mang Tor kay Vincent at siya ay nagsalita.

“Ano bang nakakahiya e ang laki nga ng utang na loob ko sa iyo dahil sinagip mo ang buhay ko. Kung gusto mo ay tulungan mo na lang ako sa pagtatrabaho sa munting bukirin ng aking mga amo. May pananim kasi silang mga palay na ako rin ang nagtatanim at nag-aararo, at ako parin ang naggagapas kapag panahon na ng ani. Malaking bagay ang tulong mo sa tulad kong medyo mahina na ang katawan para sa trabahong pagsasaka. Kung gusto mo ay papartehan pa kita sa bawat sako ng bigas na mabebenta ko at maaangkat? O ano okay bas a iyo ‘yun?”, si Mang Tor na tila pinipilit talaga si Vincent na tanggapin ang alok niyang pagpapinsan dito at sa kasintahan nitong si Cristina.

Sandali ay napaisip si Vincent sa alok sa kanyang ito ni Mang Tor. Bigla ay parang naisip niya ang kalagayan ni Cristina na itinanan niya at inalis sa kinalalagyan nitong mansiyon at marangyang pamumuhay. Batid niyang labis na mahihirapan si Cristina sa piling niya kung sila ay walang maayos na tirahan at siya ay walang sigurado at permanenteng trabaho. Dahil sa isiping ito ay tila napapayag na rin siya na tanggapin ang iniaalok sa kanya ni Mang Tor na pagpapatira sa bahay na pinamamahalaan nito.

“O sige po! Tutal po ay wala pa naman po kaming matutuluyan dito. Pero pansamantala lang naman po habang wala pa kaming permanenteng matutuluyan at habang hindi pa namin nahahanap ang taong hinahanap namin na inaasahan naming magpapapinsan sa amin.”, ang sa wakas ay pagtanggap ni Vincent ng iniaalok sa kanya ni Mang Tor.

“Ayos!”, nakangiting nasabi ni Mang Tor kay Vincent sabay kindat at thumbs up pa dito.

Si Vincent naman ay biglang napatingin sa kasintahang si Cristina na tila payapang-payapang natutulog sa tabi niya.

“Ito na marahil ang bagong buhay na kakaharapin natin, Cristina…”

Half-Cooked (Ang Mga Pilipinong Hilaw)Where stories live. Discover now