Chapter 49:

69 0 0
                                    

Hindi pa ganap na maliwanag ay nagising na si Brian. Sa pag gising niya ay naisipan niyang lumabas muna sa kanyang kuwarto upang umihi. Sa kanyang paglalakad patungo sa kubeta ay naulinigan niya ang tila pag-aaway ng kanyang mga magulang sa may kusina.

“Ano ba, Braulio? Uubusan mo naman ba ng pagkain ang anak mo? Maawa ka naman sa kanya! E halos hindi na nakakakain ‘yun ha! Palagi niyo na lang inuubusan ng pagkain tuwing umaga!”, ang tila naiinis na sabi ni Vina sa asawang si Braulio.

“Bakit ka ba nagkakaganyan ng dahil lang sa bastardo mong anak? Kung bakit ba naman kasi hindi mo na lang siya tuluyang ibinenta sa Kanong tatay niya? Edi sana may pera tayo ngayon! Wala ka kasing pinaiiral kundi ‘yang pesteng damdamin mo! O e ano? May nangyari ba diyan sa pinagsasabi mong pusong ina mo? Ano ngayon ang buhay natin pare-pareho? Ano ngayon ang buhay ng bastardo mong anak sa piling mo? Wala! Walang kakuwenta-kuwenta buhay natin pare-pareho! Wala! Putang ina!”, ang nagagalit namang sabi ni Braulio sa asawa.

“Ano bang wala? E hindi ba nga nagsisikap siya hindi lang para sa sarili kundi para din sa atin? Nagtatrabaho siya at nag-aaral pa! Ano ba ang mahahanap mo sa kanya?”, inis namang pagsasabi ni Vina ng kahalagahan ng pinag-uusapan sa pamilya nila.

“Aba dapat lang! Pagkatapos ko siyang palamunin nung bata pa siya! Pagkatapos ko siyang tanggapin sa pamamahay na ito at sa pamilyang ito kahit na anak mo lang siya sa kung kaninong Kano! Dapat lang na magbayad siya ng utang na loob! Putang ina niya!”, si Braulio na tila walang pakialam sa kahalagahan sa pamilya nila ng kung sinong pinag-uusapan nila ng asawa.

Parang hindi naman natagalan ni Vina ang pinagsasabi ng asawa kung siya ay luhaang lumabas sa bahay. Si Brian naman na kasalukuyang susubok-subok sa tila pag-aaway ng mga magulang ay tila napapaisip sa kung sino ba ang pinag-uusapan ng kanilang mga magulang.

“Sino kaya ang tinutukoy ni Tatay na anak daw ni Nanay sa Kano?”, ang napapaisip na natatanong sa kawalan ni Brian.

“E sino pa ba sa akala mo? Sino ba dito ang mukhang Kano?”, ang bigla naman ay patanong na sabat ng kung sino kay Brian.

Dahil sa patanong na pagsabat at biglang pagsasalita ng kung sinong ay gulat na napalingon dito si Brian. Sa paglingon niya sa kung sinong biglang nagsalita at sumabat ay nabatid niyang ito ay ang kuya niyang si Brando.

“Kuya Brando?”, gulat na nasabi ni Brian matapos mabatid na ang Kuya Brando niya pala ang kung sinong biglang nagsalita at sumabat.

“Gusto mo ba talagang malaman kung sino ang tinutukoy ni Tatay?”, ang tila nanunuyang tanong ni Brando sa kapatid.

“Sino, Kuya Brando?”, takang tanong ni Brian kay Brando.

“Secret!”, ang tila pabiro at nagpapasabik namang tugon ni Brando sa kapatid.

“I see!”, inis na nasabi ni Brian sabay lakad paalis sa kinalalagyan ng kuyang si Brando.

Pero bago pa siya tuluyang makaalis sa kinalalagyan ng kanyang Kuya Brando ay bigla siyang tinawag nito.

“Masyado ka naman matampuhin o-o!”, nakatawang pagtawag ni Brando sa kapatid.

Puno ng kuryusidad ay napalingon si Brian sa kanyang Kuya Brando na para bang nagtatanong ang mga mata. Bagay na agad naunawaan ni Brando.

“Dalawang libong piso, Brian! Sasabihin ko sa iyo ang lahat-lahat ng alam ko! Ang lahat-lahat, Brian!”, si Brando na tila nakikipagnegosasyon sa kapatid para sa kung ano.

Parang naunawaan naman ni Brian ang nais ipakahulugan ng Kuya Brando niya sa sinabi nito sa kanya. Naluluha ay napatango siya dito na tanda ng pagsang-ayon sa tila gusto nitong negosasyon.

Half-Cooked (Ang Mga Pilipinong Hilaw)Where stories live. Discover now