Chapter 29:

91 0 0
                                    

Malapit na ang katanghalian sa tila isang setting ng pelikula. Sa panahong ito ay makikita si Ryan na nakatayo sa isang tila kuwarto na napapaligiran ng napakaraming camera. Sa kama ng kuwartong kinalalagyan ni Ryan ay makikita naman si Genelyn na halos talop na ang buong katawan. Mapapansin na tinatawag ni Genelyn si Ryan palapit sa kanya habang tumutugtog pa sa background ang sensuwal na tugtog. Dahan-dahan ay lumapit si Ryan kay Genelyn at kinakikitaan pa nga ang mukha niya ng labis na pagkaakit sa napakagandang dalagang kaharap.

“Okay, Ryan! Take off your clothes! Your whole clothes!”, mahinang pag-uutos kay Ryan ng direktor na si Jobay na nasa paligid din ng kuwarto at tila ba nanonood sa lahat ng mga nangyayari.

Pero parang nag-alangan si Ryan na magtanggal ng damit kahit pa nga pang-itaas. Napapailing ay napatingin siya sa direktor na si Jobay na para bang sinasabi dito na hindi niya kaya ang ipinapagawa nito sa kanyang pagbuburles habang nasa harapan ng camera.

“Cut! Cut!”, ang galit na galit ay utos ni Jobay.

Nang matigil panandalian ang shooting ay inis na inis na lumapit si Jobay kay Ryan. Nang makalapit ay pinaghahampas niya ito sa balikat na para bang siya ay isang baklitang nagtataray sa lansangan.

“Shit! Shit! Ano ba, Ryan? Hindi ba sabi ko tanggalin mo ‘yung lahat ng mga damit mong suot? Ano ginagawa mo at para kang abnoy na iiling-iling pa habang nakatingin sa camera? Macho at guwapitong gigolo ang papel mo dito at hindi isang lalaking abnormal!”, ang inis na inis na pananabon ni Jobay kay Ryan.

“Pero direk! Hindi ko po talaga kayang maghubad! Baka po puwedeng iba na lang ang ibigay niyong papel sa akin? O baka po puwedeng body-double na lang ang gagawin kong paghuhubad?”, paliwanag at tila pakikiusap ni Ryan kay Jobay.

“Aba! Aba! At choosy ka pa sa role, bruha ka! Magpasalamat ka nga at ginawa pa kitang bida sa pelikulang ito e! Ano ba tingin mo sa sarili mo? Sobrang talented mo at hindi mo na kailangang magburles para makilala! Kapal ng fez nito! Hoy! Para sabihin ko sa iyo sa tsaka mong pagmumukha! Kahit ang sikat na sikat na ngayong si Coco Martin ay dumaan din sa pagbuburles bago sumikat! At ganon ka ba kagaling? Ganon ka ba kasikat? Ang feeling nito!”, inis na inis ay pagtataray ni Jobay kay Ryan.

Sa gitna ng tila tarayang eksena sa pagitan ni Ryan at ng baklitang direktor ay biglang dumating sa kinalalagyan nila si Genelyn.

“O ano ba ang problema at natigil ang shooting? I’m so giniginaw na e!”, usisa at tila pagrereklamo ni Genelyn kay Jobay.

“Aba! Edi tanungin mo ‘yang magaling mo alaga! Nakakaloka ‘yang alaga mo, Genelyn! Ayaw ng burlesan! Akala mo naman kung sinong may talent! Kausapin mo nga ‘yan!”, inis ay nasabi ni Jobay kay Genelyn sabay turo kay Ryan.

Naiinis at tumatarang-tarang pa ay naglakad si Jobay palayo sa kinalalagyan nina Ryan at Genelyn. Nang makaalis naman ang baklitang direktor ay iiling-iling na napatingin si Genelyn kay Ryan.

“Ano ba problema mo? Bakit daw ayaw mong sundin ang sinasabi ni direk?”, inis na natanong ni Genelyn kay Ryan.

“E Genelyn… Ayoko talagang maghubad e. Hindi ko kaya. Hindi ganito ang inaasahan kong magiging papel ko sa pelikulang ito.”, tugon at pangangatwiran ni Ryan kay Genelyn.

Naiinis ay umakbay si Genelyn kay Ryan at pumulupot pa siya sa braso ng guwapong binata.

“Alam mo, Ryan. Lahat ng artista ay nagsisimula sa kahit na anupang papel. E mabuti ka nga bida kaagad ang ibinigay sa iyong papel e. Alam mo, stepping stone ng sinumang artista ang paghuhubad. Halos lahat ang mga iyan puwera lang sa may mga malalakas na kapit sa mga higanteng istasyon ay nagsimula sa paghuhubad. Kaya kayanin mo kahit pa hindi ito ang nakasanayan mo! Ganito sa showbiz! Patapangan ng sikmura! Pakapalan ng pagmumukha! Wala ditong pride-pride! Wala ditong prinsi-prinsipyo! Gamitan dito! Kapitan sa kung sino ang nasa puwesto! Hubaran ng damit! Hubaran ng kaluluwa! Hubaran ng nakasanayang pagkatao! Hubaran ng nakanasayan mong mga gawi sa buhay! Hubaran maging ng iyong…DIGNIDAD at MORALIDAD!”, ang tila pangangaral at pagbibigay ng payo ni Genelyn kay Ryan.

Parang labis namang napaisip si Ryan sa mga sinabi sa kanyang ito ni Genelyn. Habang nag-iisip ay napapatulala pa siya at napapatingin sa kawalan. Napansin naman ni Genelyn ang tila kalituhang ito ni Ryan.

“O ano na, Ryan? Gusto mo talagang maging artista? Kaya mo ba talaga ang buhay dito sa showbiz?”, ang tila seryosong pagtatanong ni Genelyn kay Ryan.

Sa tanong na ito ni Genelyn ay sandaling napapikit si Ryan. Sa kanyang pagpikit ay naisip niya si Karina. Naisip niya ang magandang maaring mangyari sa kanila ni Karina sa sandaling siya ay maging isa nang sikat na artista at maging napakayaman na dahil sa propesyon niyang pinasok. Naisip niya ang pangako niya kay Karina na balang-araw kapag natupad na ang mga pangarap niya ay hihingin niya ang kamay nito at sila ay magpapakasal. Sa isipan niya ay napakagandang isipin ang ganon, pero alam niyang isa lamang ang magbibigay sa katuparan sa pangarap niyang makuha ang pag-ibig ni Karina. Ang showbiz! At sa muli niyang pagdilat ay tila naging klaro na ang lahat sa kanya at siya ay medyo nakangiti pa nga.

“Oo, Genelyn! Gusto kong mag-artista! Gusto kong maging isang magaling at sikat na artista!”, ang buo ang loob ay pahayag ni Ryan kay Genelyn.

“Kung ganon ay dapat ka nang masanay sa mga ginagawa ng mga nasa propesyong ito. Kahit gaano pa kalaswa! Kahit gaano pa kasagwa! Kahit gaano pa kahirap sikmurain! Dahil ito ang showbiz! Ganito sa showbiz!”, muli ay tila pagpapayo ni Genelyn kay Ryan.

Ilang sandali pa ay muli nang na-resume ang shooting. Muli ay bumalik sa eksena kung saan ay nasa kuwarto si Ryan at sa kama sa kuwartong ito ay makikita si Genelyn na halos wala nang saplot sa buong katawan at siya ay tila tinatawag papunta sa kinalalagyan nito na para bang isang diwatang nang-aakit ang itsura. Sa puntong ito ay dahan-dahan ang naging paglapit ni Ryan at nang malapit na siya sa kama ay unti-unti niyang hinubad ang lahat ng saplot sa kanyang katawan hanggang sa wala nang matira pa at siya ay tuluyan nang naging burles. Nang hubo’t hubad na ay nakangiting lumapit si Ryan sa tumatawag at tila nang-aakit sa kanyang si Genelyn at isinagawa nila ang unang love scene at maiinit na mga tagpo nila sa pelikulang kapwa nila pinagbibidahan.

“Good! Good! That’s very good! Bravo! That’s the way I like it!”, ang tuwang-tuwa pang nasasabi ng baklitang direktor na si Jobay habang nakikita ang mga maiinit na tagpo sa eksenang kasalukuyang isinasagawa nina Ryan at Genelyn.

Matapos ang kanilang tila napakainit na eksena ay tuwang-tuwang nakayakap si Genelyn kay Ryan.

“Welcome to the world of showbiz, Ryan!”, nakangiting pahayag ni Genelyn kay Ryan habang hinaplos-haplos pa ang poging mukha nito.

Half-Cooked (Ang Mga Pilipinong Hilaw)Where stories live. Discover now