Chapter 26:

88 0 0
                                    

Nang gabing ito ay makikita sina Punk at Boy Ahas na magkaangkas sa isang tila kay tuling motor habang binabagtas ang kahabaan ng Edsa. Makikitang si Boy Ahas ang nagmamaneho ng motor at si Punk naman ay nakaangkas sa likuran ni Boy Ahas. Habang magkaangkas sa tumatakbong motor ay magkausap pa sila.

“Saan ba natin banda yayariin ang target, pare?”, tanong ni Punk kay Boy Ahas.

“Sa bandang Shaw Blvd. daw.”, kaswal na tugon ni Boy Ahas kay Punk.

“Ah malapit-lapit na pala. Sa bandang Crame na ‘to e.”, si Punk na bagamat excited ang tono ng pananalita ay kakikitaan sa mga mata ng tila isang matinding kalungkutan.

“Basta maghanda ka lang, Punk. Paghintong-paghinto natin sa tapat ng kotse ng target ay ratratin mo na siya kaagad upang walang maging masyadong problema at aberya.”, ang tila pagbibigay ng instruction ni Boy Ahas kay Punk.

“Okay! Areglado!”, ang nasabi lang ni Punk kay Boy Ahas.

Di kalayuan sa kinalalagyan nila Punk ay makikita ang isang kulay itim na Mercedes Benz S Class. Sakay ng kotseng ito ang isang maskuladong tsuper na siyang nagmamaneho sa naturang kotse at sa likod naman ng kotse ay makikita ang may kaedaran nang lalaki. Bagamat may kaedaran na ay makikita sa aura ng lalaking ito na ito ay may sinabi sa buhay at may otoridad sa kanyang kinasasakupan. Kasalukuyan itong nakasilip sa bintana ng kotse at tila ba tinitignan ang kanilang dinadaanang mga lugar.

“Malaki na rin pala ang ipinagbago ng Edsa mula noon.”, ang napapangiti pang nasasabi ng may kaedaran nang lalaki habang nakikita sa bintana ng kotse ang tanawin ng Edsa. “Subalit tila mas naging ma-traffic ngayon dito. “, pagdaka ay nasabi nang may kaedaran nang lalaki matapos mapansin ang tila napakatinding traffic sa kanilang lansangang binabagtas.

“Sa tingin ko po ay masama ang loob ni Mr. Straber sa ginawa niyong pagtanggi na patuloy na mag-invest sa kanyang mga ilegal na pasugalan at bahay-aliwan.”, ang nasabi naman ng maskuladong tsuper sa may kaedaran nang lalaki.

“Pero tama lang naman ang ginawa ko, hindi ba? Matanda na ako at mahabang panahon na rin akong gumagalaw sa Underworld. Sa nalalabing panahon ng buhay ko ay nais ko itong gugulin sa pagbabagong buhay. Kahit sa maliit na bagay ay nais kong makabawi sa kanya sa mga panahong siya ay kinalimutan ko at mas pinairal ang pagiging masama sa mundong ito. Hindi ko alam kung mapapatawad niya pa ako at matatanggap bilang anak niya, pero gusto ko paring subukang magbago. Hindi lamang para sa kaligtasan kundi para masabing kahit minsan sa buhay kong ito ay natuto akong maging isang…TAO…”, ang napahayag naman ng may kaedaran nang lalaki sa tsuper.

“Agree po ako sa ganyang pananaw niyo. Marami po kasi sa mga nasa Underworld ang namatay at namatay na ganon parin sila at hindi man lang naisipang magbago. Kaya nga po saludo ako sa inyo. Dahil kayo kahit sa kahuli-hulihang pagkakataon ay naisip niyo ang pagbabago.”, ang tila naliligayahang nasasabi ng tsuper sa may kaedaran nang lalaki.

“Pero hindi naman ganon kahuli ang lahat para sa pagbabago, hindi ba?”, ang may kaedaran nang lalaki na hindi sang-ayon sa sinabi ng tsuper na may kinalaman sa tila kahulihan ng lahat sa kanyang buhay.

“Pero huli na po ang lahat. Maniwala po kayo.”, sabi ng tsuper sa may kaedaran nang lalaki na bigla na lamang ngumiti dito ng ngiting demonyo.

Parang labis namang nagulat ang may kaedaran nang lalaki sa pagngiti sa kanya ng ngiting demonyo ng tsuper.

“A-anong…”, gulat na naibulalas ng may kaedaran ng lalaki na hindi na natapos pa ang sasabihin.

Ito ay dahil bigla na lamang may humintong motor sa tapat ng kotseng sinasakyan ng may kaedaran nang lalaki at sakay ng motor na ito ay walang iba kundi sina Punk at Boy Ahas. Agad ay pinaulanan ni Punk ng bala ang ulo at dibdib ng may kaedaran nang lalaki gamit ang isang segunda manong Colt na may silencer pa upang hindi makagawa ng masyadong ingay. Matapos gawin ni Punk ang ganito ay humarurot na palayo ang sinasakyan niyang motor na iminamaneho ni Boy Ahas. Naiwan naman ang may kaedaran nang lalaki na wala nang buhay matapos paulanan at baunan ng bala ni Punk sa parteng ulo at dibdib nito. Nakatingin sa duguang bangkay ng may kaedaran nang lalaki ay ang tsuper na kanina ay nakangiti dito ng ngiting demonyo.

“See! There’s nothing left for you after Underworld. Nothing!”

Half-Cooked (Ang Mga Pilipinong Hilaw)Where stories live. Discover now