Chapter 41:

91 0 0
                                    

Malapit nang magtanghali sa isang setting ng pelikula, sa isa sa mga kahoy na bangko na nakahilera sa naturang lugar ay nakaupo si Ryan at tila pinapanood ang isang eksena sa pelikula na kasalukuyan pa lamang shinu-shooting. Ito ay eksena kung saan ay ang leading lady ng naturang pelikula na si Genelyn ay nakikipagtalik sa apat na mga machong lalaki. Masyadong maseselan at maiinit ang mga pangyayari sa pagitan ni Genelyn at ng apat na mga machong lalaki. Sa pakiwari ni Ryan ay parang naasiwa siyang ito ay panoorin. Tila napansin naman ng katabi niyang lalaki na tila artista rin sa nasabing pelikula ang pagkaasiwa niya habang pinapanood ang maseselang mga kaganapan sa pagitan ni Genelyn at ng apat na mga machong lalaki.

“Bago ka lang sa ganitong trabaho ano?”, ang bigla ay usisa kay Ryan ng katabi.

Marahan ay napalingon si Ryan sa katabi niya na tila biglang kumausap sa kanya. Nabatid niyang ito ay isang guwapo at machong lalaki na medyo kahawig ni Jay Manalo ang itsura.

“Excuse me?”, si Ryan na tila labis ang pagtataka sa ginawang pagkausap sa kanya ng naturang lalaki.

“Juan, pare. Juan Penile. Tulad mo ay artista rin ako sa pelikulang ito, pero hindi nga lang ako isa sa mga main character.”, pakilala at pagkamay kay Ryan ng lalaking kumausap sa kanya nagpakilala sa pangalang Juan Penile.

“Ryan. Ryan Maxwell.”, pakilala naman at pagkamay din ni Ryan kay Juan.

“Ah! So you are the new boyfriend of Ms. Genelyn Winstone?”, gulat at namamanghang sabi ni Juan matapos malaman ang pangalan ni Ryan.

Napantingin lang ng nagtatakang tingin si Ryan kay Juan dahil sa sinabi niyang ito. Agad naman ay napuna ni Juan ang pagtatakang ito ni Ryan.

“Well, nakuwento ka kasi niya sa amin. Ikaw nga raw ang main leading man sa pelikulang ito.”, ang tila pagpapaliwanag at paglilinaw ni Juan kay Ryan.

“Ah okay. I guess YES!”, ang tanging nasabi lang ni Ryan kay Juan.

Nakangiti ay umakbay si Juan kay Ryan.

“Welcome to showbiz, pare!”, nakangiti ay tila pagbati ni Juan kay Ryan.

“Thank you, pare.”, kaswal na pasasalamat naman ni Ryan kay Juan.

Mula naman sa bulsa ng kanyang pantalon ay may kung anong kinuha si Juan. Ito ay tila isang pipa at isang pakete ng kung anong kulay puti na may pagkakahawig sa tawas ang itsura. Binuksan ni Juan ang pakete at isinalin niya sa hawak na pipa ang laman nitong kulay puti. Nang nasa pipa na ang lahat ng laman ng pakete ay sinindihan ito ni Juan ng lighter sa bunganga ng pipa. Bigla ay may kung anong usok ang lumabas mula sa bunganga ng pipa. Parang labis pa ngang naligayahan si Juan habang nakikita ang usok at maya-maya pa ay sininghot niya ito na para bang siya ay bangong-bango dito. Matagal ang ginawa niyang pagsinghot at tila ba pinanuot niya muna sa kanyang buong ilong ang naturang usok. Nang matapos sa pagsinghot ay tila labis-labis na kaligayahan ang nadarama ni Juan. Ngingiti-ngiti pa ay iniabot niya kay Ryan ang pipa.

“Want some, pare?”, tanong at tila pag-aalok ni Juan kay Ryan ng kung anong nasa pipa.

Parang labis namang nagtaka si Ryan at tila naging curious kung ano ang laman ng pipa na sinisinghot-singhot ng anong saya ni Juan.

“E ano ba ‘yan, pare?”, takang tanong ni Ryan kay Juan.

“Tobats, pare! Shabu! Pampalakas lang ng loob!”, ngingiti-ngiti ay tugon ni Juan kay Ryan.

Parang agad namang napagtanto ni Ryan kung ano ba talaga ang sinisinghot na ito ni Juan sa pipa. Napapailing ay napatitig siya kay Juan.

“No thanks, pare. Hindi ako gumagamit niyan!”, ang todo tangging sabi ni Ryan kay Juan.

Ngingiti-ngiti naman ay inakbayan ni Juan si Ryan.

“Come on, pare. Pampalakas ng loob ‘to! Kapag nakagamit ka nito ay malilimutan mong ikaw nasa maraming mundo at kering-keri mo na lang ang lahat ng mga kababuyan at kalaswaang ipinapagawa sa iyo ng putang inang bading na direktor na ‘yan. Just try it, pare. Just try it once. And believe me, pare! Believe me! You will like it! You will enjoy it!”, si Juan na tila dinedemonyo si Ryan na gumamit din ng drogang ginagamit niya.

Parang unti-unti naman ay nadadala si Ryan sa pandedemonyo ni Juan at nakita na lamang niya ang sarili na hawak-hawak ang pipa at  dahan-dahan ay sininghot niya ang usok na lumalabas mula sa bunganga nito. Sa una ay nakaramdam siya ng pananakit ng ilong at siya ay makailang ulit na bumahin. Pero muli niyang sininghot ang usok na lumalabas mula sa bunganga ng pipa at sa pagkakataong ito ay hindi gaanong sumakit ang ilong niya. May katagalan ang ginawa niyang pagsinghot kung saan ay hinayaan niya munang manuot ng husto sa ilong niya ang naturang usok. Habang nanunuot sa ilong niya ang naturang usok ay nararamdaman niyang tila ito ay pumapasok rin sa utak niya. Tila ba siya ay nakakaramdam ng kakaiba na para bang nararamdaman niyang siya ang pinakamatapang na tao sa buong mundo. Para bang biglang-bigla ay naramdaman niyang siya ay nag-iisa lang sa mundong ito at siya nasa isang madilim na lugar. Isang lugar na tila nagbibigay sa kanya ng labis-labis na katahimikan at kapanatagan. Matapos niyang maramdaman at tila maranasan ang kakaibang kapanatagan ay nawili siya sa pagsinghot ng usok mula sa pipa, na tila ba siya ay nagsisimula nang mahumaling sa naturang usok.

“See! I told you! You’re gonna like it! You’re gonna enjoy it!”, ang nakangiti namang nasasabi ni Juan habang tinatapik-tapik sa balikat ang tila wala na sa sariling si Ryan.

Si Ryan naman ay tila hindi na pansin pa ang tumatapik at kumakausap sa kanyang si Juan. Siya ay tila ba nasa sariling mundo niya kung saan ay walang sinumang ang makakapasok dito maliban sa kanya. Maya-maya pa ay parang bigla na lamang naramdaman ni Ryan na may kung sinong humahaplos sa kanya. Malumanay ang mga paghaplos na tila ba may dalang kakaibang kiliti sa kanyang buong katawan. Ang tanging naaaninaw niya ay isa itong babae. Isang babaeng malaki ang pagkakapareho sa pinakatatangi niyang si Karina.

“K-karina… Karina…”, ang nasasabi ni Ryan habang nararamdaman ang paghaplos ng kung sino sa kanyang buong katawan.

“I really like you, boy!”, ang nasasabi naman ni Juan habang pinagpapasasaan ang katawan ng tila wala na sa sariling si Ryan.

Half-Cooked (Ang Mga Pilipinong Hilaw)Where stories live. Discover now