Chapter 28:

86 2 0
                                    

Kinabukasan, umagang-umaga palang ay makikita si Vincent na tila may kung anong ginagawa sa luma at tila sira-sira nang kariton. Tila ba ito ay dinudugtong-dugtungan niya ng ibang mga piraso ng kahoy na para bang siya ay may kung anong ginagawa mula sa luma at sira-sira nang karation. Habang ginagawa niya ang ganito sa luma at sira-sira nang kariton ay napapangiti pa siya na para bang may kung anong pinapangarap.

“Sana ay maganda ang kalabasan nito!”, ang nakangiting nasasabi ni Vincent habang patuloy sa kanyang kung anong ginagawa sa naturang kariton.

Ilang sandali pa ng patuloy na paggawa ni Vincent ay tila unti-unti siyang nakakabuo ng kung anon mula sa tila nireretoke niyang luma at sira-sira nang kariton. Para bang nagmistulang isang maliit na karitela ang korte nito. Gamit ang tila pinaglumaan nang sofa na nakuha niya sa junkshop ng kapitbahay nilang Intsik ay nilagyan niya ng upuan sa gitna ang kanina’y luma at sira-sira nang kariton na nagmistulang isang maliit na karitela. Gamit naman ang mga luma at sira nang pintuan ng isang bulok na kotse sa junkshop ay nilagyan niya ng pinto sa magkabilang side ang naturang kariton na ngayo’y mistula nang isang maliit na karitela. Ginamit niya rin ang mga lumang mags ng mga bulok-bulok na kotseng nakatambak sa junkshop bilang siyang mga bagong gulong ng naturang kariton na nagmistula nang isang maliit na karitela. Nilagyan niya rin ng lumang carpet na pula pa ang kulay ang tulakan nang naturang kariton upang magmukha itong class sa paningin. Nilagyan pa niya ang magkabilang dulo ng pantulak ng dalawang pampotpot na nakuha niya rin sa mga bulok-bulok na kotseng nakatambak sa junkshop bilang tila pambusina ng naturang kariton na ngayon ay mistula nang isang maliit na karitela. At para mapagara talaga ang ginagawa niyang kung ano ay pininturahan pa niya ito ng kulay maroon sa buong katawan at itim naman sa mga side nito at parteng ibaba. Nang matapos ni Vincent ang kung anong ginagawa ay napapalatak pa nga siya.

“Ayos! Itong-ito ang gusto kong kalabasan nito!”, ang naliligayahang nasasabi ni Vincent habang pinagmamasdan ang pagkakayari sa kung anong ginagawa niya.

Sa gitna ng tila pagsasaya ni Vincent matapos na matapos ang kung anong ginagawa ay biglang dumating sa kinalalagyan niya si Punk na halatang pagod na pagod at puyat na puyat mula sa tila magdamagang pagtatrabaho.

“Kumusta, Punk?”, bati pa nga ni Vincent kay Punk nang makita ito.

“Ayos lang, Kuya Vincent. Medyo pagod sa trabaho.”, bati din at paliwanag pa ni Punk kay Vincent.

Paalis na sana si Punk sa kinalalagyan ni Vincent nang bigla ay maisipan ng huli na tawagin ang una.

“Sandali lang, Punk!”, pagtawag ni Vincent kay Punk.

Nagtataka ay nilingon ni Punk si Vincent.

“Bakit, Kuya Vincent?”, takang tanong ni Punk kay Vincent.

“Saan ka nga nagtatrabaho?”, tugon at siya namang tanong ni Vincent kay Punk.

“Sa isang bodega sa may Navotas, Kuya Vincent. Bale factory worker ako dun at paminsan-minsan na rin ay naatasang maging sekyu. E wala astigin ako e!”, tugon at bahagyang pagyayabang pa ni Punk kay Vincent.

Napapailing at napapangiti namang tumitig si Vincent kay Punk.

“Puro ka talaga kalokohan at kayabangan! Manang-mana ka kay Quincy! Pero maiba tayo... Itatanong ko lang sana kung merong bakante sa inyo? Kailangan ko nang ekstrang pagkakakitaan e.”, puna at pagdaka’y tanong ni Vincent kay Punk.

“Sige, Kuya Vincent! Tatanungin ko si Mr. Lee!”, ang tanging natugon ni Punk sa tanong ni Vincent.

Parang may kung ano namang sumagi sa isip ni Vincent nang marinig ang pangalang Mr. Lee.

“Mr. Lee? Sinong Mr. Lee ‘yun?”, taka at medyo gulat na natanong ni Vincent kay Punk.

“Siya ang may-ari ng bodegang pinagtatrabahuhan ko. Bakit kilala mo ba siya, Kuya Vincent?”, kaswal na tugon at pagdaka’y tanong ni Punk kay Vincent.

“Ah. Hindi. Natanong ko lang.”, si Vincent na tila may kung anong ikinukubli sa kausap.

“O paano, Kuya Vincent. Uwi muna ako. Matutulog pa ako e. Medyo puyat e.”, ang pamamaalam na ni Punk kay Vincent.

“O sige. Salamat!”, pamamaalam din at pasasalamat ni Vincent kay Punk.

Nang makaalis na si Punk ay tila may kung anong naisip si Vincent.

“Mr. Lee. Apelyidong Tsino. Siya kaya ang taong hinahanap ko? Pero masyadong maraming apelyidong Intsik na naninirahan dito sa Maynila. Maliban sa unang pangalan ay wala na ‘kong ibang ideya kung sino ba talaga siya at kung saan ko siya maaring matagpuan. Mukhang aabot na sa buong buhay ko ang paghahanap sa kanya…”, ang bigla ay nasabi ni Vincent sa kawalan.

Half-Cooked (Ang Mga Pilipinong Hilaw)Where stories live. Discover now