Chapter 39:

93 0 0
                                    

Sa isang klasrum sa pinapasukang eskuwelahan ni Brian nang umagang ito ay makikita si Brian na nakatayo sa harap ng buong klase habang siya ay tila tinatawanan hindi lamang ng kanyang mga kaklase kundi maging ng class adviser nila na si Ms. Marcelina Narciso.

“Ano na, Brian? Ikaw na lang ang walang pambayad sa field trip ha! Umamin ka! Ano talaga ang ginawa mo sa perang dapat sana ay pambayad sa field trip?”, ang tila pag-iinterogate ni Ms. Narciso kay Brian.

“Ma’am, baka ipinambili ng Playboy magazine!”, natatawang pagbibigay ng haka-haka ni Luis kay Ms. Narciso tungkol sa nangyari sa perang pambayad sana ni Brian sa field trip.

“Anong Playboy magazine? May alam ba ang probinsiyanong iyan sa Playboy magazine? Baka kamo nag-subscribe ‘yan sa Bomba tabloid for one year!”, pagbibigay naman ng haka-haka ni Raffy na tawang-tawa rin.

“At marunong palang mag-subscribe ang nerdong ‘yan! If I know, nag-check in lang ‘yan sa Hotel Sogo para magbate mag-isa habang hawak ang picture ni Melissa! Bwahahahaha!!!!!”, si Gilbert na tila nagsimula na namang insultuhin si Brian.

“Puwede! Obsess na obsess kay Melissa ang nerdong ‘yan e!”, ayon naman ni Rick kay Gilbert.

“So sa Hotel Sogo pala napunta ang perang pambayad sana ni Brianboy sa field trip!”, ang malakas na sigaw ni Edmund na tila ba sinasabi talaga na sa pagche-check in sa Hotel Sogo dinala ni Brian ang perang pambayad sana sa field trip.

“Boy Manyak! Boy Manyak! Boy Manyak!”, sigawan ng buong klase.

“Manyakis kang nerdo ka! At ano ang ginagawa sa manyak?”, si Gilbert na tila nagpapasimuno na naman sa labis na pang-aasar kay Brian.

“Ano?”, tanong ng buong klase.

“Binabato!”, malakas na sigaw ni Gilbert sabay bato kay Brian ng nakalamukos na papel.

At nagsimulang batuhin ng buong klase si Brian ng mga nakalamukos na papel na ang iba pa nga ay halos sampung patong.

Sa punto namang ito ay walang nagawa si Brian kundi ang yumuko na lamang habang iniinda ang ginagawang pagbato sa kanya ng buong klase. Habang nangyayari sa kanya ang ganito ay napapaiyak na lamang siya. Tila ba naiisip niya at nababatid kung gaano kaaba at kanakakaawa ang buhay niya sa mundong ito. Siya na tila kahit minsan ay hindi nagawang mahalin ng kanyang ama at dalawang kuya. Siya na tila palagi na lamang api-apihan kapag nasa eskuwelahan mula pa nung siya ay kinder. Siya na maging sa pinagtatrabahuhan niya ay kinakawawa ng kanyang mga katrabaho. Siya na tila ba hindi kayang matanggap ng lipunang kanyang kinabibilangan. Para bang sa pakiwari niya ay gusto na lamang niyang mawala. Maglaho o di kaya ay mamatay na lang bigla upang matapos na ang sakit at pagdurusang kanyang dinaranas. Para kasing ansakit-sakit na at ang hirap-hirap na ng kanyang dinaranas. Daig pa niya ang paulit-ulit na pinupukpok ng dos por dos. Daig pa niya ang paulit-ulit na sinasaksak ng patalim. Daig pa niya ang paulit-ulit na sinusuntok at ginugulpi. Hindi na niya yata kaya pa. Bibigay na yata siya. Pero sa gitna ng tila napakatinding pagdurusang ito na dinaranas ni Brian ay bigla na lamang may sumigaw. Isang kaluluwang tila naglakas ng loob na sumigaw at bumasag sa kaapihang kasalukuyang dinaranas ni Brian. Isang kaluluwang sa pakiwari ni Brian ay gusto niyang maging…SOULMATE!

“Tama naaaaaa!!!!!!!!!!!”, malakas at dumadagundong na sigaw ni Melissa sa buong klaseng tila umaapi at bumubusabos kay Brian.

Sa lakas ng pagsigaw na ito ni Melissa ay natigilan ang  lahat sa ginagawang pang-aapi kay Brian. Ang buong klase ay biglang-biglang napalingon sa sumigaw na si Melissa. Naluluha ay nagsalita si Melissa at tila ba sinumbatan ang buong klaseng kasalukuyang umaapi at bumubusabos kay Brian.

“Anong klase kayong mga tao? Tao pa ba kayong maituturing? Bakit ganun na lang kung apihin niyo si Brian? Dahil ba iba siya kumpara sa inyo? Dahil ba mahirap lang siya at walang pambili ni bagong uniporme? Ganyan lang ba ang basehan niyo para tratuhin ng tama ang isang tao? Ang isang kaklase? Ang isang kasama? Kung ganon ay napakawalang kuwenta niyo! Ano ang karapatan niyong mang-api ng isang tao? Mga perpekto ba kayo? Ang kakapal ng mukha niyo! Hindi na kayo naawa! Walang kayong awa! Wala kayong puso!”, ang galit na galit na sumbat ni Melissa sa buong klase habang siya ay naluluha.

Parang nakaramdam naman ng pagkahiya sa sarili ang buong klase kasama na ang adviser dito na si Ms. Narciso. Panandalian ay nabalot ng katahimikan ang buong klase. Katahimikang tila ba nakakabingi. Katahimikang tila ba nagpapakita ng mahinang pagsisisi at pagtanggap ng pagkakamali. Makaraan ang panandaliang katahimikan ay malungkot at mahinahong nagsalita si Ms. Narciso.

“Okay, class! Sino ang gustong magpahiram kay Brian ng ipambabayad niya sa field trip? Kindly volunteer.”, ang tila pahayag at pagtatanong ni Ms. Narciso sa buong klase kung meron sa mga ito ang may magandang kalooban upang pahiramin ng pambayad sa field trip si Brian.

Halos buong klase naman ay nagtaas ng kamay at tila ba ang lahat ay gustong mag-volunteer na pahiramin ng pera si Brian para pambayad sa field trip.

“Ako! Ako! Ako! Ako! Ako! Ako! Ako!”, sigawan ng buong klase na tila nag-uuna-unahan pa sa pagbo-volunteer na magpahiram ng pera kay Brian.

Sa tagpo namang ito ay naluluhang napatingin si Brian kay Melissa.

“Thank you…”, pabulong na pasasalamat ni Brian kay Melissa habang siya ay nakatingin dito at lumuluha.

Si Melissa naman ay tanging matamis na pagngiti lang ang itinugon sa pabulong na pasasalamat sa kanya ni Brian. At panandalian ay nagkatitigan sila na tila may kung anong napagkakaunawaang bagay.

Half-Cooked (Ang Mga Pilipinong Hilaw)Where stories live. Discover now